What's new

Kung Paano Ka Magkakaroon ng mga Kaibigan

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,545
Reaction
7,212
Points
2,568
“MALAKING BAGAY NA ANG PAGKAKAROON NG ISANG KAIBIGAN SA BUONG BUHAY; MARAMI NA ANG DALAWA; BIHIRA ANG TATLO.”—Henry Brooks Adams.

IPINAHIHIWATIG ng gayong komento na bihira ang mga tunay na kaibigan. Ang mga komentong gaya ng “Wala akong mapagbabalingan,” “Hindi ko mapagkatiwalaan ang sinuman,” o “Ang aso ko ang pinakamatalik kong kaibigan” ay madalas na marinig mula sa napakalulungkot na mga taong naghahanap ng magiging kaibigan.

Isang hamon ang magkaroon at mapanatili ang nagtatagal na mga pagkakaibigan. Ipinakita ng isang surbey sa isang grupo ng mga potensiyal na mamimili na “sa Estados Unidos, 25 porsiyento ng populasyon ng mga nasa hustong gulang ay dumaranas ng ‘namamalaging kalungkutan’ at . . . sa Pransiya, kalahati ng populasyon ay nakaranas ng labis na pagkabukod.” Ang pagsusulputan ng mga dating club at mga chat room sa computer at ang pagdami ng mga anunsiyo sa mga pahayagan na ipinalalabas ng mga naghahanap ng makakasama ay nagpapahiwatig na hinahanap-hanap ng mga tao ang pakikipag-ugnayan sa iba.

Naaapektuhan ng kalungkutan hindi lamang ang pag-iisip ng isang tao kundi pati rin ang kaniyang pisikal na kalusugan, sabi ni Dr. David Weeks, isang neuropsychologist. “Napakarami kong pasyente na takót sa pagkabalisa at nanlulumo na maaaring ilarawan bilang malulungkot. May mga kaugnayan sa pagitan ng tindi ng panlulumo at tindi ng kalungkutan.”

Parami nang parami ang nasasadlak sa pamumuhay nang nag-iisa dahil sa diborsiyo at pagkawasak ng buhay pampamilya. Isang surbey na isinagawa sa Britanya ay nagsabi na sa pasimula ng ika-21 siglo, kasindami ng 30 porsiyento ng populasyon ng bansang iyon ay mapapasa mga sambahayan na may iisang tao.

Inihula ng kinasihang Kasulatan na magiging palasak ang isang makasariling espiritu sa “mga huling araw.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Lumilitaw na marami ang mas interesado sa mga materyal na pag-aari, tulad ng bahay o kotse, o sa kanilang mga trabaho kaysa sa paglinang ng ugnayan sa ibang mga tao. Sinabi ng awtor na si Anthony Storr: “Sa halip na nakapokus sa asawa at mga anak, nakasentro ang kanilang buhay sa opisina.”

WALANG KASINGHALAGA ANG MGA TUNAY NA KAIBIGAN

Ang kalidad ng iyong buhay ay nakasalalay nang malaki sa kalidad ng iyong pakikipagkaibigan. Madalas na hindi maligaya yaong mga namumuhay para sa sarili dahil sa wala silang kaibigan na mababahaginan ng kanilang mga tinataglay o ng kanilang mga iniisip. Totoo ang mga salita ni Jesu-Kristo: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Inuulit ang katotohanang ito, isinulat ng makatang Ingles na si George Byron: “Lahat ng ibig magtamo ng kagalakan ay dapat na magbahagi nito.”

Ano ba ang isang kaibigan? Binibigyang katuturan ng isang diksyunaryo ang salitang kaibigan bilang “isang tao na nakikisama sa isa pa dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.” Matutulungan ka ng isang tunay na kaibigan na ituon ang iyong pag-iisip sa mga bagay na kapaki-pakinabang. Mapasisigla at mapatitibay ka niya sa mga panahon ng kagipitan. Makikiramay pa nga siya sa iyong pagdadalamhati. Sinabi ni Haring Solomon: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Samantalang nawawalan ng halaga ang mga materyal na bagay sa paglipas ng panahon, ang tunay na pagkakaibigan ay lumalago at umuunlad habang tumatagal.

Masidhing pinapayuhan ng Kasulatan ang mga Kristiyano na “magpalawak” sa kanilang pagmamahal. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May karunungan sa pagiging interesado sa iba. Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., mababasa natin: “Ihagis mo ang iyong tinapay sa ibabaw ng tubig, sapagkat pagkalipas ng maraming araw ay masusumpungan mo itong muli. Magbigay ka ng bahagi sa pito, o kahit sa walo, sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakan ang mangyayari sa lupa.” Paano kumakapit ang simulaing ito sa pagkakaibigan? Kung nakipagkaibigan ka sa maraming tao, ang ilan sa kanila ay maaaring tumulong sa iyo kapag bumangon ang mga problema.

