What's new

Trivia Mga Dating Madre Magkakapatid Na sa Espirituwal

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
1640670251587.png


Ayon sa salaysay nina Felisa at Araceli Fernández

“TUMIGIL ka!” ang sigaw ng aking nakababatang kapatid na si Araceli. “Ayoko nang marinig ang tungkol sa relihiyon mo. Sawang-sawa na ako. Nakakainis ka na!” Kahit 91 anyos na ako ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit ng mga salitang iyon. Pero sabi nga ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., “mas mabuti ang huling wakas ng isang bagay kaysa sa pasimula nito.”—Felisa.
Felisa: Napakadeboto ng pamilya namin. Sa katunayan, 13 sa mga kamag-anak namin ay mga pari o mga miyembro ng ordeng Katoliko. Hinirang pa ngang banal ni Pope John Paul II ang pinsan ng nanay ko, isang pari na nagturo sa isang Catholic school. Mahirap lang kami. Panday ang tatay ko, at nagtatrabaho naman sa bukid ang nanay ko. Ako ang panganay sa walong magkakapatid.
Noong 12 anyos ako, sumiklab ang Gera Sibil sa Espanya. Pagkatapos ng digmaan, nabilanggo ang tatay ko. Hindi nagustuhan ng pamahalaang diktadura ang kaniyang liberal na mga ideya. Hirap na hirap si Inay na mapakain kami, kaya iminungkahi ng isang kaibigan na dalhin ang tatlo kong nakababatang kapatid—sina Araceli, Lauri, at Ramoni—sa isang kumbento sa Bilbao, Espanya. Kahit paano, hindi sila magugutom doon.
Araceli: Katorse lang ako noon, si Lauri, 12 anyos, at si Ramoni naman, 10 anyos, kaya napakahirap mapawalay sa pamilya. Paglilinis ang naging trabaho namin sa Bilbao. Pagkaraan ng dalawang taon, inilipat kami ng mga madre sa isang malaking kumbento sa Zaragoza na nag-aalaga ng mga may-edad. Tagalinis kami ng kusina, at mabigat na trabaho ’yon para sa mga tin-edyer na gaya namin.
Felisa: Noong nasa Zaragoza na ang mga kapatid ko, ipinasiya ng nanay ko at ng tiyuhin ko, ang pari sa lugar namin, na magtrabaho rin ako sa kumbentong iyon. Layunin nilang ilayo ako sa isang binatilyo sa lugar namin na may gusto sa akin. Napakarelihiyoso ko kaya nagustuhan ko noong una ang ideyang manirahan sa kumbento. Araw-araw akong nagsisimba, at naisip ko pa nga noon na magmisyonera gaya ng pinsan kong prayle sa Africa.
Ang kumbento sa Zaragoza, Espanya at ang Bibliyang Nácar-Colunga

Kaliwa: Ang kumbento sa Zaragoza, Espanya; kanan: ang Bibliyang Nácar-Colunga
Pero hindi man lang ako tinulungan ng mga madre na matupad ang aking hangaring maglingkod sa Diyos sa ibang lupain. Para akong nakabilanggo sa kumbento. Kaya pagkalipas ng isang taon, umuwi na lang ako para alagaan ang tiyuhin kong pari. Bukod sa mga gawaing-bahay, nagrorosaryo din ako gabi-gabi kasama ang tiyuhin ko. Gustong-gusto kong ayusin ang mga bulaklak sa simbahan at bihisan ang imahen ng birhen at ng mga “santo.”
Araceli: Samantala, nagbago ang buhay namin sa kumbento. Pagkatapos ng aking panimulang panata sa pagmamadre, ipinasiya ng mga madre na paghiwa-hiwalayin kaming magkakapatid. Naiwan si Ramoni sa Zaragoza, napunta si Lauri sa Valencia, at ipinadala naman ako sa Madrid; doon ako nanumpa ng aking ikalawang panata. Ang kumbento sa Madrid ay nagpapatulóy ng mga estudyante, may-edad, at iba pang bisita, kaya napakaraming trabaho roon. Nagtrabaho ako sa klinika ng kumbento.
Sa totoo lang, inisip kong magiging makabuluhan ang buhay ng isang madre. Inasam-asam kong mababasa ko’t maiintindihan ang Bibliya. Pero wala man lang bumabanggit tungkol sa Diyos o kay Jesus, at hindi kami gumagamit ng Bibliya. Natuto lang ako ng kaunting Latin, pinag-aralan ang tungkol sa buhay ng mga “santo,” at sinamba si Maria. Maliban do’n, puro mabibigat na trabaho na.
Hindi ako mapalagay, kaya nakipag-usap ako sa madre superyora. Sinabi ko sa kaniya na parang hindi tamang nagpapakahirap ako sa trabaho para magkapera ang ibang tao samantalang hindi ko man lang matulungan ang pamilya ko. Ikinulong niya ako sa pag-aakalang magbabago ang isip ko at mapipigilan akong umalis sa kumbento.
Tatlong beses akong pinalabas ng mga madre sa kulungan para lang alamin kung gusto ko pa ring umalis. Pero dahil determinado ako, inutusan nila akong isulat, “Aalis ako dahil mas gusto kong maglingkod kay Satanas kaysa sa Diyos.” Nagulat ako sa ipinagagawa nila, at kahit gustong-gusto ko nang umalis sa kumbento, hindi ko kayang isulat ang mga salitang iyon. Nang dakong huli, humiling ako ng mapagkukumpisalan, at ikinuwento ko ang nangyari. Isinaayos niya na ibalik ako ng diyosesis sa pinanggalingan kong kumbento sa Zaragoza. Pagkalipas ng ilang buwan doon, pinayagan na rin akong umalis. Di-nagtagal, lumabas na rin ng kumbento sina Lauri at Ramoni.

