What's new

Trivia Dapat Bang Makialam sa Politika ang Relihiyon?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,197
Points
2,914
Ano masasabi nyo mga paps?
Comment your opinion below!

  • “Tumangging makibahagi ang mga Kristiyano sa ilang gawain ng mga mamamayang Romano. . . . Ayaw nilang humawak ng anumang posisyon sa pulitika.”—On the Road to Civilization—A World History, pahina 238.
  • “Walang katiting man na katibayan na magpapangyari sa atin na mag-isip na si Jesus ay nagkaroon ng mga ambisyong militar/pulitikal, at . . . totoo rin ito sa mga alagad.”—Jesus and Judaism, pahina 231.
  • “Sa isang Kristiyano ang kaniyang relihiyon ay isang bagay na hiwalay sa at mataas kaysa sa pulitikal na lipunan; ang kaniyang pinakamataas na sinumpaang itataguyod ay hindi si Cesar kundi si Kristo.”—Caesar and Christ, pahina 647.
  • “Handa si [apostol] Pablo na gamitin ang kaniyang pagkamamamayang Romano para sa kaniyang mga karapatan sa paglilitis, pero hindi siya nakisangkot sa mga isyu hinggil sa polisiya ng gobyerno. . . . Bagaman naniniwala silang dapat nilang igalang ang mga nasa awtoridad, hindi naniniwala ang unang mga Kristiyano na dapat silang makisali sa pulitika.”—Beyond Good Intentions—A Biblical View of Politics, pahina 122-123.
  • “May paninindigan ang karamihan sa mga Kristiyano na wala sa kanilang mga miyembro ang dapat humawak ng katungkulan sa ilalim ng estado . . . Noon pa mang pasimula ng ikatlong siglo, sinabi na ni Hippolytus na ang makasaysayang kaugalian ng mga Kristiyano ay humihiling sa isang mahistradong pambayan na magbitiw sa kaniyang tungkulin bilang kondisyon sa pagsama niya sa Simbahan.”—A History of Christianity, Volume I, pahina 253.
 
Nung unang panahon oo hawak ng simbahan ang politika kung mag be base ka sa Bible pero kung be base ka naman sa sensya karamihan sa mga naging scientist ay Pari, Pero ngayon siguro ay may kalayaan na ang bawat isa na mag labas ng kanya kanyang saloobin at komento ukol sa politika. Hehe for me lang to lods🤘❣️
 
Ang salitang Politika ay masyadong malaki pero dapat hiwalay ang desisyon ng state/government and the Churches sa gantong usapin.

Pero as an individual, kung will ni Lord na mapasama ako sa Politika, why not? :) May mga Christians na umiiwas talaga sa Politics kasi hindi naman natin ministry yon, madami po tayong ministry na dapat pagtuunan pa ng pansin PERO hindi din naman po sinabi sa Bible na masama yon.

Hindi natin pwede i-asa sa mga masasamang tao ang buong Politics. ***, money, power, they are all good things that can be used wrongly. They're all blessings but needs to be use properly under God's provision and control.
 
Last edited:

Kaya nga nung panahon ni Jesus sinabi nya sa lahat ng tao, "Ibigay sa Dyos ang sa Dyos, at kay Cesar ang kay Cesar" -Mateo 22:21

Pwedeng makealam ang relehiyon ukol sa usaping pampolitika kase pero yung iba mas pinipili ang manahinik nalang

Ako tol Christian ako then may pake din ako sa politika kase satin naman ang feedback ng mga ginagawa natin, kung ang pipiliin ba natin ay yung ma aasahan o kurakot,

Nag karoon kami ng seminar tungkol jan wala naman pinapanigan, ang lesson lang nung seminar na ginawa samin ay "VOTE WISELY" yan yung message na sinasabi dun sa seminar.
 
Ang salitang Politika ay masyadong malaki pero dapat hiwalay ang desisyon ng state/government and the Churches sa gantong usapin.

Pero as an individual, kung will ni Lord na mapasama ako sa Politika, why not? :) May mga Christians na umiiwas talaga sa Politics kasi hindi naman natin ministry yon, madami po tayong ministry na dapat pagtuunan pa ng pansin PERO hindi din naman po sinabi sa Bible na masama yon.

Hindi natin pwede i-asa sa mga masasamang tao ang buong Politics. ***, money, power, they are all good things that can be used wrongly. They're all blessings but needs to be use properly under God's provision and control.
tama ka dito parekoy, pero may provision din kasi sa constitution natin na ang paghihiwalay ng church and state ay d dapat ipagsawalang bahala.
 
Similar threads

Back
Top