What's new

Paano mag Lucid Dreaming?

Mga lods ako naman kapag nananaginip ng nakakatakot, sinasabi ko sa panaginip ko na “sa ngalan ng panginoong Diyos, lumayas ka!” Ganan lods tapos mawawala na yung nakakatakot tas maya maya magigising na ako.
 
Mahirap pero rewarding mag LD kung seryoso ka mag LD kailangan mo ng foundation

1.Dream Recall
2.Reality Check
3.Critical thinking

May kulang pa yan though kung gusto mo mag dig deeper search mo sa YT

EXPLORING THE WORLD OF LUCID DREAM

Or kung gusto mo ng super clear na steps at hindi tinatamad magbasa try this book

Exploring the world of lucid dream the art of oreonautics

Personally hindi ko pa ginawa though pede ka sumali sa #forbidden# server nato
Maraming lucid dreamers dito na may experience na

https://disc😂ord.gg/JjuNKJxKG7
Tanggal na lang emote
 
Lumang post na ito sinubukan ko lang mag search dito about AP.

Yong lucid dreaming madali lang sya kesa astral projection.

Sa lucid dreaming need lang maging aware ka na nanaginip ka madali lang naman malaman yun kase iba ang paligid mo at nga makakasama mo doon minsan mga malalayo mong kilala at kamag anak minsan mga taong patay na,at sa katawan mo may pag babago tulad ng mga daliri,paa at minsan mapapansin mo ding hindu naka dilat isang mata mo sa lucid.

May mga pangyayare sa lucid dreaming na sa sobrang excited mong i kwento na nag lucid dreaming ka sa loob ng lucid dreaming mo maboboo ang isa pang panaginip na gising kana pero nasa loob ka padin ng panaginip mo, kaya mong i extend ng ilang araw ang lucid dreams mo pero sa loob lang yun ng ilang oras ng tulog mo pinabilis mo lang mga nangyayare.

Sa astral projection ang part lang na nakakatakot i yong sleep paralysis.

Teknik ko para mabilis makapag astral at mag relax proper breathing lang i kalma ang katawan at gising ang isip humiga ng pinaka komportable ka ako "naka tagilid sa left side doon ako lagi nakakapag astral ng mabilis.
Wag mo na isipin na lalabas kasa katawan pag naramdaman mo na ang vibration o may maririnig kang distorted na tunog wag ka kabahan gawin mo lang pagaanin katawan mo isipin mo na isa kang balahibo na tinitangay ng electric fan o ano mang hangin tumatama sa balat mo magugulat ka nalang na nakalabas kana.

Pag nasa labas kana medyo mahirap kase minsan hindi ka makalipad ng maayos minsan na stuck kapa sa pader at nahihirapan lumusot 😅 gawin mo mag concentrate sa pag levitate papunta salugar na gusto mo ,ako nasubukan ko makalipad sa taas ng ulap makalagpas malapit buwan.

Pinaka magandang nagawa ko sa AP ay ang time travel papunta sa nakaraan.2020 to 2006.

Madame sa yt wag matakot subukan nyo lahat makaka gawa din kayo sariling teknik pano ma control AP nyo
Sakin na level up ko AP ko na may pagka lucid nakokontrol ko yong ulap at mag pa labas ng pakpak sa astral body ko.
 
**** pre nakakatakot yan. di ko lang alam kung lucid dreaming ba matatawag sa naranasan ko. lagi akong puyat and matutulog ako tapos patang bigla akong magigising tas may katabi ako na white lady, nakatalikod siya sakin at lumingon ako sa paligid ko at may white lady sa baba (may higaan kami sa baba e) tas may white lady na nakatayo sa gilid ko at dahang-dahang naikot yung ulo nila na para bang titingin sila sakin... hindi takot ang naramdaman ko kundi pure terror pre (inenglish ko na para mas matindi) sigaw ako ng sigaw tas naisip ko na igalaw mo daw yung fingers ng paa mo magigising ka daw? ginawa ko naman tas nagising ako kaso nga lang pag ka gising panaginip lang din yun, tinry ko gisingin sila ate at mama ( yes katabi ko matulog nun si ate at si mama naman dun katabi ng kapatid ko) kaso nung ginigising ko si ate habang nalingon siya sakin nakaramdam nanaman ako ule ng takot puro buhok kasi ang nakikita ko habang iniikot niya yung ulo para tignan ako si mama naman ay paupo at nakatitig na saakin. tinry ko ule yung trick na galawin yung paa kaso ayaw ako magising lalo na akong natatakot tinry ko naman sa kabila kong paa at yun! nagising din ako 😅 kaso di pa pala tapos yun panaginip lang ule at mas malapit na yung tatlong babae sakin yung sa pwesto ng ate ko nakaharap na sakin yung kay mama naman nakatayo na siya at naglalakad papunta sa hinihigaan koat yung isa naman nasa tabi ng kama ko nakaupo at nakayuko grabe pre pure terror ule sigaw ako ng sigaw kasi para bang may masamang mangyayari sakin pag makita ko yung mga mukha nila e salamat nga dahil nagising ako nila ate at mama 😃 yun na alam ko na hindi na panaginip yun oa na daw kasi yung galaw ng katawan ko e para bang nakukuryente kaso di daw ako nagigising... nangyari uli yun sakin 3 beses ng week na yun.. di na ako ntutulog kaoag hindi na umaga kasi natatakot na ako
 
[XX='Chok Esguerra, c: 793872, m: 734098'][/XX] normal lang po.. parang nanuod lang ng pelikula or minsan ikaw yung hero nakokontrol mo eh.. pero yung out of body, di ko pa naranasan yan. hehe
 
Pag nasa SP state kau wag kau matakot dahil nakakahinga naman kayo, kalmahan niyo lang. after SP, konting praktis at makakapag LD n kayo. RC lang ang katapat. gawin niyong manirism.
 

Similar threads

Back
Top