Marami na napatunayan ang syensya na mali ang nakasaad sa genesis. Bakit kailangan parin paniwalaan. Pasensya na hindi ako dogmatismo na nananatiling naniniwala sa aklat na walang matibay na basis kung totoo
KAPATID nature ng tao na hanapin yung kakulangan na hindi nya basta makita o maunawaan.... Kaya punong puno ng katanungan ang bawat tao kung ano ba talaga yung kulang sa kanya.
Hindi sapat at kulang sa mga ebidensya(ebidence) ang siyensya(sience) ng mga bagay na hindi pa alam ng tao....Ngunit unti unting natutuklasan ang mga ito habang lumilipas ang mga panahon.
Hindi rin sapat na araw araw kang nabubuhay lamang sa mundong ito na kumakain, natutulog, kumakayod, at magpapahinga...At mamatay pagsapit ng araw ng kamatayan....At pagkatapos ay wala na.
Ito yung binabanggit sa isang sitas sa banal na kasulatan.... Na kahit sa kadiliman ay may mga nakatagong kayaman....Hindi lamang sa liwanag.
Sapagkat ang kadiliman ay bahagi din naman ng pagkalikha....kung ang kadiliman ay may nakatagong kayamanan....Ano pa kaya yung mga bagay na inililihim ng Dios na makapangyarihan sa lahat.
Kaya KAPATID patuloy ka lang na Magsuri ...Manalangin at patuloy na magpakumbaba...Matakot ka sa may ari ng lahat ng mga bagay...Sapagkat sa mga katulad nito ang biyaya Nya ay mas lalong makakamtan.
Paunawa sa mga nakabasa nito.
May mga bagay na hindi naman laging kailanagang may ebidensya para ka maniwala.... minsan may mga bagay na kahit walang ebidensya ay natitiyak mong totoo at nararamdaman mong totoo. Tulad na lamang ng mga species na hindi pa natutuklasan ng sience ngunit pinaniniwalaang sila'y namumuhay ding kasama ng ibang nilalang.
At ang pagmamahal sa kapwa ...ni wala kang sapat na ebidensyang maipapakitang nagmamahal ka pero nararamdaman mong totoo na nagmamahal ka at pinaniniwalaan ka ng mahal mo kahit wala kang ipinakitang ebidensya.....Hindi mo naman maipapakita ang iyong pagmamahal sa pamamagitan lamang ng mga regalo at pansamantalang kayamanan kundi sa pamamagitan din ng saway at pagaalaga.
Ganun ang Dios sa tao..... Inilatag na lahat ang mga bagay na kakailanganin ng tao at ng mga ibang nilalang....At inihanda Nya rin ang mas higit na kailangan ng Kanyang ANAK at magiging mga anak na hindi nauunawa hanggang ngayon ng mga mapagmataas, palalo at mga makasalanan.
Magingat kayo mga KAPATID.
Kahabagan nawa kayo ng Ama na makapangyarihan sa lahat.