What's new

Nalaman lang ba nina Adan at Eva ang Mabuti at ang Masama Matapos Nilang Kainin ang Pinagbabawal na Bunga sa Eden?

Status
Not open for further replies.

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Nalaman lang ba nina Adan at Eva ang Mabuti at ang Masama Matapos Kainin ang Pinagbabawal na Bunga sa Eden?

Ang sagot ay hindi. Bagaman iniisip ng ilan na nalaman lang nila ang tama at ang mali pagkatapos nilang kainin ang bunga na ipinagbawal ng Diyos na kainin, gayunman, ipinakikita ng Bibliya na hindi iyon totoo. Paano natin nasabi? Pansinin ang mga puntong ito.

1. Una, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan. (Gen. 1:26, 27) Ibig sabihin, kung paanong alam ng Diyos ang mabuti at ang masama, gayundin naman ang mga tao.

Lagi bang kailangang maranasan muna ang resulta ng pagkakamali bago malaman na masama ito? Malalaman mo lang ba na mapuputulan ka ng binti at mga paa kapag inilagay mo ang mga binti at paa mo sa riles at hinayaang masagasaan ng tren? Siyempre hindi! Pero hindi mo pa man nararanasan iyon, alam mo na agad na puwede kang maputulan ng binti at paa kapag ginawa mo iyon, hindi mo pa man ginagawa iyon.

Sa katulad na paraan, hind naman kinailangang makain muna nina Adan at Eva ang bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama para lang malaman nila kung ano talaga ang mabuti at ang masama. Alam na nila 'yon patiuna pa lang dahil nilalang sila ayon sa larawan ng Diyos na nakakaalam ng mabuti at masama.

Pansinin din ang sumunod na dahilan kung bakit masasabing alam na nila kung ano ang 'mabuti' at 'masama.'

Pangalawa, ibinigay ng Diyos na Jehova ang utos na "HUWAG KANG KAKAIN NG BUNGA mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, dahil sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka" (Gen. 2:16, 17) Kaya nang iutos ng Diyos na "HUWAG KAKAIN", makikita dito na nagbigay mismo si Jehovah nang impormasyon sa kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Kung gagawin nila ang
tama at susunod sa Diyos na "huwag kainin ang ipinagbabawal na bunga', mabubuhay sila, kung gagawa naman sila ng mali at sasalungatin ang utos ng Diyos, daranas sila ng masamang resulta ng pagsuway sa Diyos, mamamatay sila.


Kaya bago pa man nila kainin ang bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, alam na nila ang 'tama' at ang 'mali'.

Pangatlo, nakipagkatuwiranan pa si Eva sa ahas hinggil sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga. (Gen. 3:2, 3)

Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.

Kaya, sa pagkakataong ito na sumagot si Eva, hindi niya ba alam ang magiging resulta ng pagkain sa bunga na ipinagbawal ng Diyos? Maliwanag na alam niya!

Oo, alam ni Eva na mali ang pagkain ng bungang iyon at iyon mismo ay paglabag sa utos ng Diyos, kaya nga, nakipagkatuwiranan pa siya. Oo, alam niya kung ano ang tama at ang mali.

Pero, baka isipin ng ilan, "Sinabi rin naman ng ulat na ‘nadilat ang kanilang mga mata at natanto nilang sila ay hùbád’, hindi ba ipinakikita lamang nito na talagang nalaman lang nila ang tama at ang mali pagkatapos nilang kainin ang bungang iyon?" (Gen. 3:7)​
Ang sagot ay hindi. Bakit? Suriin natin ang ulat ng Bibliya.​
Buweno, sino ba ang lumalang sa kanila na 'hùbád'?

Hindi ba't ang Diyos na nagtatakda ng kung ano ang mabuti at masama?
Kaya kung mabuti ayon sa pamantayan ng Diyos na sila ay hùbád bilang mag-asawa na wala pang anak nang panahong iyon, hindi masasabing masama iyon o na masama ang kahubaran nila.

ITINAKDA NG PAMANTAYAN NG DIYOS NA MANATILI SILANG hùbád HABANG WALA PA SILANG ANAK, AT IYON AY MABUTI AYON SA PAMANTAYANG ITINAKDA NG DIYOS NANG PANAHONG IYON.
Pero, pansinin, nang kainin nila ang ipinagbabawal na bunga mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, sino na ang nagtakda ng kung ano ang mabuti at masama?
Hindi ba't ang mag-asawa na? Kasi, tinakpan nila ang kahubaran nila, anupat ayon sa pamantayan nila, ang pagiging hùbád ay masama.
Hindi ba't kabaligtaran mismo iyon ng pamantayang itinakda ng Diyos?

Sino na ngayon ang nagtatakda ng mabuti at ng masama?

Kaya, sila na ang nagtakda ng kanilang pamantayan ng kung ano ang mabuti at masama.

Pero baka maitanong mo pa rin?

Bakit pagkatapos nilang kainin ang ipinagbabawal na bunga nadama nila na sila ay hùbád?
Ito ay dahil sa kanilang mga konsensiya. Nakadama sila ng pagkakasala. Natanto nilang sila ay hùbád, anupat dahil narumhan na sila ng kasalanan, agad nilang tinakpan ang kanilang mga sarili mula sa paningin ng Diyos. (Gen 3:7, 10, 11)​
'Nabuksan ang kanilang mga mata' sa diwa, na napagtanto nilang sila ay nagkasala sa pamantayan ng Diyos na nagtatakda ng kung ano ang mabuti at kung ano ang masama.

