What's new

Help Mga katanungan lang sa mga tinamaan na ng covid

ShadowsucksR

Forum Veteran
Elite
Noong September 14 sa kalagitnaan ng trabaho, mga bandang hapon (3:00) bigla nalang ako nakaramdam ng mainit na pakiramdam, as in napaka-init talaga. Tapos naka long-sleeved, pajama, at nakatalukbong pa nang damit ung mukha ko.

Pero hindi ko nalang pinaalam sa Tito ko kasama ko sa trabaho, kaya tiniis konalang kasi malapit narin naman matapos. Pag-uwi ko saamin pagod na pagod talaga ako, pero may panlasa at pang amoy panaman.

Pero kinabukasan non Sept 15 hindi na ako pumasok, dahil sa sakit ng katawan ko etong petsa nato medyo nawala ang panlasa/pangamoy ko.

Sept. 16, pumasok na agad ako nito kahit medyo masama pa ang pakiramdam ko, medyo may panlasa/pangamoy na. Pero pagkatapos ko kumain, tapos kakain ulit ako nawawala na panlasa ko, tapos ung mga food, soft drinks, sabon, atbp. naamoy ko, pero parang may halong usok ba.

Oct. 16 Hanggang ngayon hindi parin bumabalik ung normal na panglasa at pang amoy ko. May time na bumabalik at nawawala, pero malakas naman ako nagagawa koparin ung ginagawa ko noon, nakakapag ehersisyo parin ako tuwing umaga, 100-pushups/squats a day (25 per sets) everyday ko na tong ginagawa, simula nitong oktobre. Ano sa palagay nyo covid poba ito?

At tsaka nga po pala simula nung Sept 14 nung sumama ang pakiramdam ko, at nawalan ng panlasa/pangamoy hindi koparin tintiglan ang pagsisigarilyo until now. Kahit ung sigarilyo hindi ko malasahan, (marlbøø red)pagkasindi ko medyo nararamdaman ko sa lalamunan pero mga ilang hits pa parang wala ng talab/lasa.
Kaya pati sa sigarilyo nawawalan nako ng gana, hindi katulad ng dati na ang sarap ba sa lalamunan.

Hindi po ako malakas manigarilyo, lalo na ngayun wala naman akong work, mga 3-10 sticks lang a day. Depende sa mood, pero kadalasan 4 sticks lang umaga, tanghali, meryenda, gabi. Pagkatapos lang talaga kumain.
 
Ayos yan lods kung maka survive ka. Asymptomatic ka siguro. Hindi mo na kailangan ng bakuna dahil mas malakas na immune system mo kung covid yan. Katatapos ko lang magpabakuna nung nakaraang araw ng chinabak 1st dose.
 
Tigil mo na sigarilyo. Akala ko acidic ka lang eh. Take ka Vitamin at Zinc para bumalik agad panlasa mo. Suggest ko kain ka ng tahong. Tigil mo na sigarilyo. Kung stressed ka take ka na lang ng B-complex
 
Tigil mo na sigarilyo. Akala ko acidic ka lang eh. Take ka Vitamin at Zinc para bumalik agad panlasa mo. Suggest ko kain ka ng tahong. Tigil mo na sigarilyo. Kung stressed ka take ka na lang ng B-complex
Ititigil korin to paps unti-unti, sa totoo lang nakaka 2ng sticks palang aq ngaun. Hindi ko alam kung acidic ako pero madalas ako madighay, mahilig ako sa mga 3 in 1 na kape. Pero 2 cups a day lang umaga at meryenda, minsan nga hindi nako nakakapag kape.

Kasi umiinom rin ako ng luyang dilaw na may calamansi, tapos may kaunting asukal.
 
Ititigil korin to paps unti-unti, sa totoo lang nakaka 2ng sticks palang aq ngaun. Hindi ko alam kung acidic ako pero madalas ako madighay, mahilig ako sa mga 3 in 1 na kape. Pero 2 cups a day lang umaga at meryenda, minsan nga hindi nako nakakapag kape.

