What's new

Paanong ang Sangkakristiyanuhan ay Nangyaring Sumamba sa Diyos na Di-kilala

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
ANG mahiwagang Diyos, tatlo-sa-isa, ng Sangkakristiyanuhan ay hindi Diyos ng mga Judio. Ang kanilang araw-araw na kompesyon, ang Shema, ay nagsasabi: “Ang Panginoon na ating Diyos, ang Panginoon ay isa.” Hindi ito ang Diyos ng mga 600 milyong Muslim, na may Koran na nagsasabi: “Siya, si Allah, ay isa.”

Ang Kristiyanismo ay may mga ugat na Judio. Si Jesu-Kristo ay isang Judio. Tinupad niya ang Kautusan na ibinigay ng Diyos sa mga Judio at siya ang Mesiyas na ang pagparito ay inihula ng mga propetang Judio. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mga unang alagad niya ay pawang mga Judio o tinuling mga proselita. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nakita natin na ang Trinidad ay hindi pinaniniwalaan ng mga Judio hangga ngayon.

Masasabi bang itinakuwil ni Kristo at ng mga manunulat ng Kasulatang Kristiyano ang paniwala sa iisang Diyos at hinalinhan iyon ng paniwala sa isa-sa-tatluhang Diyos? Hindi, sapagka’t sinasabi ng Encyclopædia Britannica (edisyon ng 1976): “Ang salitang Trinidad, o ang buong doktrina man, ay hindi makikita sa Bagong Tipan, at hindi hinangad ni Jesus at ng kaniyang mga alagad na salungatin ang Shema sa Matandang Tipan: ‘Dinggin, Oh Israel: Ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). . . . Ang doktrina ay unti-unting nabuo sa loob ng maraming siglo at sa kabila ng maraming pagtatalo.”

Apostasya at Pilosopya

Ang apostol na si Pablo ay sumulat: “Tiyak na darating ang panahon na, sa hindi pagkakontento sa magaling na aral, magiging mapusok ang mga tao sa pinakahuling mga bagay na bago sa kanila at magtitipon sila ng maraming guro ayon sa kanilang sariling kagustuhan; at sa halip na makinig sa katotohanan, sila ay babaling sa mga alamat.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Katolikong Jerusalem Bible.

Mababasa mismo sa Bibliya na nagsisimula na ang apostasya bago nangamatay ang mga apostol ni Kristo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mga apostata sa loob ng mismong kongregasyong Kristiyano ang nagsibangon bilang mga bulaang guro. Sa halip na sumunod sa mga katotohanan sa Bibliya, sa “mga alamat” sila bumaling. Sila’y nakahikayat pa ng maraming Kristiyano “sa pamamagitan ng pilosopya at walang kabuluhang mga pandaraya ayon sa tradisyon ng mga tao.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Si Propesor J. N. D. Kelly ng Oxford University ay sumulat tungkol sa nangyari: “Noong unang tatlong siglo ng pag-iral, ang Iglesyang Kristiyano ay kinailangan muna na bumangon buhat sa [monoteistikong] paniwalang Judio na pinagsimulan nito at saka makipagkaisa sa Hellenistikong (Griegong) kultura na nakapaligid dito.” Tungkol sa mga sinaunang guro na nang malaunan ay nakilala bilang mga ama ng simbahan, sinabi ni Propesor Kelly: “Sinamantala ng karamihan sa kanila ang umiiral noon na pilosopya. . . . Sila’y pinaratangan na ginagawa nilang Hellenistiko ang Kristiyanismo (Griego sa anyo at sa paraan), nguni’t ang totoo’y tinatangka nilang hubugin iyon ayon sa kaisipan na kaayon [kabagay] ng kanilang panahon. Sa tunay na diwa sila ang unang mga teologong Kristiyano.” Ang mga unang “teologong” ito ang nagsikap na ang sinaunang salig-Bibliyang Kristiyanismo ay ibagay sa umiiral noon na pilosopya.

Ang Pilosopyang Pinagmulan ng Trinidad

Ang ensayklopediang Pranses na Alpha ay nagsasabi: “Batay sa karamihan ng relihiyosong tradisyon o mga sistema ng pilosopya bumangon ang ternario [tatluhan] na mga grupo o triad na katumbas ng mga sinaunang puwersa o ng mga katangian ng kataas-taasang Diyos.” Isa pang kathang Pranses ang tumukoy sa pilosopong Griego na si Plato (noong mga 427 hanggang 347 B.C.E.) at ang sabi:

“Ang trinidad ni Plato, na isang bagong kaanyuan ng naunang mga trinidad na nagmula sa sinaunang mga bayan, ay lumilitaw na siyang pilosopikong trinidad na pinagmulan ng tatlong palagay o pagka-diyos na itinuturo ng mga simbahang Kristiyano. . . . ang idea ng pilosopong Griegong ito ng banal na trinidad . . . ay matatagpuan sa lahat ng sinaunang [paganong] relihiyon.”—Dictionnaire Lachatre.

Natural, ang karamihan ng mga pari at klerigo ng Sangkakristiyanuhan ay magtatatuwa sa paganong pilosopya na pinagmulan ng aral ng Trinidad. Ang mapanghahawakang Pranses na Dictionnaire de Théologie Catholique ay gumagamit ng 16 na tudling ng maliliit na tipo sa mga argumento laban sa kaugnayan ng trinidad ni Plato sa tatlong-personang Diyos ng Sangkakristiyanuhan. Gayunman, inamin ng aklat na ito na maging ang “Santong” Katoliko na si Augustine—sinasabing may “lubhang kahalagahan para sa Kanluran [Romano] na pag-unlad ng doktrina ng Trinidad”—ay kumilala sa kaugnayang ito. At, ang Encyclopædia Britannica (1976, Macropædia) ay nagsasabi: “Ang gayong Hellenistikong pagsasanib, sa kalakhang bahagi, ay naganap. Ang katuturan ng pananampalatayang Kristiyano na inilabas ng mga ecumenical na sinodo ng sinaunang iglesya ay nagpapahiwatig na ginamit ang pilosopya ni Plato sa pagbuo ng doktrina ng Trinidad.”

