What's new

Gaano karami ang mahirap sa probinsya ninyo?

Masked Rider Black

Forum Guru
Elite
Joined
Nov 8, 2016
Posts
4,070
Solutions
11
Reaction
2,922
Points
1,345
Inilabas na ng Philippine Statistics Authority ang Poverty Statistics nila para sa first half ng 2021. Taong 2018 huling isinagawa ang nasabing report. Masusuri dito kung gaano karaming pamilyang Pilipino ang mahirap at kung saang mga lugar ito sa bansa. Mayroon ding report sa income gap, poverty gap at iba pang mas kumpletong datos sa kanilang website.

Sa pangkalahatan, para sa buong bansa, kung ang pamilyang may limang miyembro ay kumikita ng mas mababa sa Php 12,082, sila ay maituturing na mahirap. Ngayong 2021, tumaas ang porsyento na ito sa 23.7% ng populasyon o tinatayang 26.4 milyong Pilipino.

Kung ang pamilya naman ay kumikita ng mas mababa sa Php 8,393, sila ay maituturing na food poor dahil hindi sasapat ang kita nila para tugunan ang basic na pangangailangan nila sa pagkain. Ayon sa PSA ngayong 2021, tumaas ito sa 9.9% ng populasyon o 1 sa bawat 10 Pilipino.

Figure 1.png


Narito ang listahan ng poverty incidence sa mga probinsya. Kung sa table ka titingin, 5 ang mga probinsya na may pinakamabababang bilang ng mga mahihirap at 1 naman ang may pinakamarami. Sa mapa, dark green ang mga probinsya na may kaunting bilang ng mahihirap at pula ang mga probinsyang may mataas na porsyento ng mahihirap sa populasyon nila.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kaunting analysis at remarks:

Wala sa report ng PSA pero sa mabilisan kong pag-cross reference at pag-analyze ng data sa severity ng COVID lockdowns at poverty incidence, sa pangkalahatan, lumalabas na mas dumami ang bilang ng mga mahihirap sa mga lugar kung saan matindi rin ang COVID lockdowns.

Interesting at nakakamangha rin ang resulta ng report sa BARMM. Sa kabila ng COVID pandemic, bumaba ang poverty incidence ng BARMM mula 55.9% ng populasyon nito noong 2018 sa 39.4% sa first half ng 2021.

Ang sumagi lang sa isipan ko na significant na nangyari mula noong 2018 hanggang ngayon ay ang pagpapatupad ng Bangsamoro Basic Law. Magandang malaman kung direct result lang ito ng peace and order sa rehiyon o kung nakatulong din ang dagdag autonomy ng BARMM government mula sa national government kaya bumaba ang poverty incidence sa rehiyon. Mainam na halimbawa ang BARMM para sa federalism kung magpatuloy pa ang tagumpay nila laban sa kahirapan.

Para sa mas kumpletong data ng PSA at sa mas eleganteng pagsusulat sa wikang Ingles, puntahan ang page na ito:

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Shawrawt pala sa paborito kong mga Kapampangan! Tumaas sa 6.2% ang poverty incidence sa inyo pero sigurado ako hindi naapektuhan ang sales ng signature clothes! LOL
 

Attachments

Similar threads

Back
Top