Trivia Mga Pamahiin ukol sa Mga Pagkain at Ang Pagkain

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,259
Solutions
6
Reaction
36,912
📌Kapag nahulog ang kutsara kapag ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae. Kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita, samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo.

📌Ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw.

📌Kapag ikaw ay nagpalit ng iyong permanenteng lugar sa hapag-kainan ng iyong pamilya, ang iyong mapapangasawa ay magkakaroon ng maikling buhay.

📌Kapag ikaw ay kumakain ng maraming sibuyas, ikaw ay magiging palikero o palikera.

📌Ang pagkain ng maraming papaya sa araw-araw ay magpipigil sa iyong pagnanasang sekswal.


📌Kung ikaw ay biglang nabulunan habang kumakain, mayroong taong nakaalala sa iyo sa malayo, o di kaya ay kanyang nasasambit ang iyong pangalan. Upang malaman mo kung sino siya, agad kang humingi ng bilang o numero sa mga taong kasama mo habang kumakain. Ang bilang o numero na ibibigay sa iyo ay gamitin mo sa pagpili ng letra. Ang letrang papatak sa bilang na ibinigay sa iyo ay ang unang titik ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo.

📌Kung kailangang lisanin ang mesa bago ka matapos kumain upang maglakbay, kinakailangang ipihit ang mga plato sa mesa upang maging maluwalhati ang iyong paglalakbay.

📌Huwag maglagay ng pera sa ibabaw ng mesa habang kumakain.

📌Ang bilang nga mga taong nakaupo na kumakain sa mesa ay hindi dapat umabot sa labing-tatlo.


📌Kapag nagluluto, mag-iwan ng kaunting butil ng bigas sa sako at itali ito ng mahigpit. Sa gayon ang iyong mga bisita ay hindi uubusin agad ang iyong inihaing mga pagkain.

📌Kapag ikaw ay nag-iwan ng kaunting kanin sa kaldero, magkakaroon lagi ng makakain sa loob ng iyong pamamahay.

📌Kapag ikaw ay nag-iwan ng kaunting kanin sa kaldero, magkakaroon lagi ng makakain sa loob ng iyong pamamahay.

📌Kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda, huwag mong ipagsabi kahit kanino; iyong ipihit ang plato ng makatlong ulit at ang tinik ay mawawala.

📌Mabuting gumamit ng plato sa pagsilbi ng pagkain sa iyong mga bisita. Ang pagpapala ng iyong mga bisita ay mananatili sa mga plato at magiging pagpapala sa iyong pamilya.

📌Kapag ang isang estranghero o malayong kamag-anak ay dumating sa iyong tahanan, painumin mo muna siya ng tubig upang siya ay maghatid lamang ng mabuting balita.

📌Kapag kumakain sa bahay ng mga di mo kilala, kainin lamang ang pagkain na nasa gitna ng iyong plato Ang mga mangkukulam ay ipinapalagay na naglalagay ng kanilang mga kapangyarihan sa tagiliran ng kanilang mga plato.

📌Huwag pagpatungin ang iyong mga maruruming pinagkainan, dahil ito ay magiging sanhi ng pagtataksil sa iyong asawa.






excerpt from:pinoytraditions&beliefs
 
Top