What's new

Trivia Mga uri ng Chismosa "upgraded version "

Professora Akira

~SoulNinetail~
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
10,573
Solutions
4
Reaction
16,976
Mga Iba’t Ibang Uri ng Tsismosa

Chismosang Pang Long Distance

-Yung tipong hindi lang pang 25-radius, aabot ng 99-radius ang kaya niyang isagap na tsismis.

Chismosang Issue-sera
Kung baga sa drink mo sa fast food na a-Upgrade niya ang kwento. Kung baga sa studyante, may “improvement”, kung baga sa gas may “price-hike”, kung baga sa Zagu may “add-ons”. Galing ah, maging author ka kaya.

Chismosang Padeep slash pang-Pageant
-Eto yung uri ng tsismosa na pailalim kung tumira.Padeep. Yung tipong kikilalanin ang isang nilalang, and then fishing some stories and asking questions like what? May kaibigan ka pa ba sa lagay na yan?? Meron? Asan? ASAAAAAAANNNNNNN?

Chismosang Bad Breath
-takip ilong* Pasensya ah. May ibabango pa ba ang bibig mo kung pati buhay ng kapitbahay ni Mang Tasyo na kapatid ni Aling Maring na anak ni Ka-Celso na may anak na ang pangalan ay Kanor ay naibahagi mo na sa ibang tao na wala namang kinalaman kung bakit siya kumakain ng saging sa bintana nila, eh pati yun ikukwento mo sa iba.

Chismosang Electronic
-Ah eto.. pang new millennium ‘to. Di na nagkasya sa panlilibak gamit ang bibig, pati ba naman ate sa facebook, twitter at kung saan saan , kung asaan ang kumpulan ng chika andun ka din? Di na ko magtataka kung magkitakita kayo. Meeting place niyo saan? Para naman maiwasan namin ang mapadaan. Nakakahiya naman sa libangan niyo. Try niyo kaya paghiwalayin ang 3-in-1 na kape nang maiba naman ang trip niyo.

Chismosang Praning
-Haha gusto ko muna tumawa. Eto yung tipo ng tsismosa na napapraning kasi akala niya siya yung pinaguusapan. Weird di ba? Igaya mo pa kami sayo. Wala kaming panahon para pag-usapan ang katulad mong mabaho ang bibig at nakakasulasok na takbo ng utak.

THE ALARM CLOCK
- Tinatawag din silang "The early birds". Sila yung mas nauna pang tumilaok kaysa sa manok. (Maaga siguro ang duty ng mga ito). Yung tipong hindi mo na kailangang iset ang alarm clock mo para magising ka nang maaga, dahil boses palang nila sa madaling araw sa gitna ng kalsada panigurado gising ka na. (Hoy! magpatulog naman kayo!) Minsan may pa overtime pa ang mga yan.

THE UPDATED
- Tinatawag din bilang "Notification button ac†ïvâ†ør". Kadalasan frenny mo sila sa social media. Sila ang uri ng chismosa na updated sa lahat ng ginagawa mo. Ultimo kinain mo sa pananghalian alam nila. Kung anong paborito mong kulay, damit, pabango, mga naging ex's mo o kahit ano pa. Kaya kung hindi mo na kilala ang sarili mo, itanong mo lang sa kanila kase alam nila yun lahat. Sila yung mga natatangi mong fans sa inyong lugar. (Naks naman! Famous ka na.)

THE WALKING CCTV

- Mas kilala sa tawag na "The Screen heads". Kaibigan ito ni THE UPDATED. Ito yung mga chismosa na alam ang bawat anggulo ng galaw mo. Kumbaga mag poposing ka palang, nacaptured na nila. Ultimo routine mo sa pang-araw-araw alam nila.Hindi rin malabong mangyari na alam din nila kung anong kulay ng gilagid mo(hahaha). Alam din nila kung anong oras ka lalabas tapos uuwi ng bahay.They have eye's on you. Ito yung tipo ng mga chismosa na palaging nasa gilid ng kalsada na sa tuwing rarampa ka sa harap nila, ikaw na lang talaga ang mahihiya. (Excuse me po, dadaan na po ang topic nyo.)Attack!