Isang sanggalang ang mga tunay na kaibigan sa isa pang paraan. “Ang mga sugat na idinulot ng umiibig ay tapat,” sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Bagaman maaaring maraming tao ang pumuri sa iyo, tanging ang mga tunay na kaibigan ang may sapat na pagpapahalaga sa iyo upang itawag-pansin ang isang malubhang kapintasan at magbigay ng positibong payo sa isang mapagmahal na paraan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang mabubuti at matatalik na kaibigan ay kabilang sa mga bihirang kaloob na makapagdudulot ng positibong impluwensiya sa iyo. Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., mababasa natin ang isang pangyayari sa buhay ng isang Romanong opisyal ng hukbo na si Cornelio, na sinabihan ng isang anghel na ang kaniyang mga panalangin ay pinakinggan. Yamang inaasahan ang pagdalaw ni apostol Pedro, “tinawag [ni Cornelio] nang sama-sama ang kaniyang mga kamag-anak at matatalik na kaibigan.” Yaong malalapít na kaibigang iyon ni Cornelio ay kabilang sa unang di-tuling mga Gentil na yumakap sa mabuting balita at pinahiran ng banal na espiritu, na may pag-asang mamahala kasama ni Kristo sa Kaharian ng Diyos. Kay laking pagpapala nito para sa matatalik na kaibigan ni Cornelio!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ngunit, paano mo nga ba pasisimulan ang pakikipagkaibigan? Ang Bibliya, na maraming masasabi tungkol sa pagkakaibigan, ay sumasagot nang may praktikal na payo. (Tingnan ang kahon sa ibaba.)

KUNG SAAN KA MAGKAKAROON NG MGA TUNAY NA KAIBIGAN

Ang pinakamainam na lugar upang magkaroon ng mga tunay na kaibigan ay kaugnay sa Kristiyanong kongregasyon. Una sa lahat, maaari mong samantalahin ang pagkakataon na makipagkaibigan kay Jehova, ang iyong Maylalang at makalangit na Ama, at kay Jesu-Kristo, ang iyong Tagapagligtas. “Walang sinuman ang may pag-ibig na mas dakila kaysa rito, na isuko ng isa ang kaniyang kaluluwa alang-alang sa kaniyang mga kaibigan,” sabi ni Jesus, na nag-aanyaya sa iyo na maging kaibigan niya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan kay Jehova at kay Jesu-Kristo, makatitiyak ka na ‘tatanggapin ka nila sa walang-hanggang mga tahanang dako.’ Oo, ang pakikipagkaibigan kay Jehova at kay Jesus ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Paano mo matatamo ang kanilang mainit na pakikipagkaibigan? Ang mga kahilingan upang maging isang panauhin sa tolda ni Jehova bilang isa sa kaniyang mga kaibigan ay nakabalangkas sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Tingnan ito sa Bibliya, at basahin ang limang bersikulo ng awit na iyan. Karagdagan pa, sinabi ni Jesu-Kristo: “Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Oo, sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral at pagkakapit sa patnubay na galing sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, ipinakikita mo na nais mong maging kaibigan ni Jehova at ni Jesus. Upang matamo ito, kailangan din na regular kang dumalo sa mga Kristiyanong pagpupulong, kung saan ipinababatid ang kaalaman ng Diyos na Jehova. Buong-katapatan mong pagsikapan na makinig kay Jehova, at mapapalapit ka sa kaniya at sa kaniyang Anak.

Sa mga pagpupulong, maaari mo ring makilala ang mga indibiduwal na umiibig kay Jehova at nagpapamalas ng mga bunga ng espiritu—pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil-sa-sarili—sa kanilang buhay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung talagang gusto mong makipagkaibigan at pawiin ang kalungkutan, dumalo sa mga Kristiyanong pagpupulong bawat linggo. Sa paggawa nito, ikaw ay inaakay sa tamang lugar at sa tamang panahon upang makapaglinang ng nagtatagal na pakikipagkaibigan sa pinagpalang bayan ng Diyos.

MGA KAIBIGAN MAGPAKAILANMAN

Ang tunay na pagkakaibigan ay isang kamangha-manghang kaloob mula sa Diyos na Jehova. Nagmula ito sa kaniyang sariling personalidad at mga katangian. Dahilan sa kaniyang maibigin at bukas-palad na espiritu, kaniyang pinuno ang lupa ng matatalinong nilalang na maaari mong kaibiganin. Makisama sa mga kapuwa Kristiyano. Pasiglahin sila. Gumawang kasama nila sa ministeryo. Manalangin nang regular na kasama sila at para sa kanila. Sa gayon ay tinutularan mo si Jehova at ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo.

Ang pagkakaibigan ay isang kaloob na kung saan ang lahat ay maaaring makapagbigay at makatanggap. Sa malapit na hinaharap, magkakaroon ka ng pagkakataon na paramihin ang iyong mga kaibigan. Maaari kang makipagkaibigan sa milyun-milyong nabubuhay sa ngayon, gayundin sa mga nagmula pa sa nakalipas na mga salinlahi na natutulog sa kamatayan, na naghihintay ng pagkabuhay-muli kung kailan “hindi na magkakaroon ng kamatayan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Magsikap na ngayon na maging palakaibigan, at makipagkaibigan sa mga umiibig kay Jehova. Itaguyod ang pakikipagkaibigan sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo sa pamamagitan ng pakikinig sa kinasihang Salita ng Diyos. Kung magkagayon, magpakailanman, hindi ka na muling makadarama ng kalungkutan.