PINAGHIWALAY KAMI NG “IPINAGBABAWAL” NA AKLAT

Si Felisa noong kabataan at ngayon

Felisa
Felisa: Nang maglaon, nag-asawa ako at lumipat sa Cantabria. Regular pa rin akong nagsisimba, at isang araw ng Linggo, nagulat ako sa anunsiyo sa pulpito. Galít na galít na sumigaw ang pari, “Tingnan n’yo ang aklat na ito!” sabay turo sa aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan. Sabi pa niya, “Kung nakatanggap kayo nito, ibigay n’yo sa akin o kaya, itapon n’yo!”
Wala akong gano’ng aklat, pero gusto kong magkaroon agad ng kopya. At ilang araw lang, dalawang Saksi ang kumatok sa bahay at inalok ako ng “ipinagbabawal” na aklat. Nang gabi ring iyon, binasa ko ito, at pagbalik ng mga Saksi, pumayag akong makipag-aral ng Bibliya sa kanila.
Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan—Kastila

Ang “ipinagbabawal” na aklat
Di-nagtagal, tumagos sa puso ko ang katotohanan. Ang pagiging deboto ko sa aking relihiyon ay napalitan ng matinding pag-ibig kay Jehova at sigasig sa ministeryo. Nabautismuhan ako noong 1973. Kahit kaunti lang ang pagkakataon kong ibahagi sa pamilya ko ang katotohanan, sinamantala ko ang mga pagkakataong iyon. Gaya ng sinabi ko sa simula, sinalansang nila ako nang husto, lalo na ng kapatid kong si Araceli.
Araceli: Masama pa rin ang loob ko dahil sa naranasan ko noon sa kumbento. Pero lagi pa rin akong nagsisimba tuwing Linggo at nagrorosaryo araw-araw. Gustong-gusto ko pa ring maunawaan ang Bibliya, at hiniling ko sa Diyos na tulungan ako. Pero nang sabihin sa akin ni Ate Felisa ang bago niyang paniniwala, todo paliwanag siya kaya inisip kong panatiko siya. Hindi ko matanggap-tanggap ang sinasabi niya.
Si Araceli noong kabataan at ngayon

Araceli
Pagkalipas ng ilang taon, bumalik ako sa Madrid para magtrabaho, at doon na rin ako nakapag-asawa. Nang maglaon, nagsimula na akong mag-alinlangan. Napansin kong hindi naman isinasabuhay ng mga palasimba ang mga turo ng Ebanghelyo. Kaya hindi na ako nagsimba. Hindi na rin ako naniwala sa mga “santo,” sa pangungumpisal, o sa impiyerno. Itinapon ko pa nga ang lahat ng imahen ko. Ewan ko kung tama ang ginawa ko. Dismayado ako, pero lagi pa rin akong nagdarasal sa Diyos: “Gusto ko po kayong makilala. Tulungan n’yo po ako!” Naalaala ko na ilang beses nang kumatok ang mga Saksi ni Jehova sa bahay namin, pero hindi ko man lang sila pinagbuksan ng pinto. Wala na akong tiwala sa kahit anong relihiyon.
Noong pasimula ng dekada ’80, ang mga kapatid kong si Lauri na nasa Pransiya at si Ramoni na nasa Espanya ay nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi. Inisip kong nailigaw rin sila, gaya ni Ate Felisa. Di-nagtagal, nakilala ko si Angelines, isang kapitbahay na naging malapít kong kaibigan. Isa rin siyang Saksi ni Jehova. Lagi akong inaalok ni Angelines at ng mister niya na mag-aral ng Bibliya. Nakita nilang kahit negatibo ako, uháw pa rin ako sa kaalaman sa Bibliya. Nang dakong huli, sinabi ko sa kanila: “O sige. Papayag ako pero Bibliya ko ang gagamitin ko,” at ito ay ang Bibliyang Nácar-Colunga.

