What's new

Hiniwalayan ko sya dahil nalaman ko kasal pala sya sa muslim.

mrnamasti

Eternal Poster
Joined
Dec 6, 2015
Posts
1,256
Reaction
226
Age
29
btw lalake po ako, work from home trabaho ko as a editor. nakilala ko yung xgf ko sa Facebook. nung una medyo alanganin ako, dahil sa dipolog city part ng davao pa province nya, then pampanga naman ako. syempre diko po alam buong pagka tao nya.
pweding pwedi sya magsinangaling sakin sa nakaraan nya, dahil sya lang kausap ko. yung mga parents nya kc busy sa work.
nagawi sya dito sa pampanga dahil dito nag wo work mga parents nya.
nag visit lang sya. nagka intindihan kami, at sinagot nya ako at naging kami. madalas ko syang nakakasama at lagi ko sya dinadala sa bahay namin, para makilala rin nya ang family ko. nung una ok naman tanggap sya. syempre masaya naman ako na tanggap nila ang babaeng mahal ko. pero nung nagtagal yung ate ko biglang nawalan ng gana sa kanya, dahil para daw yung galawan nya, hindi galawan ng matinong babae at may nakita pa sya na hindi nya nagustuhan dito. napaka sweet nya kasi sakin as in super. ayaw siguro ng ate ko yon. pero di ako sure kung yon talaga kinagalit nya. dun na nagsimula ang pagka muhi ng ate ko ayaw na nyang makita ito. tuwing nakikita nya sumasakit at namamanhid yung katawan nya sa galit. sa madaling salita ayaw ng ate ko na kami ang magka tuluyan dahil may kutob itong di maganda sa xgf ko. at ayaw nya lang daw ako mapa hamak at magsisi sa huli.
so andun nako, pinaglaban ko sya, dahil mahal ko nga at nakaka cgurado din akong mahal na mahal nya ako, dahil lahat ng gusto ko sinusunod nya. kasi daw siryoso sya sakin. pinaglaban ko kahit ayaw ng ate ko sa kanya. bali yung naging set up namin wala muna sa bahay namin. nag de date lang kami sa mga magagandang lugar dito sa pampanga. tuwing miyerkules at sabado. masasabi kong sobrang hirap dahil diko sya pweding i uwi sa bahay. tinanong ko sya minsan kung di sya kasal, sabi nya di daw. hanggang sa may nakapagsabi sa kuya ko na isa sa kasama ng parents nya sa trabaho/factory taga dipolog city din yung tao na yon at malapit lang daw yung bahay nila sa xgf ko. ang sabi nya kasal daw yung xgf ko sa muslim. then tinanong ko xgf ko. sabi nya pinilit lang daw sya ng parents nya nung mga panahon na yon. wala daw sya gusto don sa muslim, sa madaling salita pinagkasundo lang sila. at sabi pa nya pamanhikan lang daw ang naganap hindi kasal. so naniwala ako kc nga mahal ko. pero may katanungan lagi sa sarili ko. pano kung totoo yung sinabi ng kababayan nya na kasal talaga sya? lagpas 1month kami. marami kaming nabuong masasayang memories. at mahal namin ang isat isa sinasabi ko sa sarili ko eto nayon. eto na gusto kong makasama habang buhay. sobrang saya nya pag kasama nya ako. at sabi ko sa kanya, willing ko syang pakasalan after 1year. at oo naman daw. then biglang nahihirapan nako dahil iilan sa family at ibang mga tao. di masaya sa relasyon namin. kasi tingin nila marami pa syang lihim or di nasasabi sakin. pinaglaban ko sya mga lods, pero nung nalaman kong kasal pala sya sa muslim. don nako nakapag decide na bitawan sya kahit sobrang hirap at sakit. nalaman ko ito nung pumunta sya sa bahay namin at gusto sana makipag usap at areglo sa ate ko, dahil gusto nya malaman bakit ito galit sa kanya para daw matama nya yung mali na nakita ng ate ko sa kanya. ngunit kina usap sya ng masinsinan ng nanay ko. at yun nanga tinanong nya kung kasal ba talaga sya sa muslim. di madali ang naging sagot nya. umiyak sya sa harap ng nanay ko at "tumango lang". nagawa lang daw nya yon dahil sa pagmamahal nya sakin.
at dun nanga po. nag decide ako na hiwalayan sya. kasalukuyan akong nag mu move on ngayon. dahil naalala ko lagi yung mga memories na kasama ko sya. sobrang sweet nya sakin kaya siguro hangga ngayon, naiisip ko parin sya..
kahit sobrang sakit, pinili kong bitawan sya kasi yun yung nakikita kong tama.
kasi nga mahirap kasi kasal sya sa muslim.

tama po ba naging desisyon ko mga lods?

