What's new

Help LTO Student Permit requirement: 15 hours of "Theoretical Driving Course" from Driving School

Such

Forum Veteran
Hello mga lods.

Kukuha ako ng Student Permit ngayong July para makakuha na ako sa wakas ng Driver's License.

Enrolled na ako sa isang LTO Accredited Driving School dito sa amin, 2500 ang fee complete with Certificate (para sa LTO) at free Medical.

Aabot ang "Theoretical Driving Course" na klase ng 3 days, 8AM to 2PM. 15 hours total. May exam every session.

Simula na ako pasok sa Tuesday.

Meron na ba dito naka try nung exam? Mahirap ba? O kaya lang basta't may common sense at makinig sa mga lessons? Haha.
 
Hindi naman mahirap yung exam. Yung nilalagay naman nilang exam, nandun lang din sa mismong lecture na binibigay nila. Mas paghandaan mo po yung exam dun mismo sa LTO na.
 
Update mga lods.

Tapos na ako sa TDC. Ang dami naming inexam, 50 items sa 1st day, 30 items sa second, at 100 items sa third and last day. Passing rate ay 80% (1. 40/50 2. 24/30 3. 80/100).

Lahat ng exam na tinake namin ay pare-pareho lang din doon sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. exam para sa NON-PROF DL.

Suggest ko lang ay ulit ulitin nyo lang yung exam hanggang ma familiarize nyo ang questions. No need for memorization, familiarization lang kasi multiple choice lahat ng question. Basa basa ka nalang din doon sa LTMS portal dahil nandoon naman lahat ang mga lalabas. Yun lang din ginawa ko.

Sabi din ng instructor ko is ganun lang din ang exam pag mag kuha na ng NON-PROF na Driver's License.

Wala pang actual na driving sa TDC, sa PDC pa kung mag kuha ka na ng lisensya mismo.

Maraming salamat sa mga nag reply sa itaas.
 

Similar threads

Back
Top