What's new

May Taning Na ang mga Araw ng Satanismo

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
NILALANG ng Diyos na Jehova sina Adan at Eva, inilagay sila sa isang paraisong halamanan, at sinabihan sila na magpakarami at punuin ang lupa ng matuwid na mga supling. Kanilang aalagaan ang halamanan, bubungkalin ito at iingatan ito, at mabuhay magpakailanman, ang lahat ay sa isa lamang madaling kondisyon: ‘Huwag kang kakain sa isang punungkahoy na nasa gitna ng halamanan. Kung kakain ka nito, ikaw ay mamamatay.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Isang makapangyarihang anghel ang naghimagsik laban sa Diyos at naging Satanas, ibig sabihin ay “Mananalansang,” sapagkat nais niyang mamahala. Nais niyang siya ang sambahin ng lahi ng tao. Kaniyang inimpluwensiya si Eva na kumain ng ipinagbabawal na bungangkahoy, sinasabing ito ay mabuting kanin at na hindi siya mamamatay kundi magiging gaya ng Diyos, na makapagpapasiya para sa kaniyang sarili kung ano ang mabuti at kung ano ang masama. Ang kaniyang unang desisyon ay masama; siya’y nagpasiyang ang pagkain ng ipinagbabawal na bungangkahoy ay magiging mabuti. Si Eva ay kumain, ibinigay niya ang bahagi ng bungangkahoy kay Adan at kumain siya, at sa wakas sila kapuwa ay namatay. Sa gayon si Adan ang nagdala ng kasalanan at kamatayan sa kanilang supling, na namamatay mula noon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pinili ng unang mag-asawang tao na sundin si Satanas at naging ang unang mga kumberte sa pagsamba kay Satanas. Hanggang sa araw na ito, angaw-angaw ang nagpasiya na ang relihiyon ng orihinal na mga magulang na iyon ay mabuti noon at mabuti rin ngayon para sa kanila. “Kung patuloy ninyong inihaharap ang inyong mga sarili sa kaninuman bilang mga alipin upang sumunod sa kaniya, kayo ay mga alipin niya sapagkat sumusunod kayo sa kaniya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ipinahayag ni Jehova ang pangwakas na pagkapuksa ni Satanas, subalit siya’y pinahintulutang magpatuloy sa loob ng isang panahon. Ito’y magbibigay kay Satanas ng pagkakataon na patunayan ang hamon na ginawa niya, na di-umano ang Diyos ay hindi makapaglalagay ng mga tao sa lupa na magtatapat sa Kaniya sa ilalim ng pagsubok—isang hamon na lubhang madulang inilalarawan at sinasagot ang isyu na pabor sa panig ni Jehova sa unang dalawang kabanata ng aklat ng Bibliya na Job. Sa ilalim ng malupit at masamang mga pagsalakay mula kay Satanas, pinili ni Job na manatiling tapat sa Diyos, sa gayo’y pinatutunayan si Satanas na isang sinungaling. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Itinatala rin ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang mahabang listahan ng mga Saksi na nanindigan sa panig ni Jehova sa isyu tungkol sa pansansinukob na pagkasoberano.

Si Kristo Jesus ang namumukod-tanging isa na sa lahat ng panahon ay nagbigay ng ganap na kasagutan sa panig ni Jehova sa dakilang isyu ng pansansinukob na pagkasoberano at katapatan ng tao sa Diyos. Ito’y isang nakagigitlang pagkatalo kay Satanas. Tahasang tinanggihan ni Jesus ang alok ni Satanas na ibibigay sa kaniya ang pamamahala sa buong sanlibutan bilang kapalit ng isang gawang pagsamba kay Satanas. Si Jesus ay matatag na nagbata rin ng katakut-takot na hirap nang siya’y namatay sa isang pahirapang tulos. Nadaig niya kapuwa si Satanas at ang sanlibutan ni Satanas, nagbibigay sa atin ng isang sakdal na halimbawa upang tularan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Dahil sa mapanganib na panahong kinabubuhayan natin, maaaring magtingin na si Satanas ay lumalakas higit kailanman at na ang Satanismo sa ganang sarili ay lumalago. Gayunman, inilalarawan ng aklat ng Bibliya na Apocalipsis ang kakaibang larawan sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.:

“At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel [si Kristo Jesus] at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagbaka ngunit hindi ito nanaig, ni wala rin namang nasumpungan pang dako para sa kanila sa langit. Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa; siya ay inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na tumatahan sa mga iyon! Kaabahan para sa lupa at para sa dagat, sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na maikli na ang kaniyang yugto ng panahon.”

