What's new

Help Nag apply sa mall

Status
Not open for further replies.

ZetrocRob

Forum Guru
Elite
Hello guys, nag apply ako ng trabaho dito sa bagong mall sa amin. Hindi pa tapos gawin baka sa june tapos na pero tumatanggap na sila ng applicants and yeah wala pa akong experience sa pag tatrabaho. I'm 19 y/o at nag aaral pa. Pinag pili ako kung ano gusto ko kung bagger, counter, houseware, salesboy at may isa pa di ko lang narinig. Pero pinili ko yung salesboy medyo madali kasi hahaha. The main reason why nag apply ako para malibang ako kasi may anxiety at ocd ako and gusto ko rin kumita syempre para may pambayad sa school. Tinanggap yung resume ko and may mga questions pa akong sinagutan pero pagkatapos non ang sabi ay tatawagan nila ako, sa tingin nyo guys matatanggap kaya ako?
 
alam ko pag ttawagan nalang alaganin un haha pero kung nag bigay sila ng requirment ok pasok kana. base to my expriences
sana matanggap po, pero may isang problema pa po nagkamali ako ng isang numero sa phone number na nailagay ko sa resume ngayon ko lang nakita kasi dalawa copy ko, paano po yun? ano po gagawin ko? bigay po ulit ako resume? or number na lang?
 
mukang malabo TS. kung walang futher details na sinabi about sa application mo mukang negatib na yan. plus mo pa yung maling number sa resume mo. oks lang yan! learn from mistakes.. apply nalang ulit. good luck bro!
 
Mukhang malabo na iyan pero pwede ka naman magtanong o mag-followup kung malapit na magbukas ang mall at hindi ka pa rin tinatawagan. Malay mo matiyempuhan mo yung hiring manager nila tapos bading at type ka pa pala.
 
Non ang Sabi ay tatawagan nila ako, sa tingin nyo guys matatanggap kaya ako?

The question is bakit pa sila mag aaksaya ng load pantawag sayo kung nasa harapan ka nila para malaman yung result ng page apply mo hanap ka lang ng alternative na pwede mo ma aplayan ng work kasi masakit man sabihin base so sagot sayo ay hindi ka nila tinanggap yan ay sagot ng taong hindi interesado dahil Kung talagang tanggap ka the day of your interview malalaman mo Kung tanggap ka at qualified ka. Trial and error lang that is your first time to work kapag sinabi nila na wala ka pa experience sagutin mo sabihin mo kaya nga po ako nag apply ng trabaho para mag karoon ng experience.
 
ganun na nga po siguro. try ko nalang po mag apply sa iba. thanks po
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top