What's new

May mali naba sakin?

johntzy16

Enthusiast
Joined
Apr 12, 2021
Posts
80
Reaction
11
Points
40
May problema ako, siguro sa pagkatao ko 'to, hindi ko na kase ma respeto yung taong nagpapalamon sa'kin. Ewan ko ba, lahat kase sila sinasabi na mali ako, ang hirap kase talaga at di ko kaya irespeto ung taong di ako nirerespeto kahit siya pa yung nagpapalamon sa'kin. Binubugbog din ako minsan at natatakot na din, minsan naman gabi o kaya mag isa ako naiiyak nalang ako. Sinasabihan din ako na mamatay, minsan din naman sinasabihan ako na "Kung di lang masamang pumatay, napatay na kita". Kinakahiya din ako, sa ugali ko kase sumasagot daw ako, naririnig daw ng ibang tao at mali daw yung pagsagot, gusto ko lang kase sabihin kung anong nararamdaman ko. Siguro nga mali talaga ako.
 
siguro kelangan mo muna irelax ang sarili mo lalo n un isip mo, even anjan sila try to pretend na wala sila, wla ka naririnig at wala ka nakikita, in a way na ni isang salita di ka magbabanggit sa kanila. Until you regain your senses para mas magfocus nalang sa sarili mo at umisip paano mo bibigyan ng sarili mo ng paraan para magkaroon ng bagon landas na tatahakin. Para sakin hindi din mkakatulong sa mental health mo kun sasagot ka sa kanila lalo na sa sitwasyon na sila un nagpapalamon sayo at wala ka naiaambag sa kanila. The best way to interpret the situation is to pretend until tumino ang isip mo at simulan mo magstep forward para paunlarin ang sarili mo. MAgtrabaho o magtapos sa pagaaral para kumita at makaipon at magsimulang bumukod at unti unting magipon para ibalik un perang ginastos nila sayo. It is better to keep silent rather than to throw them back the words they said.

It doesnt matter kun kamaganak, kaibgan o kakilala pa. Focus on yourself to be better
 
Oo may mali talaga sayo ts .baguhin mo na ugali mo 2022 na.pag nagawa mo yun baka maging iba pananaw ng nagpapalamon sayo 👍

siguro kelangan mo muna irelax ang sarili mo lalo n un isip mo, even anjan sila try to pretend na wala sila, wla ka naririnig at wala ka nakikita, in a way na ni isang salita di ka magbabanggit sa kanila. Until you regain your senses para mas magfocus nalang sa sarili mo at umisip paano mo bibigyan ng sarili mo ng paraan para magkaroon ng bagon landas na tatahakin. Para sakin hindi din mkakatulong sa mental health mo kun sasagot ka sa kanila lalo na sa sitwasyon na sila un nagpapalamon sayo at wala ka naiaambag sa kanila. The best way to interpret the situation is to pretend until tumino ang isip mo at simulan mo magstep forward para paunlarin ang sarili mo. MAgtrabaho o magtapos sa pagaaral para kumita at makaipon at magsimulang bumukod at unti unting magipon para ibalik un perang ginastos nila sayo. It is better to keep silent rather than to throw them back the words they said.

It doesnt matter kun kamaganak, kaibgan o kakilala pa. Focus on yourself to be better
Tama toh ts .mas better tumahimik na lng para walang gusto .Lalo ngayon pandemic marami nagkakaroon ng sakit sa mental health .
 
Pray until you feel better.
272244751_5219655118126583_3224093529623026017_n.jpg
 

Attachments

You have the right to express your feelings mybro.Ang toxic lang talaga sa filipino households kapag sumagot ibig sabihin wala kang galang.Gusto nila ipakita na mas angat sila at isa ka lang palamuning anak.Kailangan mo makasurvive at kapag umangat ka iwan mo sila. Tutal sinusumbat sayo mga ganyan dahil palamunin ka lang,bigay mo parte ng sakanila at iwan sila dahil hindi tinatawan ng loob mga ganyan.
 
Kung may iba kang kamag anak, or kung possible na makapag work kana, patulong ka tapos try mo mag work and buhayin mo na lang sarili mo, sa pag sagot minsan ok lang ito kung sa tingin mo mali sila pero sa way na nag papaliwanag kalang and paintindi mo na nasagot ka upang makita nila point mo, pero kung di nila ni rerespeto opinion mo dun ka sa buhayin mo sarili mo, opinion ko lang to
 
Sila ang mali at toxic pero walang magagawa since sabi mo nga sila naman bumubuhay sayo. Tanging paraan nalang is maging financially independent ka para kaya mong lumayo sakanila.
 
Toxic iyan. Gawin mo challenge. Tumahimik at umiwas. I mean kung wala kang escape, medio huwag ka masyado mag spend time sa tao na iyon. Or sakaling sabay kayo kumain, huwag mo na sabayin kumain. Mauna ka kumain or pagkatapos na lang nila kumain or kumain ka na lang sa kwarto (if ever lang naman) or maki ride on ka na lang sa gusto nila temporary sabay layasan mo kapag nagkapera ka and as long as hindi pa lockdown, hindi ko alam kung meron hope pa ba na bumili ng house & lot or kahit magrenta ng apartment. Basta makalayo ka lang and then kapag meron ka ng pera, huwag ka na umasa sa kanila.

Hindi maganda ang utang na loob. Tipong porke meron nagpapalamon or meron ibinibigay na nakakabenefit ang tao, e kailangan meron kapalit na bayad sa utang na ginawa nila. What if kung abusive?

Unfair naman kung ang panlaban nila sa iyo ay porke sila ang nagpapalamon. Parang business-business ang dating. Dapat kusa sa loob at walang kapalit.

Ganyan ang excuse ng sindikato.

Meron mga ilang batang squater na hawak ng sindikato. Yung mga bata na humihingi-hingi ng barya-barya sa kotse. Sabi kase, sabi lang naman, ang ilang bata na nagmamalimos ay hawak ng sindikato.

Pinapakain sila ng mga sindikato. Meron matitirhan ang mga batang nagmamalimos pero ang kapalit, magtatrabaho ang mga bata sa kalsada na pahingi-hingi ng barya sa mga nagdaraanang sasakyan. Then kapag hindi ginawa ng bata ang magmalimos sa kalsada, ang sasabihin ng sindikato na sila daw ang nagpapalamon at bumubuhay sa mga batang nagmamalimos sa kalsada.

E utang na loob na rin dahil sindikato ang nagpapalamon sa mga bata.

Hindi maganda ang utang na loob.

Ganito kase iyan. Yung pera na nahingan sa mga tao na halimbawa, sa mga nagdaraanan sasakyan, kailangan ay makakuha ng pera ang mga bata pagkatapos makakuha ng pera ay ibibigay nila sa sindikato, lalo na kung maraming bata ang hawak ng sindikato. Ang pera ay makikinabang sa mismong sindikato at wala sa bata. But libre na sa mga bata ang pagkain at tulugan nila at natural, meron tirahan. Hindi naman bumibili ng kahit ano ang mga bata kapag meron pera as long as meron natutulugan at meron pagkain, survive na sila.

Literally speaking, hindi naman sila bulgar. Tipong hindi na malaman kung ang batang humihingi ng barya-barya sa kotse ay hawak ng sindikato o hindi.
 
Last edited:
Back
Top