Ang mga Kaarawan ng Paraisong Lupa ay Magiging Walang-hanggan!

“Sa pagkaalam na maikli na ang kaniyang yugto ng panahon,” pinabibilis ni Satanas ang kaniyang makademonyong gawain sa “mga huling araw” na ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman ay may pag-asa pa sa kabila ng ating mahirap na mga panahon. Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsisiwalat kung ano ito: “At nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa; sapagkat ang dating langit at ang dating lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na. Pagkatapos nito ay narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: ‘Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At ang Isa na nakaupo sa trono ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.’ Gayundin, sinabi niya: ‘Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’”

Sa gayon, si Kristo Jesus ay maghahari sa loob ng sanlibong taon, na sa loob ng panahong ito isasagawa ni Jehova ang kaniyang orihinal na layunin sa paglalang sa lupa at sa paglalagay sa sangkatauhan dito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Magugunita ninyo na ang sangkatauhan ay orihinal na nilayong punuin ang lupa ng matuwid na mga supling, pangalagaan ang lupa, alagaan ang mga pananim at mga hayop nito, mamuhay sa kapayapaan, at mag-ibigan sa isa’t isa. Ang katuparan ng layuning iyan ay naantala upang hayaan si Satanas na sikaping patunayan ang kaniyang hamon na maitatalikod niya ang lahat ng tao sa Diyos na Jehova. Inalipin niya ang bilyun-bilyong tao, subalit nabigo siya sa kaso ng angaw-angaw na mga tagapag-ingat ng katapatan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa panahon ng pagsasauli, ang awa ni Jehova sa pamamagitan ni Kristo Jesus ay pararatingin hanggang doon sa mga nasa libingan upang bigyan ng pagkakataon para sa buhay na walang-hanggan sa isang paraiso sa lupa ang bilyun-bilyon na namatay na sa nakalipas na libu-libong taon: “Huwag kayong mamangha rito, sapagkat ang oras ay dumarating na ang lahat niyaong nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at lalabas, yaong mga gumawa ng mabubuting bagay sa pagkabuhay-muli sa buhay, yaong mga nagsagawa ng buktot na mga bagay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa panahong iyon ang sinuman na tatangging pasakop sa matuwid na mga kapaligiran sa bagong lupa na iyon ay hindi mananatili upang dumhan o sirain ito, ang mga halaman at mga hayop nito, ang kapayapaan ng sangkatauhan, o ang tunay na pagsamba sa Diyos na Jehova. Tinitiyak ito ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Sapagkat sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; at iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na. Ngunit ang maaamo ay magmamana ng lupain, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. Ang matuwid ay magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.”

Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nangangako ng tunay na kapayapaan at katiwasayan: “Maraming bansa ang tiyak na magsisiparoon at magsasabi: ‘Magsiparito kayo, kayong mga tao, at tayo’y umakyat sa bundok ni Jehova at sa bahay ng Diyos ni Jacob; at kaniyang tuturuan tayo tungkol sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.’ Sapagkat sa Sion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova ay magbubuhat sa Jerusalem. At siya’y tiyak na hahatol sa gitna ng maraming bayan, at itutuwid ang mga bagay tungkol sa matitibay na bansa sa malayo. At kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Sila’y hindi magtataas ng tabak, ang bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikidigma. At sila’y aktuwal na uupo, bawat isa sa ilalim ng kaniyang punung-ubas at sa ilalim ng kaniyang punung-igos, at walang tatakot sa kanila; sapagkat sinalita ng mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo.”

Ang kapayapaang ito ay lalaganap din upang ilakip ang mga hayop, gaya ng sinasabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko [Jehova] sila sa mga hayop sa parang at sa mga ibon sa himpapawid at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa, at aking babaliin ang busog at ang tabak at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing tiwasay.” Binabanggit din ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang tungkol sa isang tipan na doon ang anumang “nakapipinsalang mabangis na hayop” ay hindi pahihintulutang pumasok.

