What's new

Kumusta kayo, mga Atheist? Ano ang pananaw ninyo tungkol sa ...

Status
Not open for further replies.

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Good day!

Gusto ko lang malaman ang opinyon ng mga atheist member ng phcorner sa mga tanong sa ibaba. Hindi ko intensiyon na makipagdiskusyon o salungatin ang inyong pananaw sa buhay. Nirerespeto ko kayo sa totoo lang. Alam ko naman din, na bawat isa naman sa atin ay may kalayaan na gawin kung ano ang sa tingin natin ay makakabuti para sa atin. Pero ako ay nag-iisip isip lamang din hinggil sa kung ano talaga ang inyong pananaw at paniniwala. Ako ay naniniwala sa Diyos at kumbinsidong umiiral Siya. Gayunman, marami pa ding mga tao ang hindi naniniwala sa Diyos. Kaya, para sa mga Atheist na narito sa sulok na ito ng Pilipinas 😅 (phcorner nga eh hahaha) Nais ko lamang itanong:

• Bakit ka naging Atheist?
• Kung may tanong ka about sa, kung totoo nga na nag-eexist ang Diyos [bagaman hindi kayo naniniwala], anu-ano ang mga iyon?
• May kinalaman sa relihiyon, ano ang pananaw ninyo hinggil dito?
• Kung ikaw, bagaman itinuturing ang iyong sarili bilang Atheist, pero sa paanuman, ay may paniniwala pa din or kahit papaano ay may kaunting paniniwala sa Diyos, ano sa iyong palagay ang dapat na nakakakumbinsing dahilan na talaga ngang nag-eexist ang isang Diyos?

Lahat ng inyong magiging sagot ay lubos kong nirerespeto. Kaya ako nagbangon ng ganiyang mga tanong ay upang malaman ang inyong pananaw.

Totoo, ako ay naniniwala sa Diyos at gustung-gusto kong ipagtanggol Siya at ang pangalan niya na isinalin sa makabagong paraan bilang "Jehova", sa paanuman, ay ninanais kong gumawa ng mga artikulo [or thread] dito sa phcorner upang sagutin ang inyong magiging mga tanong.

Sana, kung paanong nirerespeto ko ang inyong pananaw ay respetuhin din ninyo ang aking paniniwala. Same din, para sa mga may ibang religion dito.

Para sa ibang religious members dito, pakisuyo, huwag ninyong husgahan ang mga Ateista na narito sa forum na ito, na dahil lang sa hindi nila paniniwala sa Diyos, ay magsasabi na kayo ng kung anu-ano tungkol sa kanila.

Respect each others opinion and beliefs. Bawat isa sa atin ay may kalayaang pumili kung anong landasin, paniniwala, at pananaw ang gusto nating piliin.

Maraming salamat sa inyo!
 
Kaya lang naman nag exist ang pagiging atheist dahil, may pangyayari sa buhay na hindi nila iniexpect na magaganap, hal. Kung may diyos bakit may namamatay ng kaawa awa, kung may diyos nga? Bakit hindi nya iligtas yun? Diba makapangyarihan siya? Alam niya lahat ng mangyayari pero bakit di siya umaksyon?

Hindi naman totoo ang DIYOS, kasi kung totoo siya bakit hindi siya bumaba dito sa lupa at magpakita , nang sa ganun magkaroon ng isang paniniwala na SIYA ANG DIYOS.

Bawal siya makita? Bakit dahil kapag may makakita ng anyo niya mamamatay, Akala ko ba makapangyarihan siya?..

Actually lahat ng yan nasa bible ang sagot. Hindi lang talaga sinisiwalat kasi hindi nila maintindihan.
 
tama ka sa part na ang tao ay may limitadong kaalaman .. but for the statement na "mahiwaga ang pananaw ng Diyos" .. hindi ako sang-ayon dito [baka gawan ko din ng thread ang paksa na yan, pero hindi pa ngayon]

pero, sabi ko nga, yamang kan-kaniya tayo ng pinaniniwalaan, rerespetuhin ko anuman ang mga komento at pananaw ng mga reader dito :)

Salamat sa pagkokomento ..
 
Kung naniniwala pa ako sa diyos pero kinuquestion ko ibang ginawa nya atheist parin po ba yun?
 
Sa tingin ko hindi. Posibleng hindi mo lang maunawaan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Diyos.

Kung may tanong ka tungkol sa Bibliya at sa Diyos, maybe we can start a conversation .. Pareho naman na tayong elite eh 😅 Hahahaha !

Pero, gagawa pa din ako ng thread tungkol sa mga tanong mo, at tanong ninyo 😅
 
• Bakit ka naging Atheist?
Dahil na rin isa akong Kristiyano dati, isa as dahilan ay ang pagbabasa ng bibliya nang may bukas na isip. Hindi nag-cherry pick sa mga verses at naging kritikal sa mga bagay bagay na nakapaloob dito. Inalam ang mga umiral at umiiral pang relihiyon sa mundo.

