What's new

Tutorial Huawei e5573cs-933 unlocking & debranding & fix for reset button, mac address, ssid, wifi key

dheck89

Eternal Poster
Joined
Nov 24, 2017
Posts
705
Reaction
479
Points
283
Tutorial updated as of November 21, 2018

Ang tutorial na ito ay para sa mga gusto maunlock at i-debrand ang kanilang E5573Cs-933. Maaari din po itong gawin sa pagfix ng nawalang reset button, nabago ang LAN MAC address, nabago ang SSID, at unknown WiFi Key.

Reminder: Wala po akong sagutin kung may masama pong mangyari sa device nyo, ito pong tutorial na ito ay tested ko sa device ko gamit ang windows 7 x64 laptop ko.

*Note: Gawa muna tayo ng screenshot ng Device Info ni 933 natin, punta tayo sa main dashboard. Or isulat mo nalang sa isang pirasong papel yung LAN MAC Address nya, isama mo na rin ang IMEI at S/N (Serial Number) nya dahil kakailanganin natin 'to sa future. Ngayon, simulan na natin ang procedure..

1. Install nyo muna mga driver (skip nyo to kung may naka-install na)

2. Open and remove natin si back cover, battery at sim card.

3. Hanapin mo o silipin mo yung bilog na gold sa gilid ng sim card slot at yung silver plate na kailangan natin i-bootshot o i-short.
575382_P80924-0848101.jpg


4. Kuha kayo ng manipis na wire o alambre o kung ano pa man na pwede mo gamitin pangshort na kakasya sa butas sa gilid ng sim card slot.
575383_P80924-085854.jpg


5. I-short mo na yung dalawa at insert mo usb cable mo, once na maiconnect mo na sa computer, tutunog yung computer mo kapag nadetect nya yung device mo pero kung hindi, means, hindi maganda pagkakashort mo, ulitin mo lang.

6. Once na detected na, alisin mo na yung kung ano man yung ginamit mo pangshort at insert mo na yung battery at sim card.
575384_P80924-175204.jpg


7. Open mo na si Balong USB Downloader, click Detect tapos hanapin mo sa dropdown menu si 3G PC UI Interface [BOOT_3G] at click 3 dots button sa baba ng dropdown menu at hanapin nyo si You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at select nyo yun at after nun click Load button. Magloload na yun, makikita nyo sa baba, hintayin lang matapos at pwede nyo na i-close kapag narinig nyo na sa computer nyo na may nadetect na.
575388_Balong1.jpg


8. Check nyo sa Device Manager ng computer nyo (optional lang to para makasigurado) kung nadetect na nga sila FC - Application Interface at FC - PC UI Interface under Ports (COM & LPT)
575390_DM.jpg


9. Kapag detected na, install nyo si downgrade firmware (21.320.99.05.00), bago yan magstart may mag-iinstall munang driver.
575392_DG.jpg


10. Install din si WebUI (21.100.32.00.03) o ito Globe WebUI (21.100.29.00.158). Pili lang kayo sa dalawa kung ano preferred nyo gamitin. [Sa stock Huawei, mapapalitan ang signal indicator nyo ng 4G, 3G at 2G at nework name dalawa lang makikita nyo, either SMART or GLOBE lang. Sa stock Globe, makikita nyo sa signal indicator nyo kung saang network kayo nakaconnect, LTE, HSPA, HSPA+, WCDMA, EDGE, GPRS etc. at makikita nyo rin yung tunay na network name ng sim card mo, either GLOBE, TM, ABS-CBN, SMART, TNT o SUN gamit ang Huawei HiLink app mo pero sa dashboard malaking logo lang ni GLOBE makikita mo, walang network name]
575467_WebUI.jpg


