I FELL IN LOVE WITH A MARRIED MAN ONLINE

Status
Not open for further replies.

skye19

Leecher
Joined
Aug 4, 2021
Posts
8
Reaction
9
Hi. Just a new user and I would like to share my story. And perhaps I also need to know your opinion about my situation.

Nowadays, sobrang daming ways para may makakilala kang tao. Talamak na yung sa online mo nakikilala. Either social app or games.

Btw, I am 27. And I have a long time bf for 4 years. Pero LDR kami. Isang sakay lang naman ng eroplano ang agwat. For intro, simula naging ldr kami madalas kami magkaaway. Then suddenly nagsawa ako. Nakaramdam ako ng bawas na pagmamahal ko sa kanya. At mas lalo pang nabawasan nung nameet ko tong si married guy online sa nilalarong game.

At first, friends kami. Nagkakalaro po kami pero walang landian na naganap. Casual lang talaga. But then nung tumagal sya yung unang nagconfess ng feelings nya na nafofall sya sakin. (this time alam kong may anak at asawa sya) Ako naman todo sabi sa kanya na pigilan naming dalawa kasi mali. Bottomline, na-fall pa rin kami sa isat isa.

Current status:
2 months na kaming ganito setup
Magkausap kami sa gabi lagi
Magkalaro sa araw
Sweet kami sa isat isa
Nag aaway kami. Nagseselos din.
May iloveyous
May SOP
Halos lahat ng oras nya kapag bakante, sa akin nya ginugugol
Nasa Pinas ako, sya nasa U.S

Tanong. Nahuli na ba sya? Oo. Dalawang beses na kami nahuli. Pero hindi alam ng babae kung sino yung totoong ako. Sinaktan sya physically ng babae nung 2nd time na mahuling magkachat kami. After nun, kinausap ko sya itigil na. Ayaw pa rin nya. Kumakapit pa rin sya sa akin.

The way ng kwento nya, nawalan sya ng gana sa wife nya dahil few months ago nag away sila at binugbog sya. Siguro dun sya nawalan ng amor. At sakin nya nahanap yung kalinga at comfort na hinahanap nya.
Then lately, I found out na hinihintay nya lang mismo na yung babae na ang makipaghiwalay. Dapat sa babae manggaling. At gets ko yun dahil ayaw nyang sya magmukang masama at mang iiwan.

Tbh, wala naman akong iniexpect na kahit ano sa guy na to eh. I am fully aware na di nya kayang iwan family nya for me kapag dumating na sa punto na nagkita kami at umabot pa ng taon itong MALING PALIHIM NA RELASYON namin. Ang sakin lang, sumusunod na lang ako sa agos kung saan abutin. Kahit mahirap at walang kasiguraduhan, sumisige na lang ako.

Any opinion about my situation?
Kung may married man dito na makabasa, what do you think po?
As a married man, talaga bang nafo-fall in love kayo sa mga babaeng gaya ko?
What are the chances na iiwan mo family mo para sa babae nyo?
What is possible and what is not?
Please share your experiences and advices.
I will accept your criticisms.
Thank you!
 
Last edited:

hermano

Honorary Poster
Kapag alam niyo ng mali, alis na, iwas na. Kahit ano pang reason iyan kasi as long as tumatagal mas lalaki magiging consequences. Tukso lang iyan hindi iyan totoo. At hindi lang sainyo iikot ang mundo, may maaapektuhan sa maling ginagawa niyo. Pero kung aware naman kayo at gusto niyo pading gawin nasa sainyo na yan huwag lang kayong magugulat kapag nagkanda lech* lech* na buhay niyo.
 

Inarochan

Eternal Poster
I think wag mo nalang ituloy kasi isipin mo nalang kung ikaw yung nasa kalagayan nung asawa niyang babae. Masakit sayo diba? Isa pa di lang yung babae yung maapektuhan pati yung anak. Think about it
 

dymalas26

Honorary Poster
I am not yet married, pero I know weird shiz, siguro, since 2 months palang naman, may oras pa para maayos ang pamilya ng lalaki. Isipin mo kung ikaw ang may ama na ganyan, kakayanin mo ba? kawawa ang mga bata. kahit hindi na sa asawa, basta sa welfare, mental health, nan development nalang ng bata para maayos ang pamilya.

Love is much more than we think it is. Have you ever ask yourself if this is just an infatuation?
Dadating din sa point na babalik yan sa asawa, or even worse, hahanap din ng iba.

Plus, pag nahuli kayo sa akto, legally speaking, makukulong kayong dalawa, (Separate) at wala nang sense. Magpapakulong kaba dahil sa isang lalaki? go beyond that.
 
Kalokohan ito, nakakasira ka ng pamilya, dapat huwag kana makipag ugnayan sa ganyang tao, masamang tao yan, hamakin mo pamilyado syang tao tas ganyan gawain niya,, naku na uudyok ng demonyo yan tao nayan, lumubay kana pagsisisihan mo ng malaki yan sa bandang huli kapag nagpatuloy ka sa kahibangan nayan
 

Inarochan

Eternal Poster
yes tama yan. isa pa baka pag tinuloy niyo yan at may nasira kapang pamilya hindi kaba nattakot na baka gawin din niya sayo ang ginawa niya dun sa una niya asawa. tapos online mo lang pala siya nakilala. sorry ts i think baka pampalipas oras ka lang niyan
 
Last edited:

XxAccursedxX

Established
I think wag mo nalang ituloy kasi isipin mo nalang kung ikaw yung nasa kalagayan nung asawa niyang babae. Masakit sayo diba? Isa pa di lang yung babae yung maapektuhan pati yung anak. Think about it
Masakit tlga pero dapat mo din tingnan sa sitwasyon nang lalaki. diba once tasted always wanted. Kahit ayaw pa nang ka LDR nya, aabot din ang panahon na uulit din yang ganyan sitwasyon. Pero malayo na din ito sa topic nang ts dito, ibang yugto na.

