What's new

Maganda ba Genshin?

Status
Not open for further replies.

PHC - LIGMA BALLS

Forum Veteran
Joined
Oct 27, 2020
Posts
1,976
Reaction
2,548
Points
774
Quit ml na kasi para iwas stress.

Tanong ko lng kung maganda ba genshin and madaling bang matutunan kahit baguhan lng? Kaka start ko lng kasi and medyo nakaka enjoy din. Pero dami kasing pinipindot HAHAHA.

Sa una lng ba yun and pag tumagal ba masasanay kadin? Ganun din ba kayo?

Sana maintindihan nyo tanong ko.
 
yes magandang story at RPG ang genshin.

madali lang laruin lalo na pag susundan mo lang yung mga storya at quests.

natural lang na daming pinipindot hehe parang ML lang.

BTW. nanawa na sa GI. matagal na kong hindi nag lalaro kasi kasamang nawala yung savegame ko niyan sa nahäçk kong google account. :(
 
same lang yan noong nag start ka mag ML..
kung ano feeling.
sa una mangangapa ka talaga, katagalan masasanay ka na din.
 
yep solid sya paps, as of now still playing pa din ako since after 2 weeks sya narelease. Okay naman, kaso ewan if wala kang habol or goal dyan sa genshin mo lalo na pag mataas na AR Level mo tatamarin ka din. Mostly sa friends ko sa Genshin ar 50-58 lahat sila nagquit na naubos na siguro nila lahat ng quest at story.

May kanya kanya naman tayong phase dyan sa laro paps, basta enjoy lang wag kana makinig sa sinasabi ng mema toxic players na kesho wag mo ibuild or kunin si ganto sa gacha, if sino bet mo gamitin at laruin go ka lang. Enjoy playing papsi
 
Lol. Genshin yung topic pero MIR4 pinagpipilitan ng iba. Kung hanap mo lang ay katuwaan, maganda siyempre ang genshin. Iba naman kasi yung MIR4 na yan, yung iba kasi naglalaro lang dahil sa reason na "Play to Earn", parang pinipilit mo lang sarili mo na maglaro para kumita ng kakarampot.

Sa genshin, hindi ka mapipilitan na maglaro. Kasi kusa ka talagang maglalaro sa ganda ng graphics, gameplay at lore niya. Unlike sa ibang games na gaya ng MIR4, dahil lang sa wala ka nang pera at gusto mo ng income, pipilitin mo yung sarili mo na maglaro.
 
wala na masyadong magawa sa AR55+ except sa events and spending resins sa domains or leylines, di sya yung type na magdamagan grind
 
Lol. Genshin yung topic pero MIR4 pinagpipilitan ng iba. Kung hanap mo lang ay katuwaan, maganda siyempre ang genshin. Iba naman kasi yung MIR4 na yan, yung iba kasi naglalaro lang dahil sa reason na "Play to Earn", parang pinipilit mo lang sarili mo na maglaro para kumita ng kakarampot.

Sa genshin, hindi ka mapipilitan na maglaro. Kasi kusa ka talagang maglalaro sa ganda ng graphics, gameplay at lore niya. Unlike sa ibang games na gaya ng MIR4, dahil lang sa wala ka nang pera at gusto mo ng income, pipilitin mo yung sarili mo na maglaro.
Pero para Sakin
Mas maganda un kumita kana , nag enjoy kapa
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top