ANIM NA HAKBANGIN TUNGO SA NAGTATAGAL NA PAGKAKAIBIGAN

1. MAGING ISANG KAIBIGAN.
Tinawag si Abraham na “kaibigan ni Jehova” dahil sa kaniyang di-natitinag na pananampalataya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ngunit may isa pang dahilan. Sinasabi ng Bibliya na ipinakita ni Abraham ang kaniyang pagmamahal sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagkusa siya at inihayag niya kay Jehova ang kaniyang nadarama. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, kailangan ang pagkukusa upang mapatunayan ang iyong pakikipagkaibigan. Sinabi ni Jesus: “Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang isang nakapagpapatibay na salita o ang pagbibigay ng tulong ay maaaring maging dahilan ng paglago ng isang magandang pagkakaibigan. Ang Amerikanong manunulat ng sanaysay na si Ralph Waldo Emerson ay minsang nagsabi: “Ang tanging paraan upang magkaroon ng isang kaibigan ay maging isang kaibigan.”

2. MAGLAAN NG PANAHON UPANG MALINANG ANG PAGKAKAIBIGAN. Hinahangad ng karamihan sa mga tao ang mga kapakinabangan ng pakikipagkaibigan. Gayunman, lubha silang abalá upang maglaan ng kinakailangang panahon. Pinasisigla tayo ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na makibahagi sa kagalakan at tagumpay, kalungkutan at kabiguan, ng iba. Sinasabi nito: “Makipagsaya sa mga taong nagsasaya; makitangis sa mga taong tumatangis. Mag-isip kayo tungkol sa iba na gaya ng sa inyong sarili.” Bagaman isang taong abalá, laging naglalaan ng panahon si Jesu-Kristo para sa kaniyang mga kaibigan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tandaan, ang pagkakaibigan, tulad ng isang namumulaklak na halaman, ay kailangang diligin at alagaan upang ito’y mamulaklak—at nangangailangan iyan ng panahon.

3. MAKINIG KAPAG NAGSASALITA ANG IBA. Kadalasan ay mas madaling magkaroon ng mga kaibigan ang mahuhusay at taimtim na mga tagapakinig. “Ang bawat tao ay dapat na maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita,” sabi ng alagad na si Santiago. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag nakikipag-usap ka sa iba, magpakita ng personal na interes sa kanilang nadarama. Pasiglahin sila na ipakipag-usap ang tungkol sa kanilang sarili. Manguna sa pagpapakita ng dangal sa kanila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon ay nanaisin nilang makasama ka. Sa kabilang dako naman, kung iyong sinosolo ang bawat pag-uusap, o lagi mong ibinibida ang iyong sarili, mahihirapan kang makasumpong ng isa na handang makinig o magmamalasakit sa iyong damdamin at mga pangangailangan.

4. MAGING MAPAGPATAWAD. Minsan ay sinabi ni Jesus kay Pedro na maging handang magpatawad “hanggang sa pitumpu’t pitong ulit.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Madaling pinalalampas ng isang tunay na kaibigan ang maliliit na pagkakamali. Bilang paglalarawan: Ayaw ng ilan na kumain ng bayabas dahil sa maliliit na mga buto nito. Gayunman, yaong mga mahilig sa prutas na ito ay hindi na napapansin ang mga buto. Ang mga tunay na kaibigan ay iniibig dahil sa kanilang maiinam na katangian; ang kanilang maliliit na pagkakamali ay pinalalampas. Masidhing nagpayo sa atin si Pablo: “Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at malayang patawarin ang isa’t isa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nananatili ang mga kaibigan niyaong mga natututong magpatawad.

5. IGALANG ANG PAGSASARILI NG IBA. Kailangan ng lahat ang isang antas ng pagsasarili, pati na ang iyong mga kaibigan. May karunungang sinasabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Gawin mong madalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa, upang hindi siya magsawa sa iyo at talagang kapootan ka.” Samakatuwid, maging makatuwiran sa dalas at haba ng pagdalaw sa mga kaibigan. Iwasan ang pagiging mapag-angkin sa kaibigan, na maaaring humantong sa paninibugho. Maging maingat kapag nagpapahayag ng pansariling mga kagustuhan at opinyon sa mga bagay-bagay. Makatutulong ito sa isang nakagiginhawa at pinahahalagahang pagkakaibigan.

6. MAGING BUKAS-PALAD. Nalilinang ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagkabukas-palad. Ang payo ni apostol Pablo ay na “maging mapagbigay, handang mamahagi.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Halimbawa, ibahagi ang nakapagpapasiglang mga pananalita sa iba. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maging bukas-palad sa pagbibigay ng taimtim na papuri at nakapagpapatibay na pananalita. Kapag nagpapakita ka ng tunay na interes sa kapakanan ng iba, naaakit sila sa iyo. Pag-isipan kung ano ang magagawa mo para sa kanila sa halip na ituon ang pansin sa magagawa nila para sa iyo.
 

Similar threads

Back
Top