Kung sa side nmn ni ts, kung handa ka tlga at sabik magkipagtalik para sa kilig sa kasiyahan, edi go lang nang go. Malaki tlga ang tyansa na uulitin nya ang ginawa nya sa pamilya nya sayo. Madali kasi magsawa ang ganyang klase na lalaki, kahit pa iloveyou2x pa yan, gg parin. Medyo mahirap pero diskarte lang tlga kung gusto mo i2loy at tumagal.

Pero bago sa lahat, tingnan mo muna sarili mo. Ganyan ka na ba tlga ka desperada at sira para sumubok sa ganyang adhikain?
 
Last edited:

KaoriYasuko

Established
Sis, wag mo na ituloy, kasi kahit baliballiktarin mo ang mundo, ikaw talo. Imagine, di ko nilalahat ng lalaki sa mundo ha,m pero yung mga tipong ganyang mga lalaki, kayang magluko na may pamilya na, whats more if iniwan niya family niya for you, akala mo di niya uulitin yun? Also, yung karma sis, kung anong way mo siya nakuha ganun din mangyayari sainyo. Paulit ulit lang yan sis. Nagaw ng magloko na may pamilya na, isipin mo yun. And also to you, sis. Isipin mo kung anong klase silang pamilya bago ka nakilala nung guy. Yung anak niya, anong trauma and kung anu ano pa yung ibibigay mo sakanila ng magina niya? Magkaisa naman tayong mga babae. Wag natin sabihin na kasi yung guy, umano naman, may kasalanan din tayo dun. Enentertain mo parin eh. PS, galing na ako dyan. saka lang ako natauhan 3 years ago, anak nung guy yung kumausap sakin, maraming nangyari, iyakan, sakit ng loob, kasi friend ko rin anak niya, same age. sobrang guilt nafeel ko non. I am 22 now, and yun na yung last at nagbago na.
 

ledin

Elite
Sa'yo na nanggaling, TS. Alam mong may asawa at anak. Know your place. Know your worth. Hindi ka dapat kuntento na "kabit" ka o nakakuha ka ng lalaking may asawa at anak dahil sa agaw. Legally speaking din kung tutuusin, e, talo ka na agad kung kasal sila. Makonsensya ka sana TS sa pamilyang nasisira mo. 'Wag ka pong sumabay sa agos na sinasabi mo kasi may sarili ka namang isip, TS.

Kung sakaling maging kayo talaga at iwanan niya ang pamilya niya, what makes you think na hindi niya kayang gawin sa'yo yung nagawa niya sa asawa 't pamilya niya? I hope you make the right decision.
 
Walang kwentang lalaki yan ts,hanap ka nalang ng walang sabit..
Hindi nga nya pinapahalagahan ung pamilya nya na matagal na nyang kasama,ikaw pa kaya na sa online lang nakilala..Sinasaktan sya nung misis nya kasi totoo namang nagloloko (nahuli kayong magkachat)
Yan ung mga lalaking tikim lang ng tikim ng ibang putahe.
Mahal ka nyan as of now,but how about after getting what he truly desires😁
possibly maghahanap na namn..🥺
 

Solofly

Elite
Ano ba yan sa karami raming lalakeng single na ready na mag settle down jan kapa sa kasal na. Nakasira kapa ng pamilya. Nahuli na nga kayo di mo pa tinigil. Dyosko lord.
Wala ka nang pakielam kung ano ang estado nya. Kung inaaway sya ng asawa nya wala kana dun. Sana distansya kana sana yung kau naunahang nahuli kayo.
Tip ko lang sayo deleted mo na yang social app mo. Start dating in real life. Step up ka nalang kumbaga.
 

Tokatei

Elite
wag muna tuloy ts mali kaparin jan kahit anong mangyare. kase asawa nya yon at may mga anak, tigil mona.
 
Im not a married man pero friendly advice lang kahit di tayo prends, wag niyo na pong kausapin yung lalaki. Kahit sabihin nyang ayaw nya tumigil sayo at kakapit pa rin ay kayo na po ang mag adjust. Isipin niyo nalang ang mga bata at ang pamilya nila. Di masamang magmahal at di mo yun sinadya pero dahil may pamilya na yung tao ay iwasan niyo nalang po kahit sabihin na komportable kana sakanya ay iwasan niyo parin at itigil niyo na.
 
Also parang kayo po yung tipong tao na di makontento kasi may 4 yrs bf kana pero dahil ldr ay nawalan ka na ng gana. Parang ang gusto niyo ata ay yung may laging kausap? Advice ko ulit ay hanap kayo ng kabusyhan niyo kung walang work ay hanap kayo ng pagkakitaan yung ma busy at mafocus kayo nito.
 
Status
Not open for further replies.
Top