kailangan ko mga advice nyo, at para mabilis ko syang makalimutan. salamat..
 
k4m0t3QT

Busy ang inyong Lingkod Pasensya na.
Contributor
tama lang naging desisyon mo paps, nakakalungkot man ito na yung tamang babae para sayo sana kaso nga lang may sabit pala, nakikita ko na mahal ka rin ng babae paps base sa kwento mo ayun nga lang pinagtagpo lang kayo sa maling pagkakataon, may mga ganun talaga pero naitama mo pa rin naman kung ano yung mali tama lang ginawa mo, nalulungkot ako sa kinahinatnan ng relasyon niyo pero sa palagay ko tama lang to,
 
maraming salamat sa payo paps. ginawa ko rin to dahil, medyo mahirap din yung sitwasyon namin. kc half ng family ko ayaw sa kanya. parang di ako maka galaw ng maayos. mahal na mahal namin ang isat isa. lahat ng ayaw ko di nya ginagawa. dahil ayaw nyang magalit ako sa kanya. di kami gaanong nagtagal legit parin yung sakit. madalas na mi miss ko sya.
pero ayaw ko naman na bandang huli ako yung kawawa.
 
Nohaj

Established
Mali ginawa mo lods. Maikli lang ang buhay, piliin mo lagi kung san ka sasaya.

Mag research ka about sa divorce ng muslim.

Kung parehas kayo masaya kusang susunod sa inyo ang mundong ginagalawan nyo.
 
mrnamasti

Eternal Poster
Mali ginawa mo lods. Maikli lang ang buhay, piliin mo lagi kung san ka sasaya.

Mag research ka about sa divorce ng muslim.

Kung parehas kayo masaya kusang susunod sa inyo ang mundong ginagalawan nyo.
thanks sa comment idol. pero sobrang hirap kasi half ng family ko ayaw sa kanya. at isa pa baka biglang maghabol yung muslim nayon. baka kasuhan pako, dahil di naman sila hiwalay.
ayaw kolang kasi ng ganitong klaseng relasyon.
di rin ako mapapanatag lods.
 
SenseiX

Elite
Reasonable naman yung side ng family mo pre, Tama ka sa naging desisyon mo,
Masakit talaga yan pinagtagpo pero sa maling oras. Pero kailangan mo maka move-on men. Mahirap pasukin yung ganun na sistema. Sabihin na natin nagkatuluyan kayo paano kung habulin ka ng muslim? Edi gulo pa abot non. Mas masaya magkaroon ng pamilya na walang lihim.
 
deckoypalileo

Honorary Poster
Mali ginawa mo lods. Maikli lang ang buhay, piliin mo lagi kung san ka sasaya.

Mag research ka about sa divorce ng muslim.

Kung parehas kayo masaya kusang susunod sa inyo ang mundong ginagalawan nyo.
Tama lang yun ts sabi mo nga maikli lang ang buhay edi gawin mo na yung tama makaka kita rin si ts ng wala sabit or lihim malinis naman ang puso ni ts god bless ts
 
mrnamasti

Eternal Poster
Reasonable naman yung side ng family mo pre, Tama ka sa naging desisyon mo,
Masakit talaga yan pinagtagpo pero sa maling oras. Pero kailangan mo maka move-on men. Mahirap pasukin yung ganun na sistema. Sabihin na natin nagkatuluyan kayo paano kung habulin ka ng muslim? Edi gulo pa abot non. Mas masaya magkaroon ng pamilya na walang lihim.
salamat sa comment idol. oo sobrang hirap, iba parin yung walang humahadlang sa relasyon nyo. at yun nanga kahit sobrang hirap sa part ko, binitawan ko sya dahil sa kasal pala sya sa muslim. madaming nag adviced sakin na mahirap daw kase kasal sya sa muslim. iniisip ko din yung bandang huli. baka biglang mag habol yung muslim nayon, kahit pa malayo yung dipolog to pampanga. iba mga muslim, ayaw kolang humantong sa di maganda.

thanks ulit idol, unti unti konang natatanggap na dina talaga kami pwede.
 
