What's new

Help FX-ID3 Firmware Ver.

Ayun na nga yung main culprit kung bakit mas naging mahina yung FX-ID3 home modem natin kasi hindi yung OS version yung problema kundi yung LTE Firmware niya. Sa Admin dashboard kasi magkaiba yung section ng local upgrade at LTE upgrade.
Current LTE firmware is NZ_Evoluzn_FX_ID3_V07 kung saan sobrang hina ng connection. Noon na hindi pa version 7 yan (kung natatandaan ko mas mababa pa yun sa v5, sobrang lakas ng net nun kahit palaging 1 bar signal yung LTE dito samin bale kahit walang external antenna at nasa bintana lang nilalagay sobrang lakas parin, aabot ng 12-18 Mbps edi aabot sa 1.7 to 2 yung realtime download niya). Nung panahon na rin yun disabled yung auto remote upgrade niya pero parang may mali kasi kahit anong disable mo may pagkakataon parin na i-force update nila.
Sa mga magagaling diyan o may alam na kung saan makukuha yung LTE firmware bin ng FX-ID3, hindi yung OS niya ha. Nagtitiis nalang nga rin muna kasi wala pang pera pambili ng bago hehe at 3 years na to sakin. Kaya yung iba na user dito ng modem na yan palaging nadidisconnect na kahit may signal naman o 1 bar lang kasi mas naging unstable yung version ng LTE firmware niya ngayon kaya kung mas maalam lang ako na halungkatin yung archive ng Evoluzn baka nagawa ko na kaso hindi e. Unlike previous ver. mas stable siya kahit 1 bar lang at nakakalaro pa ng online games no lag, at makakadownload pa sa sa bahay.
Appreciate ko kung meron man na tumulong. Good day!

P.S. Tungkol sa default remote upgrde ng FX-ID3 dahil may content filtering siya, try niyo ilagay yung link ng remote upgrade diyan at enable mo at set to everyday para mas sigurado na hindi siya mag force upgrade. Parang firewall kasi yung silbi ng content filtering na yan.
 
Top