I believe sa langit ang punta ng mga sanggol kahit yung mga fetus pa lang na nalaglag o pinalaglag man. Ngunit pagdating sa langit hindi na sila mga sanggol kundi matutulad sa mga bata. Katulad ng kwento ng batang si Colton Burpo na nakilala sa buong mundo dahil sa kamangha-manghang karanasan niya. Nang siya ay nasa hospital dahil sa sakit humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawang lupa niya, nakausap niya si Cristo at siya ay nakapasok sa paraiso. May lumapit sa kanyang isang batang babae at tinawag siyang brother. Nagulat siya dahil alam niya na siya lang ang nag-iisang anak. Ikinuwento ng batang babae na namatay siya nung nasa sinapupunan pa lang siya ng nanay nila. Nung si Colton ay nakabalik sa katawang lupa niya nalaman niya ang totoo sa nanay niya na meron nga itong miscarriage dati. Well for me, naniniwala ako sa kwento ng batang si Colton Burpo. Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga salita. It's an amazing experience for him.