What's new

Makatuwiran ba ang pagkakaroon ng Impiyerno? Ano sa tingin mo?

Pansin ko lng marami sa mga sagot dito ay based sa tanong na:
Makatuwiran [bilang likha ng Diyos] ang pagkakaroon ng impyerno?

Pero ang pagkakaintindi ko sa tanong:
Makatuwiran ba [bilang isang paniniwalang Kristyano] ang pagkakaroon ng impyerno?

Alin ba tlga intended mo na tanong TS?
Puwede naman nilang sagutin base sa pagkakaintindi nila sa tanong. 🙂

Batay kasi sa pagkakaintindi mo, sa paniniwalang Kristiyano lang nakabase ang paniniwalang ito, pero may ibang di-Kristiyanong relihiyon ang naniniwala din sa turo ng "impiyerno", so puwede rin silang magbigay ng kanilang opinyon hinggil sa bagay na yan.
 
Batay kasi sa pagkakaintindi mo, sa paniniwalang Kristiyano lang nakabase ang paniniwalang ito, pero may ibang di-Kristiyanong relihiyon ang naniniwala din sa turo ng "impiyerno", so puwede rin silang magbigay ng kanilang opinyon hinggil sa bagay na yan.
Hirap nmn ng mas alam mo pa kesa sakin kung ano ung akala ko. Di ka pala ok kausap e.

Nililinaw ko lng kung ang ibig mo ba sabihin ay kung makatwiran ba sa paniniwalang kristyano , bilang isang belief system, ang i-adopt ang kunsepto ng impyerno. Dahil sobrang ibang anggulo yan kasi ang sagot ng iba na "kinukwestiyon" mo daw ang Diyos.

Ang sakin lang nmn kasi, hindi ko gusto ang tono nila (despite me being an atheist) kung ang original na tanong mo ay parehas ng pagkakaintindi ko, dahil hindi mo kinukwestyon ang diyos. Nagtatanong k lng kung makatuwiran ba ang paniniwala nila.
 

1 Corinto 15:51-58​

1 Corinto 15:51-58 ASND​

Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyo na isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan sa isang iglap, sa isang kisap-mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpetaʼy muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga buhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan. Sapagkat itong katawan nating nabubulok at namamatay ay dapat mapalitan ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay. At kapag ang katawang ito na nabubulok at namamatay ay napalitan na ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay, matutupad na ang sinasabi sa Kasulatan na, “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!” “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan na ang iyong kapangyarihan?” May kapangyarihan lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil mayroong Kautusan. Ngunit salamat sa Dios dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya.

Pwede po pakipaliwanag po nito,
San po dyan? maliwanag naman po ang sinabe
 

Similar threads

Back
Top