Isa pa, ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nangangako ng kapayapaan sa pagitan ng mga hayop sa Paraiso: “Ang lobo ay aktuwal na tatahang sandali kasama ng lalaking kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing, at ang guya at ang batang leon at ang patabaing hayop na magkakasama; at isa lamang munting batang lalaki ang papatnubay sa kanila. At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping. At kahit na ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka. At ang batang pasusuhin ay tunay na maglalaro sa lungga ng cobra; at sa lungga ng isang makamandag na ahas ay aktuwal na isusuot ng isang batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay. Sila’y hindi mananakit o lilikha ng ano mang pinsala sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay mapúpunô nga ng kaalaman tungkol kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa mismong dagat.”

Mamanahin ng maaamo ang lupa. Pangangalagaan nila ang hangin, ang tubig, at ang lupa. Babasain ng mga tubig sa batis at sapa ang tigang na mga lupain. Daramtan ng kagubatan ang mga bundok na kinalbo dahil sa sakim na pakinabang. Ang mga kakahuyan ay mananagana at ang dating mga disyerto ay mamumulaklak na gaya ng rosas. Ang bulag ay makakakita, ang bingi ay makaririnig, ang pilay ay makalalakad, at ang pipi ay magsasalita. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pagpapahalaga sa maluwalhating mga kabundukan at mga libis ni Jehova at sa kaniyang mga lupain sa tabi ng dagat na nagiging hangganan ng dumadaluyong na mga dagat at mga karagatan ay hindi magpapahintulot na bumangon muli ang kasakiman ng tao upang sirain ang lupa. Magiging madali, natural, para sa sakdal na sangkatauhan, na punô ng mga bunga ng espiritu ni Jehova, na masiyahan, sa isa’t isa, na ibigin ang kaniyang kapuwa na gaya ng kaniyang sarili, at higit sa lahat ibigin si Jehova ng kaniyang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas. Oo, ang lahat ng sangkatauhan ay magbubunga ng espirituwal na bunga ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang-pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil-sa-sarili.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mahirap Magkatotoo?

Sa ngayon ang ilang mambabasa ay maaaring nagsasabi, ‘Ang lahat ng iyan ay parang mahirap magkatotoo.’ Subalit, hindi, ang mga kalagayang umiiral ngayon ay napakasama na upang magpatuloy. Tayo’y nasa tinatawag ng Bibliya na “mga huling araw.” Magmasid ka sa paligid, at makikita mo na gayon nga ito. “Sa mga huling araw,” sabi ng Salita ng Diyos, “ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri-sa-sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang, mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil-sa-sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki sa pagmamapuri, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos, na may anyo ng maka-Diyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito; at mula sa mga ito ay lumayo ka. Subalit ang mga taong balakyot at mga impostor ay susulong mula sa masama tungo sa lalong masama, nanliligáw at naililigaw.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kahit na sa detalyadong paglalarawang ito ng ating panahon, marami pa rin ang nanunuya. Iyan din ay dapat asahan. Ang kanilang panunuya mismo ay isang patotoo na tayo ay nasa mga huling araw: “Sa mga huling araw ay darating ang mga manunuya na may pagtuya, na lumalakad alinsunod sa kanilang sariling mga nasa at nagsasabi: ‘Nasaan itong ipinangakong pagkanaririto niya? Aba, mula nang araw na matulog sa kamatayan ang ating mga ninuno, ay nagpapatuloy nang gayung-gayon ang lahat ng mga bagay mula noong pasimula ng paglalang.’ . . . Ang mga langit at ang lupa sa ngayon ay nakalaan sa apoy at itinataan sa araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-maka-Diyos. . . . May mga bagong langit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa kaniyang pangako, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Si Jehova ay nangangako na, sa kaniyang bagong sanlibutan ng katuwiran, ang balakyot na matandang sistemang ito ng sanlibutan ni Satanas ay hindi na sasaisip pa: “Narito ako’y lumilikha ng mga bagong langit at ng bagong lupa; at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasaisip man. Ngunit kayo’y mangatuwa at mangagalak magpakailanman sa aking nilikha.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mga araw ng Satanismo ay may taning na, at sa takdang panahon ng Diyos, si Satanas mismo ay pupuksain magpakailanman.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Oo, ang pinagpalang mga kalagayan na darating sa Paraisong lupa ay hindi mahirap magkatotoo; itinuturing ni Jehova ang kasalukuyang mga kalagayan ng matandang sistemang ito sa ilalim ni Satanas na napakasama upang manatili.
 

Similar threads

Back
Top