What's new

Trivia Depressed Ka Ba? Paano makakatulong ang Bibliya?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
Narito ang ilang wise advice na nabasa ko at maaaring makatulong sa inyo na hinalaw ko sa aming Bible based article.

Ano nga ba ang dapat gawin kapag nakararanas ng depression?

1. Kumain ng healthy foods. (Ecl 3: 13)
2. Matulog ng dapat na oras. (Ecl 4: 8)
3. Regular na mag-ehersisyo. (1 Tim 4:8)
4. Alamin ang nagtitrigger o mga signs na susumpungin ka ng depression at gumawa ng hakbang para maiwasan ito.
5. Isulat kung ano ang iniisip at nadarama mo- may nagsasabi na effective talaga ito.
6. Makakatulong ang love and concern ng mga kapamilya at kaibigan para mas makayanan mo ang depression. (Kaw 17: 17)
7. Magpa-check-up sa doktor. (Mateo 9: 12)
8. Higit sa lahat, make sure na nasasapatan ang spiritual needs mo. (Mateo 5: 3)

Ilang tips pa sa depression:
A-Harapin nang mag-isa ang pinagdara-a
an mo.
B-Makipag-usap sa pinagkakatiwalaan mong mas matanda sa iyo.

Parang mas okey ang A, lalo na kapag ayaw mong makipag-usap sa iba. Pero ito nga ba ang mas magandang gawin? Sinasabi ng Bibliya: “Ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa, . . . sapagkat kung mabuwal ang isa sa kanila, maibabangon ng isa pa ang kaniyang kasama. Ngunit paano na lamang kung mabuwal ang isa at walang ibang magbabangon sa kaniya?”—Eclesiastes 4:9, 10.

Kunwari, naligaw ka sa isang delikadong lugar. Madilim at may mga taong naghihintay lang ng pagkakataong mambiktima. Ano’ng gagawin mo? Puwede ka namang mag-isang humanap ng paraan para makaalis. Pero hindi ba mas maganda kung hihingi ka ng tulong sa isang pinagkakatiwalaan mo?

Ang depresyon ay para ding isang delikadong lugar. Totoo, nalulungkot tayo paminsan-minsan at lumilipas din iyon. Pero kung nagtatagal na ito, mas mabuting humingi ng tulong.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay . . . laban sa lahat ng praktikal na karunungan.”—Kawikaan 18:1.

Ang maganda sa B—pakikipag-usap sa magulang o iba pang pinagkakatiwalaang mas matanda sa iyo—malalaman mo kung paano nila nalampasan ang mga negati-
bong emosyon.
Baka sabihin mo: ‘Hindi naman naiintindihan ng mga magulang ko ang nararamdaman ko!’ Pero sigurado ka ba? Kahit iba ang pinagdaanan nila noong kabataan pa sila, puwedeng pareho ang naramdaman ninyo. At puwede ka nilang matulungan!

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Hindi ba may karunungan sa matatanda na at unawa sa kahabaan ng mga araw?”—Job 12:12.
Ang punto: Kapag lumapit ka sa magulang mo o iba pang pinagkakatiwalaan mong mas matanda sa iyo, malamang na mabibigyan ka nila ng magandang payo.

Kung nade-depress ka araw-araw, baka clinical (o, major) depression na iyan na kailangang ipagamot.
Sa mga kabataan, ang mga sintomas ng clinical depression ay katulad na katulad din ng karaniwang pagbabago ng mood ng isang teenager, pero kadalasan nang mas matindi at nagtatagal. Kaya kung ganiyan ang nararamdaman mo, bakit hindi sabihin sa mga magulang mo na gusto mong magpa-checkup?

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Ang mga taong malusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.”—Mateo 9:12.

Kung mayroon kang major depression, huwag kang mahiya. Karaniwan lang ang depresyon, at nagagamot iyan! Hindi magbabago ang tingin sa iyo ng mga tunay mong kaibigan.

Tip: Huwag mainip. Medyo matagal mawala ang depresyon, at asahan mo nang may masaya at malungkot na mga araw.


FB_IMG_1632867845086.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top