What's new

Never ako nangiwan ng dati kong mga naka-relasyon

AnonDJ

Addict
Joined
Jul 9, 2016
Posts
63
Reaction
22
Points
99
Never ako nang-iwan ng dati kong mga naka-relasyon pero bakit ngayon parang gusto kong iwanan ang girlfriend ko?

Mahigit 3 years na kami at di ko na ramdam ang "love" at "excitement". Parang mas gusto ko pang maging single. Namimiss ko na yung I love no one but God, my family, and myself lang.

Ang hirap kasi bumitaw kasi wala akong makitang mali sa kanya.
 
Pag isipan mong mabuti paps, mahirap mag sisi. Iiwanan mo tapos magsisi ka. Gumawa kayo ng bagong pagkakaabalahan. Malamang nag sasawa na kayo sa normal na ginagawa nyo. Mag extra hobbies kayo at activities. Ikaw narin nagsabi na wala kang makitang mali. So walang dahilan para iwan mo sya.
 
Mag plan kayo at goals. Lalo na kung balak mong pakasalan sya. Basta ung gumawa kayo ng bagong memories
 
wag mong iwanan....... yan kasi yung mahirap sa henerasyon ngayon porket wala ng feelings di mo na love di kasi dun yan na babasi ang true love , true love is God why ? alam kong pag sinabi kong God ayaw nyo or awkward boring eto kasi yan yung relasyon is mababasi natin yan sa relasyon natin sa diyos kapag iniwan mo yan di mo kilala talaga ang diyos kasi siya hindi nang iiwan kahit kailan kahit ikaw ang nagkulang lahat naman tayo nagkukulang pero nasasa iyo yun kung mag iistay ka yan kasi ang panginoon di siya nang iiwan sana ikaw rin para sakin sagrado yung love wag mong sabihin sa isang tao na love mo siya kung iiwan mo rin siya sa huli .Advice ko lang e inline mo yung perspective mo about love kay GOD :)

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.8 Whoever does not love does not know God, because God is love.​

 
Yan kase ang hirap eh. Kaya walang loyal na ngayon. Ewan ko to sa bagong henerasyon eh puro feelings pinapairal. Minsan takot na ako mag settle ngayon. Isang iglap lang wala na. Dahil sa hayop na feelings na yan at validation.
Bakit ka aalis eh wala ka naman nakikita na mali sa kanya?
O baka nakakita kana ng mas better sa kanya?
Mag adjust ka. Take accountability pa minsan minsan di puro emosyon pinapairal o siraan mo pagsasama mo dahil sa walang spark lang. Kung kupal o may third party eh valid yun.Gumawa ka ng paraan. Hindi i ga gaslight mo ang partner mo dahil sa walang rason.Kaya nga may decision making eh. Kaya daming mga single mother ngayon no offense dito puro emosyon pinapairal. O yung umiiwan sa asawa dahil sa walang spark ambabaw naman
 
Last edited:
In a real world,

#1. True love does not exists. Ang meron true love ay God. General speaking na ang ideal God sapagkat maraming relihiyon sa buong mundo. If ever meron true love based sa definition ng tao about true love, well, naniniwala ako na ang love ay hindi magtatagal or hindi lang kayo magka-chemistry sa bawat isa.

#2. Hindi ako naniniwala na kusang wala agad maramdaman na love without any reason. It is either meron kang ayaw tanggapin sa self mo or sadyang hindi mo feel na ka-vibes ang girlfriend mo or maraming reason. If ever kilala ang self mo (literally speaking na kilala nga talaga ang sarili mo na ulo hanggang paa) ay malalaman mo na bakit hindi mo maramdaman na love mo ang girlfriend mo.

#3. Ayan na ata ang sagot mo. Ang ibig sabihin is mas magaan ang love mo kay God, sa family at sa self mo kaysa sa girlfriend mo. Iyan ang big reason mo why hindi mo na maramdaman na love mo ang girlfriend mo sapagkat ang love mo ngayon ay ang self mo, family and God. Sabi mo nga ay "Namimiss ko na yung I love no one but God, my family, and myself lang".

#4. Be honest sa sarili basta siguraduhin na wala kang regret kapag nag disisyon ka makipagbreak sa girlfriend mo, if ever nag decide ka nga makipagbreak sa girlfriend mo.

Sinasabi ko ito dahil hindi maganda na nagpaplastikan or hindi maganda na hindi totoo sa sarili na tipong nag pre pretend na love mo ang girlfriend mo na kahit hindi mo na maramdaman na love mo ang girlfriend mo talaga. Hindi siya maganda. Hindi maganda na pinagbibigyan ang other party porke matagal na kayo ng girlfriend mo or dahil sayang ang pinagsamahan niyo ng ilan taon or keyso wala kang makita na mali sa girlfriend mo. Ang pagkakaalam ko ay maging honest ka lang sa self mo at sakaling wala kang regret, and as long as malinis ang kunsensya mo, doon ka. Meron nga kasabihan na honesty is the best policy.

Updated.

E work mo ang relationship sa girlfriend mo. Sakaling wala ng spark ay gawin niyo ang activities na ikakasaya niyong dalawa na maaari na magkaroon ng spark or maaari na ma in love ka uli pero kapag wala ay huwag na pilitin ang sarili na ma in love dahil ang resulta ay hindi maganda. Ikaw ang mag sa suffer and at the same time ay mag sa suffer ang girlfriend mo din na all these years na mag jowa kayo dalawa ay fake love lang pala ang iyo sa girlfriend mo.

Plus, sakaling hindi kayo para sa bawat isa at hindi mo nga maramdaman ay pangit na pinipilit ang self mo na mahalin ang girlfriend mo so mas mabuti maging honest ka sa self mo, basta (inuulit ko) ang importante ay malinis ang conscience mo kapag nakapag disisyon ka na hiwalayan o iwan ang girlfriend mo. Hindi tipo na iniwan ang girlfriend mo at pagkatapos ay sabay meron regret sa heart mo sapagkat na realize mo na loves mo pala siya haha
😄
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top