Trivia How To Get a Guy To Like You

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,255
Solutions
6
Reaction
36,886
May nag ask lang to make a thread about how to easily make a guy turned on ,so here are few tips you may follow and try if it really works,and I think it will still work on both ways din naman.
goodluck😉





📌Ipakita mo sa kanya ang iyong mga kakayahan.
Ipakita mo sa kanya ang iyong mga good qualities. Such as Hobbies mo,like mp.Halimbawa, kung marunong kang kumanta ay yayain mo siyang mag-videoke, kung magaling kang mag-pinta ay subukan mong ipinta ang kanyang mukha at iregalo ito sa kanya. Kung mahilig kang magpatawa, ilabas mo na ang iyong best joke para matawa siya.

📌Magpakatotoo ka.
Huwag kang magpanggap na ganito ka o ganoon ka. Maging totoo ka lang sa iyong sarili, kung ano ka, iyan ang ipakita mo. Mas gusto ng mga lalake ang babaeng totoo sa kanyang sarili.

📌Huwag kang O.A.
Huwag mong isipin na porke’t naka-date mo siya ay kayo na at pagbabawalan mo na siyang makipag-date sa iba. Unless nag-decide kayo pareho na kayo ay exclusively dating. Huwag kang desperado na makuha mo siya, tipong gagawin mo ang lahat para magkagusto siya sa iyo. Kalma ka lang, darating ang oras na iyon, kung gusto ka niya at interesado siya sa iyo at nagpakatotoo ka sa iyong sarili. Darating ang time na magiging kayo rin.

📌Ipakita mong interesado ka sa kanya.
Na nais mo siyang makasama sa maraming pagkakataon. Hingin ang kanyang tulong halimbawa sa school project, o sa pag-sho-shopping. Hindi naman ito masama kung wala ka namang intensyon na gamitin siya. Gusto ng mga lalake ang independent na babae pero gusto rin nilang hinihingan din sila ng tulong lalo na ng payo.

📌Iparamdam mo sa kanya na importante sya.
Ipaalam sa kanya na nagiging masaya ka kapag kasama mo siya. Ipakita mo ang iyong care at I-appreciate ang mga bagay kung saan siya mahilig at nage-enjoy gawin. Huwag mong balewalain ang kanyang mga hobby at ang kanyang mga gustong gawin. Gustong gusto ng mga lalake na concern sa kanila ang mga babae.

📌Maging realistic ka.
Huwag mong hanapin lahat sa kanya sa una ninyong pagkikita. Hindi mo malalaman ang lahat tungkol sa kanya sa isang iglap lang. Huwag kang mag-imagin ng mga bagay na gagawin ninyo ng magkasama tulad ng pamamasyal o panonood ng t.v. Huwag kang mag-assume na gusto ka rin ng gusto mo. Maging tapat ka lang muna sa iyong nararamdaman at ito ang panghawakan mo sa ngayon.


excerpt from: KatotoogspotTips


Ito na po request mo
Asherah Goddess 😊
 
Nice ganda ng thread

Tama yung mga naka lista

Tatlo lang dyan ang kailangan mo para magustuhan ka ng isang lalake.

1.) Magpakatotoo
2.) Ipakita mong intirisado ka sa kanya

Ito ang the best
3.) Iparamdam mo sa kanya na importante sya

*Dahil kapag di mo pinaramdam sa lalaki kung gaano sya ka importante at binabalewala mo lang kahit mahal ka nyan iiwan at iiwan ka nyan 😉

Based on my fvcking experience 😆
 
Top