SA WAKAS, PINAGKAISA KAMI NG BIBLIYA

Felisa: Nang mabautismuhan ako noong 1973, mga 70 lang ang Saksi sa lunsod ng Santander, ang kabisera ng lalawigan ng Cantabria, Espanya. Ang laki ng teritoryo namin kaya sumasakay kami sa bus at pagkatapos ay nagkokotse para mangaral sa buong lalawigan. Pinupuntahan namin ang bawat nayon hanggang sa madalaw namin ang daan-daang nayon sa lugar na iyon.
Sa nagdaang mga taon, marami akong naging Bible study, at 11 sa kanila ang nabautismuhan. Karamihan sa kanila ay Katoliko. Dahil dati rin akong deboto, alam kong kailangan kong maging matiyaga at maunawain sa kanila. Kailangan nila ng panahon para maiwanan ang kinamulatan nilang paniniwala. Kailangan ding maantig ng Bibliya at ng banal na espiritu ni Jehova ang kanilang puso para makilala nila ang katotohanan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Noong 1979, nabautismuhan ang mister kong si Bienvenido, na dating pulis. Ang nanay ko naman ay nagsimulang mag-aral ng Bibliya bago siya mamatay.
Araceli: Marami akong alinlangan nang magsimula akong makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi. Pero makalipas ang ilang linggo, gumaan ang kalooban ko. Nakita ko sa mga Saksi na isinasabuhay nila ang kanilang ipinangangaral, at iyon ang hinangaan ko sa kanila. Napalitan ng pananampalataya ang pag-aalinlangan ko, at naging mas masaya ako. Sabi nga ng ilang kapitbahay ko, “Araceli, ipagpatuloy mo ’yang ginagawa mo.”
Naalaala kong nanalangin ako, “Salamat po, Diyos na Jehova, dahil hindi kayo nagsawang tulungan ako at binigyan n’yo ako ng napakaraming pagkakataon para matagpuan ang hinahanap ko—ang tunay na kaalaman sa Bibliya.” Humingi ako ng tawad kay Ate Felisa dahil sa masasakit na salitang sinabi ko sa kaniya. Ang aming pagtatalo noon ay napalitan ng masasayang pag-uusap sa Bibliya. Nabautismuhan ako noong 1989 sa edad na 61.
Felisa: Sa kasalukuyan, 91 na ako, biyuda at mahina na. Pero araw-araw pa rin akong nagbabasa ng Bibliya, dumadalo ng pulong kapag kaya ng katawan ko, at nakikibahagi sa ministeryo hangga’t kaya ko.
Araceli: Siguro dahil dati akong madre, gustong-gusto kong magpatotoo sa lahat ng pari at madre na natatagpuan ko sa ministeryo. Nabibigyan ko sila ng maraming publikasyon at napag-uusapan namin ang ilang mahahalagang paksa. Natatandaan ko pa ang sinabi ng isang pari, na ilang beses kong napuntahan: “Sang-ayon ako sa iyo, Araceli, pero sa edad kong ito, saan pa ako pupunta? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko at ng aking parokya?” Ang sagot ko: “At ano naman ang sasabihin ng Diyos?” Nalungkot siya at tumango na lang. Noong panahong iyon, wala pa siyang lakas ng loob na ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan.
May isang espesyal na sandali sa buhay ko na hindi ko malilimutan. Ito ay noong sabihin ng mister ko, sa unang pagkakataon, na sasama siya sa akin sa pulong. Kahit mahigit 80 anyos na siya noon, hindi siya kailanman lumiban sa pagdalo mula noon. Nag-aral siya ng Bibliya at naging di-bautisadong mamamahayag. Natutuwa akong alalahanin ang mga pagkakataong magkasama kami sa ministeryo. Namatay siya dalawang buwan bago siya mabautismuhan.
Felisa: Ang isa sa pinakamasayang sandali sa buhay ko ay nang ang tatlong nakababata kong kapatid, na dating salansang, ay maging mga kapatid ko sa espirituwal. Napakasaya namin habang magkakasama kami at pinag-uusapan ang tungkol sa aming mahal na Diyos, si Jehova, at ang kaniyang Salita! Sa wakas, kaming magkakapatid ay magkakasama na sa pagsamba.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Sina Araceli, Felisa, at Ramoni—87, 91, at 83 anyos—ay buong-sigasig na naglilingkod kay Jehova hanggang ngayon. Si Lauri ay namatay nang tapat kay Jehova noong 1990.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top