What's new

Help Lag pa rin kahit nareformat na

Status
Not open for further replies.

_Dylan

Eternal Poster
Established
hi po mga ka PHC. Badly needed ko po ng tulong. May remedyo pa po bang pwedeng gawin dito sa laptop ko? Medyo old model na sya pero napagtyatyagaan naman. Napareformat na sya ng erpat ko sa kakilala nya sa trabaho kasi lag na sya. Pero kahit nareformat na, lag parin po. Ano po bang pwede kong gawin? Wala pa po kasi akong budget para sa bago, grade 11 student lang po ako. Nasa pic po yung specs ng laptop. Salamat po sa makakatulong
Screenshot_2022-04-25-14-11-47-20.jpg
 

Attachments

ang bilis kasi ng laptop ay naka depende sa processor at yun celeron N3060 ay 2cores/2 thread at wala ka ng mapipiga dyan kahit mag ssd kapa dyan dahil pang netbook lang ang performance nyan, mas maganda ibenta mo na lang at hanap ka ng core i series laptop.
 
Mah ghost spectre superlite ka lodi, plus ram upgrade at hdd to ssd.. aabutin ka lang ng almost 2k sa ram at ssd pero goods yon para sa unit mo

Kaso ang downside ng unit mo eh ung pagiging celeron nya
 
Mag windows 10 lite ka na lang muna.. Talagang nagapang sa windows 10 yung intel celeron 1.60ghz mo.. Pag install pa lang ng windows 10 sobrang tagal. Tapos after mainstall mga applications at antivirus sa laptop mo gagapang pa rin nyan. Depende sa applications na nakainstall.. Pero kung willing ka gumastos para sa laptop mo, iupgrade mo lang muna yung harddisk mo sa SSD solid state drive. Kahit 120gb lang na SSD na ramsta mura lang 800 sa shopee.. Tapos bili ka hdd caddy para magamit mo yung cd/dvdrom mo as secondary harddisk gamit yung hdd caddy.. After makabit SSD at hdd caddy.. Maginstall ka na lang kahit windows 10 lite lang.. Obserbahan mo kung bibilis ba laptop mo.. Tska ka na lang magupgrade ng 8GB ram kung may budget ka na.. Oks pa nman yan 4GB ram pero mas okay ang 8GB ram. Kung wala budget.. Pagtyagaan na lang muna yung laptop mo at mag windows 10 lite kamuna.
sige po salamat po sa tips

close ko na po itong thread mukhang need ko na talaga bumili ng laptop hahaha, salamat po
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top