What's new

Okay lang ba maligo kahit walang tulog?

Naruhudo

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 4, 2020
Posts
852
Solutions
1
Reaction
1,416
Points
868
Okay lang po ba maligo kahit walang tulog? Nagsearch ako hindi naman daw totoo yung pasma.... hindi ko kasi maiwasan na walang tulog tas kailangan maligo pagkaumaga dahil may importanteng lakad kaya gusto ko malaman nakakasama ba ginagawa ko ang maligo ng walang tulog (except sa walang tulog nakakasama nmn talaga yun)
 
iniwasan yan for risk. minsan ksi pag pagod na tayo pagod na tlga. may mga iba na hinimatay na pag naligo.
 
wala naman masama paps. wala naman kinalaman sa katawan mo yung pag ligo mo kung puyat ka or kulang ka sa tulog kung may mga nararamdaman ka sa pag ligo mo o ano mang sintomas na sumasakit sayo habang naliligo ka walang kinalaman yung pag ligo mo dun kundi marahil dahil yun sa pagpupuyat mo. o may ibang sakit kna marami kasing masamang bagay ang naidudulot sa katawan mo ang pagpupuyat sir, kaya sa tanong mo na pagligo opo walang masama nasa sayo yan kung kaya mo maligo na puyat ka o hindi pakiramdaman mo rin yung katawan mo kung gusto mo ba talaga maligo o hindi
 
Pang gabi ako sa work. Pagkatapos ng duty ko pahinga lang ako konti tas naliligo ako bago matulog. Sabi ng mga katrabaho ko ganun din ginagawa nila kasi sabi daw sa kanila di naman daw masama yun. Pero di ko lang alam kung totoo kasi di naman doktor mismo nagsabi. Ako kasi nakasanayan ko na yung ganun pero so far wala pa naman nangyayari..
 
Yun ex ko noon college sa sobra sipag mag-aral di na natutulog pero sabi niya di daw siya naliligo pag puyat dahil nakakalabo daw ng mata.
 
masama yan kapag nasobrahan ka sa kawalan ng tulog lods tapos naligo ka. pag puyat ka kasi or sobrang pagod ka magbabago na temperature mo e kasi yung dugo mo bumababa, tapos maliligo ka pa. pwedeng magkalagnat ka or iba pa.

sabi ng iba nakakamatay daw yan lodi pero di pa naman ako nawawala kaya goods lang.
 
maligo ng.. maligamgam na water ~ pass sa cold bath pero yess hot bath bago matulog pampa sooth ng muscles lalu na apg tagtag ka sa long na byahe.
 
maraming beses nangyari saken lalo na nung college life... minsan sumasakit ulo lalo na pag mataas na ang araw mabigat katawan cguro dahil sa antok hindi dahil sa pagligo.
 
napansin ko lang sa experience ko sa tuwing wala akong tulog tas naligo ako at nabasa yung mata or kahit manghikamus lang is mahapdi or nag iirita yung mata ko kaya ginagawa ko nalang pagnaliligo ako ng walang tulog is di ko binabasa yung sa may mata ko na part
 
di ko alam kung may study dito pero usually the case sakin is medyo may bad side pag naligo ka ng walang tulog, nakakatulog ako eventually haha
 
Back
Top