11. Kapag ok na step 10, hintayin mo lang ulit madetect ng PC mo si 933 tapos run mo si DC Unlocker.

12. Sa DC Unlocker, click mo yung magnifying glass icon/button tapos hintayin mo basahin nya device info ni 933. Mapapansin mo sa device info, hindi nakaayos ang IMEI at Serial Number mo. Dyan tayo gagamit ng tinatawag na AT Codes para mare-write natin sila IMEI, Serial Number at LAN MAC Address.
575483_DC1.jpg


13. Sa ibaba ng device info natin, dito natin ita-type ang mga AT Codes, isa-isa.

13a. Code for Serial Number:
AT^SN=****************
(** - yan yung Serial Number mo)
[Press enter] dapat may OK na lalabas tapos next code naman

13b. Code for IMEI:
AT^CIMEI="****************"
(** - yan yung 15 digits IMEI natin, " " - kasama po ito sa code)
[Press enter] may OK ulit na lalabas tapos next code ulit

13c. Code for LAN MAC Address:
AT^PHYNUM=MACWLAN,************
(** - yan yung 12 alphanumeric LAN MAC Address natin, yan yung na-erase nung ginawa natin yung lumabas na 1st tutorial. Kung may backup kayo ng device information nyo galing dashboard before kayo nag-unlock dati pwede nyo maibalik yung dati nyong SSID at WIFI KEY pero kung wala, manghula nalang kayo ng sa inyo. May magiging bagong WIFI KEY din kayo depende sa computation ng LAN MAC Address na inilagay nyo. From numbers 0-9 at letters A-F lang yan ha, kayo na bahala dyan)
[Press enter] may OK ulit yan.
Kahit hindi sunod-sunod pagkaka-enter ng code, ayos lang. Kung saan kayo masaya.
575487_DC_Codes1.jpg


14. Click ulit si magnifying glass icon kanina para macheck nyo kung pumasok nga yung code na inenter natin. Kung ok na, close na natin si DC Unlocker at dun na tayo sa next step.
575488_DC_Ok1.jpg


15. Install ConfigUpdater.exe (Sya yung magbabalik ng configuration natin. Sya din magiging susi sa nawalang WIFI KEY at RESET button natin) Hintayin nyo lang matapos.
575489_Config_Finish1.jpg


16. Kapag ok na si step 15, install nyo naman si updated firmware (21.326.13.00.00), may mag-iinstall ulit na driver.
575394_UG.jpg


17. Kapag natapos na si step 16, magrerestart na si 933 at hintayin nalang natin sya magbukas. Ayos na yan. Unlocked with LAN MAC address, SSID, WIFI KEY at fully functional RESET button. I-reset mo ng i-reset hanggang magsawa ka ;)

18. Bisitahin nalang natin dashboard ni 933 (192.168.8.1), default username & password is admin.
575491_Globe_Dashboard.jpg


19. Enjoy!


Credits sa mga gumawa ng unang tutorial. May ilan lang akong idinagdag at binago dito.

Tools>>>
Mediafire Link:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

**Gamit tayo ng updated winRAR para i-extract.

Simpleng thanks & like lang masaya na.

Spoiler contents are visible only to Established Members.
 

Attachments

Last edited:
hindi na to pwede gawen sa naopenline ng wifi correct me if im wrong para klaro din sa ibang may gnito at naopenline na nila dun sa unang lumabas na tut
 
hindi na to pwede gawen sa naopenline ng wifi correct me if im wrong para klaro din sa ibang may gnito at naopenline na nila dun sa unang lumabas na tut
Para po ito sa naopenline na wifi gamit yung old tutorial, para mafix yung LAN MAC, SSID, WIFI Key at RESET button.
 
ok kaso di ko na tanda ung Lan mac ng akin paano na to un
Pwede po manghula nalang pero hindi na yung wifi key na nasa sticker ang maibibigay nya sayong bagong key, nakadepende kasi sa LAN MAC yung WiFi key. Kung manghuhula ka, mas mainam na ilagay mo sa huli e yung 4 characters na nasa dulo ng SSID mo para yun pa rin maging SSID mo.
 

Similar threads

Back
Top