What's new

Expertise in Lucid Dreaming. Sino Nakagawa na?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,885
Reaction
855
Points
527
Nakapag lucid dreaming na ako. Hindi madalas. Sobrang bihira lang. M@sarap ang pakiramdam dahil nagagawa ko ang gusto ko gawin sa ginawa kong panaginip.

Ang una , meron ako boyfriend na isang Korean celebrity. Na lucid dreaming ko iyon , kaya lang hindi ko nagawa pagandahin ang bahay namin dalawa. Kinontrol ko talaga at ginawa ko talaga siya ayon sa gusto ko , kung kaya nag exist talaga siya sa dreams ko. Although blur at hindi ka gaano ka vivid. I meant na vivid siya o tipong extremely clear siya talaga then andoon din sa part ng dreams ko na blur at dahil blur siya , ginagawa ko ang makakaya ko na huwag lang siya malihis sa story line ko pero minsan talaga , hindi ako expert. Pumapangit ang dreams ko in the end pagkatapos irrelevant na ang character na lumilitaw sa dreams ko na hindi naman kasali sa story line ko- minsan ang story line ko rin kase ay hindi ko ipinaghandaan.

Balak ko sana ay pagpractisan at paghandaan ang e lu lucid dreaming ko bago ako matulog sa gabi katulad ng gumawa ng magandang bahay , gumawa ng story line- na gusto ko na perfect at extremely detalye na katulad ng detalye ng bahay namin sa kwarto , kusina , harden , swimming pool at kung ilan car ang gusto ko e exist at maraming iba pa. Nagbalak pa nga ako sumilip sa google images pagdating sa paghanap ng magagandang bahay para magkaroon ako ng idea. But ang hassle kase dahil tingnan niyo naman , magbubuhos ako ng effort sa kaka construct ng images sa mind ko galing sa sinisilip ko sa google images at mga characters at story line na gusto ko buuin para sa magiging panaginip ko if madami din ako gagawin in real life like naghahanap ako ng pagkakakitaan. Tipong ang oras ko ay napunta na sa kaka construct ng dreams ko para siya mag exist , e ayaw ko naman e sacrifice ang ginagawa ko sa real life.

M@sarap sana kaso ang hassle. E kung mayaman lang ako , e di sana puros nakatutok ako sa pag construct ng dreams ko para makapag lucid dreaming ako everyday in my entire life kaso , hindi.

Bihira ako mag lucid dream. Sobrang bihira. Ang iba doon ay hindi ko kontrolado dahil hindi ko ipinaghandaan pagkatapos ang iba naman ay nakokontrol ko naman ang dreams ko , kaya lang ang story line ko in my dreams ay hindi rin napaghandaan- kung baga walang purpose ang dreams ko o walang patutunguhan na tipong kakain lang sa shakeys then uuwi sa bahay- kung ganoon lang ang dreams ko , e diba? Nakakaboring iyon? Iyon lang naman pero m@sarap siya kapag naging bihasa na sa lucid dreaming , iyon lang kase e , hindi ako expert.

So sino dito expert sa lucid dreaming? Nakapag lucid dreaming na ba kayo? Naniniwala ba kayo sa lucid dreaming? Alam niyo ba na associated raw ang lucid dream sa spirituality. Sabi lang naman. Pwede niyo e lucid dream si Jesus Christ if you like 😁


 
ou lods naniwala ako dyan., any tips naman para magawa ko yan isang taon na ako nagtrytry nyan hindi magawa hangggang ngayon huhu
 
Paturo naman po kung paano. Nalaman ko po yang lucid dreaming dahil sa wattpad. Then nalaman ko pwede talaga siya gawin in real life, Kaso di ko alam kung paano hehe.
 
ako TS lagi ako nag lulucid dreams since high school ako. sobrang madalas sya nung highschool ako. akala ko ako lang kasi pag na kwento ko sa iba na wiwirdohan sila sakin. kaya hindi ko kinukwento sa iba

kailangan ata i surpass po muna yung Sleep paralysis
not really. pero need talaga ng malakas na will. kasi if not madadala ka lang ng dreams mo. its feels like kasi naka lubog ka sa tubig habang gumagalaw kaya mahirap sya sa umpisa but once na nasanay kana hindi na ganun.
 
Last edited:
napaginipan ko si harry roque at sabi ko daw ang sê×ÿ nya, sumayaw pa sya kasi nasisiyahan ako. lumapit si harry sakin at nag sabi "do you like it, yugi baby?". I guess it was a freudian slip.
 
Totoo ang lucid dreaming. Meron nga po lucid dreaming coach or lucid dreaming teacher na nag ka conduct ng workshop para sa mga tao na gusto matuto but dito sa Pilipinas ay wala ata sa atin ang lucid dreaming teacher or coach kung tawagin. Meaning to say, ang teacher or ang coach na iyon ay araw-araw kung baga na nag lu lucid dreaming.

Oha? Bongga noh? Ano ang feeling nun? Siguro andoon na nakapag asawa ng lahat-lahat from 1st generation to the last- joke hehe 😁

But ito lang ang ma e she share ko para sa mga adik na adik mag lucid dreaming na katulad ko (adik daw e noh 😁)

Nabasa ko- nabasa ko lang naman which is sinubukan ko e apply din na kapag gusto ng tao e lucid dreaming ang isang specific person katulad ng favorite character galing anime, specific member ng kpop boy band o girl band, celebrity o kung sino pa man basta specific person ay dapat meron ka raw maalala isang symbol or anything na pwede magpaalala sa specific person na iyon.

