What's new

Kung Paano Magpapakita ng Awa

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
HABANG nakikipag-usap kay Jesus, isang lalaking bihasa sa Kautusan ang nagtanong sa kaniya: “Sino ba talaga ang aking kapuwa?” Bilang sagot, inilahad ni Jesus ang talinghagang ito: “Isang tao ang bumababa mula sa Jerusalem patungong Jerico at nahulog sa kamay ng mga magnanakaw, na siya ay kapuwa hinubaran at pinaghahampas, at nagsialis, na iniwan siyang halos patay na. At, nagkataon naman, isang saserdote ang bumababa sa daang iyon, ngunit, nang makita siya nito, dumaan ito sa kabilang tabi. Gayundin, ang isang Levita rin, nang makababa ito sa dakong iyon at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.

Ngunit isang Samaritano na naglalakbay sa daang iyon ang dumating sa kaniya at, sa pagkakita sa kaniya, siya ay nahabag. Kaya nilapitan niya siya at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binubuhusan iyon ng langis at alak. Nang magkagayon ay isinakay niya siya sa kaniyang sariling hayop at dinala siya sa isang bahay-tuluyan at inalagaan siya. At nang sumunod na araw ay naglabas siya ng dalawang denario, ibinigay iyon sa may-ari ng bahay-tuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at anuman ang gugugulin mo bukod pa rito, babayaran ko sa iyo pagbalik ko rito.’”

Pagkatapos ay itinanong ni Jesus sa kaniyang tagapakinig: “Sino sa tatlong ito sa wari mo ang naging kapuwa ng taong nahulog sa kamay ng mga magnanakaw?” Sumagot ang lalaki: “Ang isa na kumilos nang may awa sa kaniya.”—Lucas 10:25, 29-37a.

Napakalinaw ngang makikita sa pagtulong ng Samaritano sa nasugatang lalaki kung ano ang tunay na kaawaan! Palibhasa’y nahabag, kumilos ang Samaritano para tulungan ang lalaki. Bukod diyan, hindi naman kilala ng Samaritano ang lalaking iyon.

Ang tunay na maawain ay tumutulong sa lahat ng tao, anuman ang kanilang lahi, relihiyon, o kultura. Pagkatapos banggitin ang ilustrasyon hinggil sa madamaying Samaritano, pinayuhan ni Jesus ang kaniyang tagapakinig: “Humayo ka at gayundin ang gawin mo.” (Lucas 10:37b) Maaari nating sundin ang payong iyan at sikaping maging maawain sa iba.
 

Similar threads

Back
Top