Last edited:

mrnamasti

Eternal Poster
Tama lang yun ts sabi mo nga maikli lang ang buhay edi gawin mo na yung tama makaka kita rin si ts ng wala sabit or lihim malinis naman ang puso ni ts god bless ts
maraming salamat sa payo idol. di rin kasi ako mapapanatag, kung sakaling tutuloy kopa yung relasyon namin. kaya habang maaga tinapos kona. pero masakit parin dahil mahal namin ang isat isa. pero di talaga kami pwede. inisip kolang yung bandang huli.
 
k4m0t3QT

Busy ang inyong Lingkod Pasensya na.
Contributor
maraming salamat sa payo idol. di rin kasi ako mapapanatag, kung sakaling tutuloy kopa yung relasyon namin. kaya habang maaga tinapos kona. pero masakit parin dahil mahal namin ang isat isa. pero di talaga kami pwede. inisip kolang yung bandang huli.
buti ka nga kahit mahal mo yung tao o mahal niyo yung isa't-isa nakuha mo pa rin mag-isip kung ano ang tama, pero may point naman yung isa kung maari lang naman pwede mo pa rin naman ipaglaban yung babae alamin mo nga muna yung muslim divorce ng kabilang partido o mas naganda kung magagawa ng ex mo makipag hiwalay muna siya sa asawa niya sa legal na paraan, kase diba? kung gusto niya na ikaw ang makasama niya sa habang buhay niya mas okay pa rin na ayusin ang mali o itama muna ang mali bago yung sa inyo maaring mahal ka nga nyang talaga, pero hindi pa rin kasi tama na magkaroon o magsama kayo habang kasal siya sa ibang tao, alam mo naman sa batas batin christian bawal na bawal yan ano pa kaya sa muslim diba? tama yan gulo lang talaga, kaya kung maari rin pwedr niyo muna ayusin yung gusot baka naman kasi yung lalaki na taga doon sa dipolog is wala na rin nararamdaman para sa babae, sinabe naman niya sayo na pinagkasundo lang sila diba? uso naman kasi yan talaga sa muslim kahit hindi mo mahal basta pag pinagkasundo kayo ng mga magulang niyo ganun talaga ang ending, kaya tingin ko may pag-asa pa yan par mas maganda maayos muna sa side ng ex mo bago yung sa inyo pwede pa naman ih, at kung mangyaring maayos ng ex mo yung gusot niya sa una at ayaw pa rin ng pamilya mo sa kanya o kalahati ng pamilya mo sa kanya tandaan mo sariki niyo ang pakikisamahan niyo hindi sila kaya wag ka mangamba okay? ito ay payo lang din naman sir base dun sa naicomment ng isa oo tama na maikli lang ang buhay gawin mo ang gusto at kung ano ang nagpapasaya sayo pero gawin mo ito ng tama 👍
 
Nohaj

Established
thanks sa comment idol. pero sobrang hirap kasi half ng family ko ayaw sa kanya. at isa pa baka biglang maghabol yung muslim nayon. baka kasuhan pako, dahil di naman sila hiwalay.
ayaw kolang kasi ng ganitong klaseng relasyon.
di rin ako mapapanatag lods.
Bawat relasyon par dumadaan sa pagsubok.

Una sa lahat, parehas sila ng misis ko pero hindi muslim. Pulis. Pero kami na nung pinagtapat nya sakin. Syempre nag isip din ako baka nga balikan kami ng kaso kung sakali pero pinili ko pa rin kung saan masaya ang puso ko. Ang ginawa ko, binantayan ko yung fb nung pulis kung posible ba na bumalik sya o mag jowa din ng iba. Ayun, nag jowa nga ng iba at nagka anak sila. May laban na kami sa korte.

2nd, mga 75% ng pamilya ko ayaw sa kanya, bakit? kasi may anak na sya. Kailangan ko ba isipin ang nararamdam nila para sumaya ako? NO, may sarili akong buhay, alam ko kung saan ako masaya.

Heto kami ngayon, 3 anak na namumuhay ng simple. Hinubog kami ng panahon para mas mapagtibay ang relasyon. Katunayan, house husband ako ngayon. Kasi yun ang napagkasunduan namin. Sa ganito kami masaya. Wala nang ni isa sa pamilya ko ang may ayaw sa kanya.

Lahat may solusyon par at kayo lang ang dapat magkasundo at nagkakaintindihan kasi kayo ang nagmamahalan.
 
giboht

Eternal Poster
ganito lng yan,,kung mahal mo talaga yun babae,pupunta ka doon sa dipolog at kompiramhin yun mga balibalita,,,pero kung marami kang rason,,hindi mo siya mahal talaga...move on ka na for another chicks
 
Kung mahal nyo talaga isa't -isa TS ipaglaban nyo.. Meron naman divorce pag kinasal sa islam. Yun nga lang may proseso pa pero kesa naman habang buhay nyo pagsisisihan ang mga hindi nyo nagawa. But if sa tingin mo hindi naman worth it na isave pa ang relationship nyo, mas ok nga na maghiwalay na kayo. Yung sa family naman, kung sin o man yung makakatuluyan mo, later on matatanggap din nila yan. Importante kung saan ka masaya, dun ka. Di naman sa kanila makikisama kundi sa iyo.
 
