What's new

Need ko advice nyu about sa business na iniisip ko

Maganda mga silog silog lods para madali lang iprep. Pupwede ka rin mag unli wings as other offering pero since student ang target na customers mo mas ok yung abot kaya.
 
Try ka muna mag start sa street foods like fishball at palamig para ma-observe mo muna yung mga dapat gawin bago pumasok sa malakihang business gaya ng karinderya
 
Masid masid ka po muna dami kasi ako nakikitang mga kainan na wla pa limang buwan sarado agad,
dito din sa amin yung unli wings din kaka open lang . nagsarado agad 1month . tapat ng gasolinahan naka pwesto .malapit din sa school at daanan . sayang yun
 
dito din sa amin yung unli wings din kaka open lang . nagsarado agad 1month . tapat ng gasolinahan naka pwesto .malapit din sa school at daanan . sayang yun
mahal kase ang unli wings tapos ang target is student malamang lugi yan agad
 
malaking advantage mo ung malapit ka sa school, ito talaga swak sa mga bata mapa elementary highschool or college.
Fishball, kwek2x, fries, batchoy, kikiam, etc.
for fries range depende sa costing mo, pero dito sa amin 2/piso sa fishball, 5pesos sa kwek (1/4 hati nila sa itlog) fries may 10php, 20php. batchoy, 10pesos (damihan mo lang sahog like lagyan ng gulay2x)
 
simula ka muna sa maliit, tayo ka nalang ng pastil tipid yon at keri ng student pag okay na upgrade ka pastil na may fried chicken mga ganon h
 
basta yung quality at quantites at prices yung dapat ang pag tuunan mo sa quality try mo muna mag experiment ng mga combination para sa wings mo pa review mo sa mga kakilala mo kung may kulang pa ba másáráp ba basta hindi mag oover budget. sa quantities naman try mo makahanap ng best supplier as low as possible para may pundasyon yung business mo kung sakali man may mga maraming tao na pupunta sayo yung prices mo mag dedepend sa magkano ang nagastos mo mas mababa ang cost sa mga ingredients mo pero másáráp talaga pwede ka mag baba ng price kahit konti kita basta madami ang pupunta panalo padin marketing need mo din maganda yung may mga papromo ka maliban sa unli wings or yung ma ppromote yung shop mo at dapat din mabilis yung mga tao mo mag release ng mga orders kasi isa yan sa mga kinaayawan ng mga parokyano mo yung mabagal na services at make sure na laging mainit ang i sserve mo yun lang naman sa tingin ko yung pwede mo maging basehan sa pag tayo ng ganyang business
 
nako po, kayo lang po ang makaka sagot nyan kasi una dapat fit sa lugrar nyo yung ibi business nyo tas pangalawa ehh may idea kayo sa papasukin nyo

like kunware nag tayo ka ng computer shop ehh yung mga tao sa paligid nyo ehh may mga pc pala sa bahay nila tapos wala pa kayong idea kaya puro brand new lahat ng set na binili nyo, lugi na kayo mas palugi pa kayo

bat di ka nalang mag printing shop?
 
Back
Top