What's new

Trivia Mga Pamahiin ukol sa Bahay, Tahanan at Pamilya

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,940
Solutions
6
Reaction
66,369
Points
16,625
📌Kung magpapatayo ng bahay, laging magsimula sa kabilugan ng buwan.

📌Ang pinakamainam na panahon sa pagpapatayo ng bahay ay sa mga buwan ng Marso, Hunyo, Hulyo, Agosto, Septyembre, at Nobyembre.

📌Huwag na huwag magpapatayo ng bahay sa pinakadulo ng kalsadang walang lagusan.

📌Malas ang bahay na may labing-tatlong poste.

📌Kapag magpapatayo ng bahay, laging isipin na maglagay ng ilang bagay sa ilalim ng bawat haligi o poste ng bahay, gaya ng mga lumang barya at mga medalyang pangrelihiyoso. Ito ay magpapa-alis ng mga masasamang espiritu at mangangalaga ng prosperidad. Ang mga piyesa ng musika, medalya, at mga barya ay magngangalaga ng pagkakaisa at katahimikan sa loob ng bahay.

📌Ang bilang ng mga hakbang sa hagdanan ay hindi dapat napapangkat ng tatluhan. Bilangin ang mga hakbang mg oro (ginto), plata (pilak), at mata (kamatayan). Ang huling hakbang ay hindi dapat magtapos sa mata.

📌Laging lumipat sa bagong bahay sa araw ng Miyerkules o Sabado.

📌Kapag ikaw ay lumipat sa bagong bahay isang araw bago sumapit ang kadiliman ng buwan, ikaw ay hindi magugutom.

📌Ang unang mga bagay na dapat ipasok sa loob ng bagong bahay sa araw ng paglipat ay bigas at asin.

📌Sa paglipat sa bagong bahay, isabog ang mga barya sa sala upang ang prosperidad ay maghari.

📌Ang bilang ng mga taong natutulog sa loob ng bagong bahay sa unang araw ng pagkalipat ay dapat pareho sa loob ng siyam na araw. Kung hindi, may mamamatay sa bahay na iyon.

📌Kapag nakakita ng mga bubuyog sa loob ng bahay, ito ay maghahatid ng kayamanan at swerte sa mga naninirahan.

📌Kapag ang mga kalapati ay lumisan mula sa isang bahay, ito ay tanda ng kawalan ng pagkakaisa at harmonya doon, dahil ang mga nakatira doon ay laging nag-aaway.

📌Kung nais mong maalisan ng mga surot sa iyong bahay, maglagay ka ng ilan sa isang papel at iwan mo ito sa bahay ng sinuman. Ang mga surot ay lilipat sa bahay na iyon.

📌Kung gusto mong umalis agad ang mga bisitang hindi kanais-nais sa iyong bahay, patago kang magsabog ng asin palibot sa iyong bahay at sila ay agad na aalis.

📌Ang isang bisita ay hindi dapat umalis ng isang bahay habang ang pamilya doon ay kumakain pa, dahil ang pagbubukas ng pinto ay magiging sanhi ng pagkawala ng lahat ng magandang swerte ng pamilya.

📌Ang lahat ng bintana sa bahay ay dapat bukas sa Araw ng Bagong Taon upang papasukin ang biyaya ng Diyos.




excerpt from:pinoytraditions&beliefs
 
natawa naman ako sa pang-apat HAHAHA malas talaga pag 13 lang na poste ang ilalagay mo kase hindi pantay ang pagkakalagay ng poste 😂 may posibilidad na bumagsak kase kulang ng isang poste sa gilid...
ang hirap nyan pag mabagsakan ang tao sa loob ng bahay HAHAHA goodbye
tapos yang maglalagay ka ng papel sa kapitbahay para pupunta ang surot dun, pag makita ng mga kapitbahay sa ginagawa mo, malas talaga HAHAHA baka bugbog pa aabutin mo mula sa kanila 😂✌️
 
Last edited by a moderator:
Ito ay mga kapanahunan pa siguro ng mga kastila pero isa pang tip ko kapag magpapagawa kayo ng bahay dapat may pera yan ang pinaka importante sa lahat.
 
Back
Top