.THE ANNOUNCER -
Also known as "The information disseminator". Sobrang close ito kay THE UPDATED. Ang chismosang ito ang taga kalat ng mga detalye na nakalap ni THE UPDATED mula sa kanyang mga sources. Ang ginagawa naman ng uri ng chismosang ito binabawasan at dinadagdagan niya ang mga detalye. Halimbawa, buntis daw si ano, pero para naman sa chismosang ito nanganak na.
(THE UPDATED, sabihin mo naman sa chismosang ito na crush ko si ano para ipamalita niya sa iba na kami na...yieeee.)

THE SILENT KILLER -
A.K.A "The Innocent face". Ito ang klase ng mga chismosa na palagi mong nakakasalamuha. Sila yung tipo na painosente pa, kunwari walang alam pero perfect nito ang test kung tungkol sa buhay mo pag-uusapan. Para silang mga angel pagkaharap ka, todo ngiti sila sayo. (Ang cute naman makakita ng nakangiting plastik) charooot. Pupurihin ka nila kapag kausap ka pero kapag tumalikod ka na dun na sila aatake.The base is under attack! (Ang galing! Pero kahit ganun ka, I love you parin six feet below the ground)

The boring buddies".
Dahil sa sobrang bored nila kailangan nilang may mapag-usapan, kaya kung sino ang dumaan yun ang magiging topic of the day nila kahit hindi nila kilala. Ito ang uri ng Chismosa na mema lang. Memasabi, memapag-usapan, memapuna, memachismis, memalasin sana kayo (charooot). ( Nag-aral sana kayo ulit kase sa school maraming topic dun promise!)

The destiny maker".
Mga alagad ito ni Nostradamus na nakakakita ng mga pangitain tungkol sa buhay mo. Mayroon silang bolang kristal sa kanilang bahay na kayang mahulaan ang mangyayari sayo sa hinaharap. Halimbawa, yung naghatid sayo kagabi sa bahay nyo o kahit yung nakasama mo kahapon, alam nilang magiging jowa mo yun (Sana all). Alam din nilang hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral dahil magkakaroon ka na ng asawa sa murang edad. (Saan ka pa? Dito ka na may libreng hula.) Kaso ngayon hindi na ako natuwa kase hindi naman ako nagkajowa. (Hahaha)

The "Black Sheep".
- Ito ang uri ng chismosa na kadugo mo pero parang nasalinan ng dugo ng alien (di ko alam kung anong uri ng mutants ito). Kagaya ni THE SILENT KILLER puro papuri maririnig mo pagkaharap mo sila, kesyo maganda/gwapo ka daw (di ko alam kung insulto yun) pero pagtumalikod ka na doon na lalabas ang totoo nilang kulay. (Parang The Voice! Pag humarap ako, I want to punch you!.) Charooot.

Life is a matter of respect to every single soul. Kahit hindi mo na isipin na respeto ‘to sa ibang tao ang pigilan ang bibig mo na ikwento ang isang personal na bagay, brad respeto na lang sa sarili mo pwede? Ano ba naman yung pati kamalian ng iba gagawin mo pang issue, ikaw wala kang mali? Ayos ah. Talino mo. Ano ba naman yung itikom mo ang bibig mo para sa kapakanan ng sanlibutan?🥴🥴😂

btw
#FOr Entertainment Purposes Only 😂✌️✌️

ctto
 

3rr0r

Established
yan daw yung copping mechanism ng mga depressed,stress and domestic violence victim kaya sila nagiging CHISMOSA. kaya samin umaabot 90-100 yrs mga chismosa.hahahha
 
Isama mo narin yung mga chismosang inggit,kapag inggit naninira yan ikukwento ka sa iba na mabaho ang utot mo,kumakain ng ipis etc.
 

abihabibtix

Established
Grabe, sa bawat type ng chismosang nakalista dito, may kilala akong atleast one representative sa lugar namin. Hahahahahahahahahaha 🤣🤣
 
Top