Cerebellum
Forum Veteran
- Joined
- Oct 31, 2021
- Posts
- 1,183
- Reaction
- 532
- Points
- 893
Napapaisip lang ako, halos all people in this small world na tinitirhan natin, itong Earth, eh mayroong relihiyon o naiimpluwensiyahan ng mga relihiyon. Kahit saan ka magpunta, makakakita ka ng mga tao na kumikilos kaayon ng kanilang paniniwala o relihiyon. Ang totoo nya'n, kahit hindi isang religious person ang isang tao, I mean, hindi naman sa hindi siya naniniwalang may Diyos, kumbaga, naniniwala siya pero hindi lang talaga siya kumbinsido, eh kapag pinagpray sa school, eh nananalangin pa rin, Kumbaga, for the sake of others religion beliefs eh magpi-pray na lang siya kahit hindi siya kumbinsidong may Diyos nga.
Ganu'n din sa iba nating mga paniniwala. Kapag namatay yung mga mahal natin sa buhay, minsan gusto pa, may pupuntang pari o pastor sa kaniya bago siya mamatay para ipanalangin daw yung kaluluwa niya. yung mga ganyan. Sa'kin kasi, gusto ko pag namatay ako, naka-smile ako para mapapangiti yung mga pupunta sa burol ko. Yung isa kasing ka-brother ko, gusto niya pag namatay siya, gusto niya nakataob yung kabaong niya para yung sisilip sa kaniya, titingin sa kaniya sa ilalim ng kabaong, sabi nya kasi, hanggang sa huli, gusto niya mapasaya niya yung mga tao. Just kidding lang mga paps.
Anyways, napapaisip lang kasi talaga ako, what if walang religion? or wala ng religion at kinuha na ng mga gobyerno ng tao ang mga religious churches, halimbawa sa Iglesia ni Cristo, kinuha mga pag-aari nila. Or yung sa mga church nila Quiboloy.
Mga ganyang bagay. Ano sa tingin ninyo ang possible na mangyari? Any opinion?
Thanks!