What's new

Trivia Paano Ko Makakayanan ang Paghihiwalay Namin?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,196
Points
2,914
“Noong maghiwalay kami ng girlfriend ko,” sabi ni Steven, “ang hirap ipaliwanag, pero lumong-lumo ako. Iyon ang pinakamasakit na naranasan ko sa buhay.”
Naranasan mo na rin ba iyon? Kung oo, makatutulong sa iyo ang artikulong ito.

Ang pakiramdam nito​

Parehong masasaktan ang dalawang indibiduwal kapag naghiwalay sila.
  • Kung ikaw ang nakipaghiwalay, baka pareho kayo ng nadama ni Jasmine. Sabi niya: “Ang bigat sa dib-dib kasi nasaktan ko ang isang taong mahalaga sa akin at ayaw ko nang mangyari ulit ’yon.”
  • Kung hindi naman ikaw ang nakipaghiwalay, maiintindihan mo na siguro kung bakit sinasabi ng iba na halos ikamatay nila ito. “Dinanas ko ang iba’t ibang yugto ng pamimighati,” ang sabi ng kabataang si Janet. “Kasama na dito ang pagkakaila, pagkagalit, pagmamakaawa, depresyon, at sa wakas—matapos ang halos isang taon—pagtanggap.”
Tandaan: Matapos ang break-up, posibleng mawalan ka ng pag-asa at makadama ng sobrang kalungkutan. Sinabi ng isang manunulat ng Bibliya: “Ang bagbag na espiritu ay tumutuyo ng mga buto.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang magagawa mo​

  • You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
    Magsabi sa isang may-gulang. Sabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Makatutulong ang pagsasabi ng nararamdaman mo sa isang magulang o may-gulang na kaibigan.
    “Noong una, ibinukod ko ang sarili ko at hindi ako nakikipag-usap sa iba tungkol sa nararamdaman ko. Pero makakatulong ang mga kaibigan para maghilom ang mga sugat. No’ng magsabi ako sa kanila, gumaan ang pakiramdam ko.”—Janet.
  • You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
    Matuto mula sa pangyayari. Sinasabi ng isang kawikaan sa Bibliya: “Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng pagkaunawa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag nakaranas tayo ng di-magagandang bagay, lalo nating makikilala ang sarili natin at matututo tayong harapin ang pagkabigo.
    “No’ng maghiwalay kami ng girlfriend ko, tinanong ako ng kaibigan ko, ‘Ano ang natutuhan mo sa relasyon n’yo, at paano mo ’yon magagamit kapag nakipag-date ka na ulit?’”—Steven.
  • You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
    Manalangin. Sinasabi ng Bibliya: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tutulong ang panalangin para makayanan mo ang sakit at magkaroon ng positibong pananaw.
    “Patuloy na manalangin. Naiintindihan ni Jehova ang nararamdaman mong sakit at mas nauunawaan niya ang sitwasyon mo.”—Marcia.
  • You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
    Tulungan ang iba. Sinasabi ng Bibliya: “[Ituon] ang mata, hindi lamang sa personal na kapakanan ng inyong sariling mga bagay-bagay, kundi sa personal na kapakanan din ng iba.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag tumutulong ka sa iba, mas mabilis kang makaka-recover sa paghihiwalay.
    “No’ng mag-break kami, parang nagunaw ang mundo ko. Ang sakit talaga. Pero makakapag-move on ka rin pala. Panahon lang ang kailangan para maghilom ang sugat.”—Evelyn.
 
Attachments

salamat sa thread na ito bro, susubukan kung e apply to sa sarili ko..ang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon, wala akong mapagsabihan ng problema ko at malayo ako sa pamilya ko ngayon, pero hindi din naman ako nagkukwento sa kanila ng mga pinagdadaanan ko sa buhay pag ibig...wala na din akong kaibigan na mapagsasabihan ng aking saloobin.
 
bro makakaya mo yan.. basta positive lang... at sikapin mo mag pokus sa ibang bagay na magagawa mo..
 
bro makakaya mo yan.. basta positive lang... at sikapin mo mag pokus sa ibang bagay na magagawa mo..
salamat...sa ngayon focus na lang ako sa trabaho, di ko lang kasi matangap yung pagka kanya kanya namin, dami ko sacrifices na ginawa para sa kanya pero kahit konti wala syang na appreciate:cry:...napakadali lang sa kanya ang lahat, pati religion ko ni sacrifice ko na para sa kanya pero at the end of the day hindi pa rin pala sapat ang lahat..
 
bro moveon kana.. wag mo na balikan ang nakaraan, tapos na yun! bangon ka ulit at mag focus ka sa nagagawa mo ngayon marami pang magagandang bagay ang darating sa buhay mo.. hindi lang naman love lyf nagpapaligaya sa tao....
 
Isa lang sinabi sakin ng pinsan ko nung na broken ako, "bumangon ka at kumain". Mababaw pero nakatulong naman.
 
ok lang yan ganyan talaga focus ka nalang muna kung san ka nasanay dati nung wala pa sya libangin mo lang sarili mo hanggang dumating yung next🤪
 
Similar threads

Back
Top