• Kung may tanong ka about sa, kung totoo nga na nag-eexist ang Diyos [bagaman hindi kayo naniniwala], anu-ano ang mga iyon?
Kay Yahweh: bakit ka galit sa pagkain ng dugo, shellfish at baboy pero wala kang problema sa pag-patay ng napakaraming tao?
Kay Zeus: anong trip mo at kung ano-ano at sino-sino nalang ang sinipingan mo. Lol.
Kay Eneru: kelan ka balik sa main storyline?
Sa libo-libong diyos: Bakit kayo dapat sambahin?

• May kinalaman sa relihiyon, ano ang pananaw ninyo hinggil dito?
Wala naman problema magkaroon ng relihiyon basta wag mo lang ipilit na tanggapin ng iba ang paniniwala mo. Ipinagbabawal ang divorce sa relihiyon mo? Edi wag kang makipag-divorce. Pero bigyan mo naman ng pagkakataon ang mga asawang inabuso, sinaktan at gustong makapagsimula muli.

• Kung ikaw, bagaman itinuturing ang iyong sarili bilang Atheist, pero sa paanuman, ay may paniniwala pa din or kahit papaano ay may kaunting paniniwala sa Diyos, ano sa iyong palagay ang dapat na nakakakumbinsing dahilan na talaga ngang nag-eexist ang isang Diyos?
Hindi ko alam. Kung totoong may diyos na alam ang lahat, alam niya dapat ang gagawin para ma-kombinse ako.

Para magkaroon ka ng ideya sa pananaw ko, sagutin lamang ang tanong na ito: Bakit hindi ka naniwala kay Ahura Mazda? Ang sagot mo riyan ay malamang sagot ko din pag tinanong mo ako kung bakit hindi ako naniniwala sa diyos mo.
 
Narrow minded spotted here.
Hinde lahat ng ATHEIST kagaya ng iniisip nyo.
At eto lang ang masasabi ko sa tanong mo , nung nasa sinapupunan pa tayu ng nanay natin wala tayung IDENTITY , FAITH etc... Kaya lahat atheist at first place kaya the IDEA of GOD , RELIGION etc.. Is an ILLUSION kaya okay lang maging ATHEIST

Sana maintindihan mo to at wag ka sanang kang gumamit ng BIBLE VERSE or Kung ano man ang RELIGION mo or ninyo
 
• Bakit ka naging Atheist?
- dahil ang mga naipresent na definition ng god along with so-called evidence for each one eh have not been proven. Isipin mo na lang na di ka naniniwala sa ibang god na pinapaniwalaan ng iba...basically ganon din..difference lang eh eh i also dont believe in yours

• Kung may tanong ka about sa, kung totoo nga na nag-eexist ang Diyos [bagaman hindi kayo naniniwala], anu-ano ang mga iyon?
- depende sa kung anong god ang ipinipresent....

• May kinalaman sa relihiyon, ano ang pananaw ninyo hinggil dito?
- para sken its like any organization... As long as di sya ipipilit sa ibang tao and as long as di sya gagamitin to discriminate other people eh oks lang....

• Kung ikaw, bagaman itinuturing ang iyong sarili bilang Atheist, pero sa paanuman, ay may paniniwala pa din or kahit papaano ay may kaunting paniniwala sa Diyos, ano sa iyong palagay ang dapat na nakakakumbinsing dahilan na talaga ngang nag-eexist ang isang Diyos?
- kagaya ng sabi ko before eh kung may god at sya ung powerful at all knowing na being na pinapaniwalaan ng iba eh sya ang may kakayahan para malaman kung ano ang pd kumimbinsi saken na totoo sya.

Para magkaroon ka ng ideya sa pananaw ko, sagutin lamang ang tanong na ito: Bakit hindi ka naniwala kay Ahura Mazda? Ang sagot mo riyan ay malamang sagot ko din pag tinanong mo ako kung bakit hindi ako naniniwala sa diyos mo.
 
Nagawa na nga ng diyos na makapag totoo nong unang panahon, lalo na sa panahon ng mga israelita kahit nakita nila ang kapangyarihan ng diyos eh patuloy parin sila sa pag samba sa ibang diyos na di naman totoo, kaya kahit na makita ngayun ng tao ang kapangyarihan ng diyos eh wala parin, sapat na ang evidence na may isang diyos na totoo, na sabi ko narin nakaraan mung bakit wala ng miracle sa modern time.
 
Well i thought ung thread was about pov ng isang atheist. What u said applies kamo nung unang panahon... Tama ka naman na since noon pa eh may kanya kanya ng dios na sinasamba...malay mo nga isa ka din sa sumasamba sa maling dios... How can we be sure db??
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top