What's new

Malakas na Niche sa YøùTùbé - Poverty Poorn

S

Sarhento Patola

Guest
Poverty Poorn - Pagtulong sa kapwa na may documentation like video recording at share sa social media platform like YøùTùbé.
Malakas daw ang kitaan sa niche na ito dahil malapit sa puso ng mga tao ang pagtulong sa kapwa lalo na sa maralita kaya malakas sa views. Kumikita ka na, nakakatulong ka pa. Ang cons lang dito ay huhusgahan ka ng ibang vloggers or viewers dahil nga poverty poorn ito. Sample ko na lang si Hungry Syrian Wanderer.
 
Nau-uso na nga dito 'yan sa pinas TS, 'yung dignidad kasi nung taong humi-hingi ng tulong ang na-a-apektuhan, hindi naman masamang tumulong pero sino ba talaga ang natutulungan? Sa akin lang, gina-gawang negosyo ang pag-kuha ng video sa kapwa.
 
Para sakin okay lang yan aslong na wala silang na aagrabyado. At the end of the day ang buttom line nakakatulong sila ng walang naaapakan. Kahit na ginawa na nilang negosyo yung pag kuha ng video habang tumutulong ang importante alam pa din nila mag share ng natatamasa nila kahit sa maliit na pamamaraan. Nasa tao nalang talaga kung ano mas titignan nilang side kung negative side or positive side.
 
Parehong naka benefit , pero yung mas nakahigit ay yung gumawa ng video kc kadalasan mas malaki kita nila ksa sa halagang tinulong nila.. Hindi natin masisisi yung ganitong gawain, kailangan din nilang kumain araw2x.. Kung maraming job opportunities lang ang bansa natin, hindi sana nagiging talamak yan dito..
 
They are doing that for the sake of money, halata naman diba? Business 'yan malinaw naman, 'wag basta basta magpadala sa emosyon.

Ang problema sa karamihan e gusto lagi ng bayani, bakit kaylangan i-upload sa socmed ang pag-tulong? Inspirasyon? No, likas na sa tao ang pag tulong.

Isang linggong supply o tulong kapalit ng million views na katumbas ay libo-libong peso. Hindi nila nabago ang buhay ng tao pinakain lang nila ng ilang araw, binihisan, ginupitan lol yung tulong na sinasabi n'yo yun ang investment nila.
 
Back
Top