Halimbawa.

Ang gusto ko e lucid dreaming ay si Reno Sinclair. Halimbawa lang naman. Si Reno Sinclair na taga Final Fanatasy VII Advent Children The Movie. Ang naaalala ko symbol para maalala ko si Reno Sinclair ay ito.

Shinra Electric Power Company.jpg


Iyan ang specific object na nakatatak sa utak ko after ko mapanood ang Final Fantasy VII Advent Children The Movie and so, kapag naalala ko ang object na iyan, madali ko maaalala si Reno Sinclair sa dreams ko- papasok si Reno Sinclair sa dreams ko. Dagdag, kinakailangan maramdaman siya. What I meant na ramdaman mismo ang balat niya, buhok niya na tipong alive na alive siya as in- iyon ang naalala ko na nabasa ko somewhere and promise, based on my experience, effective siya.

The only teeny weeny problem lang kase ay kapag- alam niyo iyon? -kapag maraming random thoughts sa utak mismo. Random thoughts na kapag nakatulog , well , hindi talaga siya susupot sa dreams mismo. Hindi talaga. Minsan pa nga nightmare pa ang kalalabasan. Ang panaginip is nakakatakot imbis na masarapan sa dreams.

Ang sunod, kapag nasa dreams na, minsan hindi alam ang gagawin, walang purpose ang dreams na basta!- Parang nasa dreamland ka pagkatapos hindi alam kung ano ang storyline ng kahihinatnan ng life mo- parang ganun.

At saka one thing na naalala ko na kinakailangan pa kalmahin ang utak through meditation. Ang meditation kase ay pang pa kalma ng utak na tipong pang paalis ng negative thoughts- diba kase, kapag random thoughts- hindi lalabas ang gusto natin e lucid dreaming as in. Iba ang mapapanaginipan at saka minsan, nakakatakot pa.

Ang panaginip kase ay lumalabas raw siya sa subconscious mind ng tao kapag tulog. Subconscious na tipong naka hidden lahat pagkatapos lalabas lang siya kapag tulog na ang tao. Kung baga naka suppress siya. Iba pa ang conscious mind. Sabi nga raw, ang conscious mind at subconscious mind ay kinakailangan magkasundo. Kinakailangan dapat or else, minsan sa dreams ay andoon lumalabas.

So for example if extremely ma ego ang tao na sobrang dooper ma ego which is nasa conscious mind niya na contradictory mismo sa beliefs, memories, experience at maraming iba pa na kung saan naka stored lahat sa subconscious mind ng tao, well, kapag natulog ang tao ay lalabas siya. Depende pa iyon kung nakakatakot ang panaginip o hindi and so, halimbawa, ramdam sa heart mo na meron galit, broken heart or kahit anong negative pagkatapos nag ka random thoughts na lahat sa utak mismo then, ang gusto natin e lucid dreaming ang specific person mismo, well, hindi siya lalabas. Iba talaga ang mapapanaginipan.

Mahirap siya, kaya nga, sabi ko- sobrang bihira ako mag lucid dreaming. Sobrang bihira dahil hindi talaga ako expert. Sobrang hirap siya kaya one time, nag cheat na lang ako.

Ang ginawa ko? Nakinig na lang ako ng lucid dreaming binaural beats using my earphone. One time ko ginawa iyon dahil nga busy ako. Basta kailangan ng pa kalmahin ang utak. Effective siya kapag nakinig ng lucid dream binaural beats- ako kase, pinakinggan ko ay lucid dream binaural beats crush- para ma lucid dream ko ang crush ko noon. Noon. Ngayon, hindi na dahil busy ako.

Hindi lang iyan ang paraan para magka lucid dream ang tao. Maraming techniques na masyado na malalim kung e didiscuss katulad ng kailangan ay isulat daw ang dreams sa journal then andoon din na gigising kailangan ng after 3 hours or ano ba iyon? Na forgot ko siya basta, may mga techniques siya.

Alam niyo ang palabas na Inception? Patungkol din iyon sa lucid dreaming. Napanood ko na siya. Naalala ko si Leonardo DiCaprio na meron siya kausap na babae (forgot ko ang name ng actress) na nag pa plano silang dalawa kung pa paano nila e co construct ang dreams at gumagawa-gawa pa sila ng toy building, bridges at maraming iba pa para iyon ang lumabas sa dreams mismo.

Iyon lang po.
 

Attachments

Last edited:
Lagi akong nasleep paralysis. yung parang maraming aninong nagsasalita sa paligid. gusto ko sana controllin papuntang lucid dream kasi natatakot ako. Kung ano ano kasi sinasabi ng mga anino sa panaginip ko nakakatakot
 
may docu nito about lucid dreaming. may tutorial part doon na kapag inaantok ka na yung tipong ramdam mo talagang patulog na and mawawala na yung diwa mo, i remind o isipin mo palagi yung sa pagitan na yun na gising ka. kapag na practice mo daw sya everytime ng tulog mo is lucid dream. ginawa ko sya ng mga ilang beses kaso ang hirap. haha! best daw syang gawin kapag nanonood ka ng tv. di ba kadalasan kapag nanonood tayo ng tv is nakakatulog tayo.. dun daw sya best i practice.
 
2 times ko lang na experience yan, una experience ko my my naririnig ako na mga mabibilis na bulong na hindi ko maintindihan. second is yung mga pinapanood ko na video sa YøùTùbé nag glitch at para bang kasama yung katawan ko sa pag glitch.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top