Pero baka sabihin ng ilan, 'hindi ba, ipinakikita lamang nito na talagang nalaman lang nila ang tama at ang mali pagkatapos nilang kainin ang bungang iyon, dahil nalaman nilang sila ay hùbád?'

Hindi. Pansinin muli ang sinabi ng ahas

Genesis 2:4, 5

Sinabi ng ahas: “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay! Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama."

Kasinungalingan lamang lahat ng pinagsasabi ng ahas na ito, na kalaunan ay ipinakilala bilang si Satanas.

Bakit? Pansinin ang naging tugon ni Eva nang siya ay tanungin ng Diyos.

Ayon sa Genesis 3:13 “Sa gayon ay sinabi ng Diyos na Jehova sa babae: “Ano itong ginawa mo?”

Dito ay tumugon ang babae: 'Ang ahas—NILINLANG ako nito kung kaya ako kumain.'” Oo, ang sinabi ng ahas hinggil sa magiging resulta ng pagkain nila ng bunga ay hindi totoo.

Pawang kasinungalingan lamang ang mga iyon. Hindi totoong 'hindi sila mamamatay', dahil iniuulat ng Bibliya na namatay sila. (Gen. 4:25; 5:5)

Nang kainin nila ang bunga, totoo, naging tulad sila ng Diyos na nakakaalam ng mabuti at masama, pero nangangahulugan lamang ito na kung ang Diyos ang nagtatakda ng kung ano ang mabuti at ng masama, sa pagkakataong iyon na sinuway nila ang utos ng Diyos, sila na ang magtatakda ng kung ano ang mabuti at masama. At ang bagay na iyon ay isang malinaw na pagtatakwil sa matuwid na pamantayan ng Diyos. Isang pagrerebelde sa Kaniyang pamamahala.

Pansinin din ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Adan,

"Si Adan ay hindi nalinlang", (1 Timoteo 2:14) Kusa siyang sumuway sa utos ng Diyos anupat mas pinili pang paluguran ang kaniyang asawa. Sinasabi ng Bibliya, "pinakinggan mo ang tinig ng iyong asawa", sa halip na ang Diyos. (Genesis 3:17)

Kung hindi alam ni Adan ang tama at ang mali, ibig sabihin no'n, kumikilos siya dahil sa kawalang-alam sa batas ng Diyos, pero malinaw na ipinakikita ng Bibliya na bago pa man nila kainin ang bunga niyaon ay nag-utos na mismo ang Diyos sa kanila na 'huwag kakain mula roon' at na ang magiging resulta ng pagsuway sa utos na iyon ay masama dahil 'sa araw na kumain [sila] mula roon ay tiyak na mamamatay [sila]. (Genesis 2:16, 17)

Genesis 2:16, 17
Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.

Kaya bago pa man nila kainin iyon, ipinaalam na ng Diyos kung ano ang mabuti at ang masama.

Kaya ano ang magiging konklusyon natin? Oo, sa pasimula pa lamang, alam na nina Adan at Eva kung ano ang mabuti at kung ano ang masama dahil:

1. Nilalang ang tao "ayon sa larawan ng Diyos" na nakakaalam ng mabuti at ng masama. (Genesis 1:26, 27) Hindi naman kailangang maranasan muna ng isang tao ang kapahamakan para masabing mali ito.

2. Bago pa man kainin nila Adan at Eva ang ipinagbabawal na bunga mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, nag-utos na ang Diyos na 'huwag' nilang kainin iyon dahil 'masama' ang magiging resulta nito. Oo, ikamamatay nila iyon. Kaya, alam na nilang mali ang kainin iyon dahil patiuna ng nag-utos ang Diyos.

3. Sa pamamagitan ng pakikipagkatuwiranan ni Eva sa ahas, ipinakita niya lamang na alam niya ang pamantayan ng Diyos sa kung ano ang mabuti (o tama) at kung ano ang masama (o mali). (Gen. 3:3)

4. Sinabi ni Eva na nilinlang siya. Ibig sabihin, mali ang sinabi ng ahas. Oo, naging tulad sila ng Diyos, pero sila na ang magtatakda ng kanilang pamantayan ng kung ano ang mabuti at masama pero iyo mismo ay paghamak sa awtoridad ng Diyos na siyang karapat-dapat na magtakda ng mabuti at masama.

5. Kung hindi alam ni Adan ang mabuti at masama, bakit sinasabi ng Bibliya na 'hindi siya nalinlang'? Kaya hindi kumilos si Adan dahil sa kawalang-alam sa tama at mali kundi kusa siyang sumuway sa utos ng Diyos at mas pinakinggan ang kagustuhan ng asawa niya sa halip na ang kagustuhan ng Diyos. (Gen. 3:17)

Oo, pinatutunayan mismo ng Bibliya na alam nila Adan at Eva ang tama (o mabuti) at ang mali (o masama) bago pa man nila kainin ang bunga sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.
 
Inataki ni satanas si adan gamit mga matalim na kuko, pero di nya alam ginaya ni adan ang kapangyarihan ni satanas, ayun gutay2 katawan nya, namuhay si eva at adan ng masaya sa labas ng paraiso nagkaroon sila ng dalawang anak 😁
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top