mrnamasti

Eternal Poster
buti ka nga kahit mahal mo yung tao o mahal niyo yung isa't-isa nakuha mo pa rin mag-isip kung ano ang tama, pero may point naman yung isa kung maari lang naman pwede mo pa rin naman ipaglaban yung babae alamin mo nga muna yung muslim divorce ng kabilang partido o mas naganda kung magagawa ng ex mo makipag hiwalay muna siya sa asawa niya sa legal na paraan, kase diba? kung gusto niya na ikaw ang makasama niya sa habang buhay niya mas okay pa rin na ayusin ang mali o itama muna ang mali bago yung sa inyo maaring mahal ka nga nyang talaga, pero hindi pa rin kasi tama na magkaroon o magsama kayo habang kasal siya sa ibang tao, alam mo naman sa batas batin christian bawal na bawal yan ano pa kaya sa muslim diba? tama yan gulo lang talaga, kaya kung maari rin pwedr niyo muna ayusin yung gusot baka naman kasi yung lalaki na taga doon sa dipolog is wala na rin nararamdaman para sa babae, sinabe naman niya sayo na pinagkasundo lang sila diba? uso naman kasi yan talaga sa muslim kahit hindi mo mahal basta pag pinagkasundo kayo ng mga magulang niyo ganun talaga ang ending, kaya tingin ko may pag-asa pa yan par mas maganda maayos muna sa side ng ex mo bago yung sa inyo pwede pa naman ih, at kung mangyaring maayos ng ex mo yung gusot niya sa una at ayaw pa rin ng pamilya mo sa kanya o kalahati ng pamilya mo sa kanya tandaan mo sariki niyo ang pakikisamahan niyo hindi sila kaya wag ka mangamba okay? ito ay payo lang din naman sir base dun sa naicomment ng isa oo tama na maikli lang ang buhay gawin mo ang gusto at kung ano ang nagpapasaya sayo pero gawin mo ito ng tama 👍
maraming salamat idol, pero tingin ko parang magiging kumplikado na ang lahat kung tutuluy ko pa. iba parin kc yung feeling na ok sya sa lahat. na walang iniiwasan. iniintindi kolang nararamdaman ng ate ko, pag nakikita nya xgf ko namamanhid buong katawan nya baka kung mapano pa. magpaparaya nalang po cguro ako. kung kami kami tlga.
 
Kung hiwalay naman na dun sa asawa at maayos ung paghihiwalay..walang problema dun kung maging kayo

pero ibang usapan kung kasal pa at iniwan nya ung lalaki..baka kasi sa sobrang galit nung asawa nya,ikaw pa ma disgrasya
alam mo na mini mean ko😅
 
mrnamasti

Eternal Poster
Bawat relasyon par dumadaan sa pagsubok.

Una sa lahat, parehas sila ng misis ko pero hindi muslim. Pulis. Pero kami na nung pinagtapat nya sakin. Syempre nag isip din ako baka nga balikan kami ng kaso kung sakali pero pinili ko pa rin kung saan masaya ang puso ko. Ang ginawa ko, binantayan ko yung fb nung pulis kung posible ba na bumalik sya o mag jowa din ng iba. Ayun, nag jowa nga ng iba at nagka anak sila. May laban na kami sa korte.

2nd, mga 75% ng pamilya ko ayaw sa kanya, bakit? kasi may anak na sya. Kailangan ko ba isipin ang nararamdam nila para sumaya ako? NO, may sarili akong buhay, alam ko kung saan ako masaya.

Heto kami ngayon, 3 anak na namumuhay ng simple. Hinubog kami ng panahon para mas mapagtibay ang relasyon. Katunayan, house husband ako ngayon. Kasi yun ang napagkasunduan namin. Sa ganito kami masaya. Wala nang ni isa sa pamilya ko ang may ayaw sa kanya.

Lahat may solusyon par at kayo lang ang dapat magkasundo at nagkakaintindihan kasi kayo ang nagmamahalan.
thank sa payo idol. congrats po sa inyo. pero yung issue ko tingin ko mas pipiliin kona ng payapang relasyon. napaka hirap kasi parang daming ayaw sa relasyon namin. nakakawala ng gana. pero mahal namin ang isat isa. siguro talagang di lang kami pwede magkatuluyan.
kaya papanindigan ko nalang yung pag hihiwalay namin lods kahit mahirap. tungin ko kasi ito yung makakabuti samin dalawa.
magapapahubaya nalang ako. at focus nalang muna sa work.
 
mrnamasti

Eternal Poster
ganito lng yan,,kung mahal mo talaga yun babae,pupunta ka doon sa dipolog at kompiramhin yun mga balibalita,,,pero kung marami kang rason,,hindi mo siya mahal talaga...move on ka na for another chicks
i think tama lang po siguro naging desisyon ko. focus nalang muna sa work ko. salamat lods sa comment.
 
Top