What's new

Guys anu ba parts sa bike yung dapat upgrade para bumilis ang takbo ng bike

1. Tires.. mas manipis mas magaan padyakan mas maganda ang rolling resistance,
2. Crank . mas malaki mas mabilis kaso mas makunat padyakan.
 
tuhod pa rin. check mo si dohc ng team apol tinalo mga naka road bike. Fat bike gamit niya na mas mabigat
lol! masyado kayong mahilig sa poverty p * r n.

it is more complex than a simple tuhod. may training yan, proper diet, at investment sa tamang equipment at oras. given the fair environment, walang panalo ang fat bike sa road bikes in terms of speed and comfort in the long run.
 
Katuwaan lang, base sa experience ko mas bumilis Yung bike ko Lalo na nung nagmessage na ung miss ko nagagalit na at hinahanap na ako😂
 
lol! masyado kayong mahilig sa poverty p * r n.

it is more complex than a simple tuhod. may training yan, proper diet, at investment sa tamang equipment at oras. given the fair environment, walang panalo ang fat bike sa road bikes in terms of speed and comfort in the long run.
depende pa rin sa tao yan. Daming newbie upgrade ng upgrade pero katagalan nag-quit din ng biking. Kaya sinasabi na tuhod eh or more on sa person. Kaya bago mag-upgrade ng equipment eh sarili muna ang palakasin kaya sinasabi na tuhod. Saka mas comfortable ang fat bike pagdating sa road dito sa pinas :p
 
Mas manipis na gulong at mas magaan na bike. Kung road bike gamit mo mas mabilis yan. Pero as a cyclist na ilan years sa stock parts, ang masasabi ko lang eh train mo muna sarili mo at laspagin ang stock parts bago magpalit. In terms of endurance eh kaya ko talonin mga road bikers na gamit ko lang ay mountain bike. Kung naka road bike ka nga pero mahina lang ang stamina mo, madali ka lang mauunahan ng mga veteran cyclist maski mas mabigat ang bike nila.
 
29er ka na lods with slick tires. Ito reason ko bakit ako nagswitch from 26er para mas mabilis. Road bike ka kung gusto mo mas mabilis pa. Mas comfortable kasi ako sa mtb.
 
Mas mahal na groupset mas magaan ang piyesa
Dura Ace sa RB
XTR naman if MTB

Mamili ka na lang ng frame na alloy or carbon

Syempre ensayo na rin goodluck papz
 
Tuhod at hininga! Pero kung talagang pyesa ang aalamin mo, eto:

1. Weight, dapat magaan bike mo, mafefeel mo gagaan padyak mo.
2. Tires, go for slimmer, kung regular MTB, XC, 1.9 tires.
3. Groupset, para iwas miss shift ka and availability ng gears mo.
 

Similar threads

Back
Top