Kasi umiinom rin ako ng luyang dilaw na may calamansi, tapos may kaunting asukal.
Acidic ka nga paps. Iwas sa kape, softdrinks, spicy pati calamansi basta maasim. Pag sumasama pakiramdam mo try mo magtake ng kremil-s
 
Acidic ka nga paps. Iwas sa kape, softdrinks, spicy pati calamansi basta maasim. Pag sumasama pakiramdam mo try mo magtake ng kremil-s
Hahaha pati pala calamansi, hinahalo kopa naman sa luyang dilaw yan, eh yung lemom ba paps? Nasusuka kasi ako sa luyang dilaw kapag walang calamansi o hinahalo, hindi ko mainom.
 
Hahaha pati pala calamansi, hinahalo kopa naman sa luyang dilaw yan, eh yung lemom ba paps? Nasusuka kasi ako sa luyang dilaw kapag walang calamansi o hinahalo, hindi ko mainom.
Pati luyang dilaw at lemon paps iwas muna. Mas maganda kung patingin ka na para mabigyan ka ng gamot. Baka gastritis yan or GERD. PPI at antacid rereseta sau. Baka pati buscopan
 
He he. Ako ay matagal na rin naninigarilyo at normal yan sa stages habang nagkakaedad ka, kundisyon ng katawan/kalusugan ... Kapag tinamaan ka ng lagnat, trangkaso, lalo kang mawawalan ng panlasa. Normal yon kahit sa mga bata pa. May time na matagal din bumalik yung normal na panlasa sa paninigarilyo maging sa pagkain. Normal din sa mga naninigarilyo na magkaroon ng "acidic stomach" o di kaya yung tinatawag na gastroesophageal reflux disease (gerd) kung grabe. At yan ang isa sa mga dahilan ng panghihina o minsan ay para kang inatake sa puso dahil sa "heartburn". Yung epekto ng paninigarilyo ay dapat na alam din ng mga gumagamit nito.

Mula ng dumating yang COVID, +10x na akong na-trangkaso dahil ang weakness ko ay lamig (dahil sa senior na edad at ugaling wala laging saplot a pang-itaas). Ugali ko kasi na walang T-shirt kapag nasa bahay, maging sa pagtulog. Kape at yosi lang ang aking "addiction" sa tagal ng panahon. Mahirap ng alisin. Kung COVID ang isa dyan ay nadale na ako dahil may diperensya ako ng kaunti sa baga ayon sa last X-Ray ko bukod pa sa "on and off" na high blood pressure. For safety, nagpalista at nagpabakuna na ako at fully vaccinated (effective) after 2-3 weeks as of this date.

Tandaan ninyo, ang COVID-19 at trangkaso ay "PAREHO" ng symptoms at iba-iba lang ang epekto sa katawan ng sinumang ma-infect nito. Yan po ang totoo. Ang pinagkaiba lang nila ay yung treatment at bakuna. Kaya tangi lamang diagnostic/viral tests like reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR), antigen detection tests, atbp. ang tanging magpapatunay kung positibo ba kayo o hindi.
 
Ako T.S. feeling ko nagkacovid din ako noong early September kung saan kasagsagan ng delta variant. Nagka trankaso ako, hindi ako makakain, good thing mag-isa lang ako sa apartment ko kaya wala akong nahawaan. I tried to do a medical check up online at nagpasa ako ng picture ng throat ko sa kanila 😆😆😆😆, that time din gustong gusto ko talaga na magpacovid test na pero sinabi naman ng doktor na di naman daw nag swell yung lalamunan ko kaya hindi na pinarequire sa akin yung covid testing. The doctor just gave me a meds para sa throat ko.. hehe pero feeling ko talaga its still a covid dahil sobrang unusual yung trankaso na iyon.. Keep safe na lang ulet
 

Similar threads

Back
Top