Isang Trinitaryong “Diyos na Di-Kilala”

Sa isang grupo ng mga pilosopo sa Atenas, Gresya, sinabi ni apostol Pablo: “Samantalang ako’y nagdaraan at matamang nagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba nakasumpong din ako ng isang dambana na may nakasulat na ‘Sa isang Diyos na Di-Kilala.’ ” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ayon sa komento ng Pranses na Pirot and Clamer Bible ang mga pilosopong Griego ay “wala pang kaalaman sa Diyos na Maylikha. Kahit si Plato ay may paniwala na organisador lamang ang Diyos ng dati nang umiiral na materya.” Ang Diyos ni Plato ay isang walang pangalang kataas-taasang “idea” at ang tawag doon ng kaniyang huling mga alagad ay “ang Isa,” o “ang Mabuti.” Ang gayong mahiwaga, di-kilalang Diyos na kaugnay ng teorya ni Plato ng Trinidad ang tinularan ng mga ama ng apostatang simbahang Kristiyano. Sa isang diwa, ang Sangkakristiyanuhan ay may isang “Diyos na di-kilala.”

Yamang “ang salitang Trinidad, o ang buong doktrina man, ay hindi makikita sa Bagong Tipan,” ang mga pilosopong-teologo ay naghanap sa Kasulatan ng mga tekstong animo’y sumusuporta sa trinitaryong Diyos. Wala silang nakuha kundi ilang mga teksto na nagkataong bumabanggit sa Ama, sa Anak at sa banal na espiritu sa parehong konteksto, bagaman hindi sa ganiyang pagkakasunud-sunod. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. [13 sa maraming Bibliyang Katoliko]) Ang sabi’y mayroon daw ang gayong mga teksto ng isang “triadic formula.” Sa puntong ito, sinasabi ng Theological Dictionary of the New Testament: “Marahil ang maraming triad ng nakapalibot na daigdig na maraming diyos ang isang may bahagi sa pagkabuo ng paniwalang ito.” Sa isang talababa, sinasabi nito na sa apocripang Ebanghelyo ng mga Hebreo, ang espiritu (kasariang pambabae sa Hebreo at Aramaico) “ay itinuturing na ina ni Jesus” at isinusog: “Kaya’t mayroon tayo ng karaniwang triad ng pamilya noong sinauna, ama, ina at anak.”

Ito’y kalabisan na na tulad ng paganong tatlong mga diyos ng Ehipto, Babilonya at Gaul. At kung ang banal na espiritu ay ina ni Jesus, ano ang mangyayari kay Maria? Kaya’t iniwaksi ng mga ama ng simbahan ang paganong “ama, ina at anak” na trinidad at umimbento sila ng orihinal na tatluhang Diyos na binubuo ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Nguni’t nagbangon ito ng iba pang mga problema, na ganito ang paliwanag ng Encyclopædia Britannica: “Ang suliranin ng kung paano ipaliliwanag ang tatlong persona ng Diyos at ang pananampalataya sa iisang Diyos, na pagkakakilanlan sa pagkakaiba ng mga Judio at Kristiyano sa mga pagano, ay nagbangon ng gulo sa sinaunang Sangkakristiyanuhan. Naging pangganyak din ito sa pagbangon ng isang pagbabaka-sakali sa teolohiya—isang pangganyak na naging inspirasyon ng Kanlurang metapisika [pilosopya] sa nakalipas na mga siglo.” Oo, ang Trinitaryong “Diyos na di-kilala” ng Sangkakristiyanuhan ay bunga ng pagbabaka-sakali at pilosopya.

Ang Pagtatalo sa Trinidad

Nang mga unang siglo ng ating Karaniwang Panahon ay mayroong “nakapagtatakang dami ng mga kuru-kuro at idea” tungkol sa Trinidad. Inaamin ng historyador na si J. N. D. Kelly, na mismong isang Trinitaryo, na ang mga unang ama ng simbahan ay pawang mahihigpit na mga monoteista. Aniya: “Ang ebidensiyang makukuha sa Apostolic Fathers ay bahagya, kulang na kulang. . . . Sa doktrina ng Trinidad sa pinakamahigpit na diwa ay walang makikitang patotoo.”—Early Christian Doctrines.

Totoo, ang gayong “mga ama” na gaya ni Ignatius ng Antioquia at ni Irenaeus ng Lyons ay nagpahayag ng mga idea na maaaring ipangahulugan na paniwala sa dalawa-sa-iisang Diyos na binubuo ng Ama at ng Anak. Nguni’t sinasabi ni Kelly: “Ang sinasabi ng mga Apologists tungkol sa Espiritu Santo ay lalong kakaunti . . . [Sila] ay lumilitaw na totoong malabo tungkol sa eksaktong katayuan at bahagi na ginagampanan ng Espiritu. . . . Tiyak na ang kaisipan ng mga Apologists ay litung-lito; malayung-malayo nilang mapagkaisa ang tatluhang panig na pananampalataya sa Iglesya.”

Ang mga naniniwala na mayroong iisa lamang Diyos, ang Ama, at si Jesus ang Anak, ay tinawag na mga Unitarians. Ating mababasa: “Ang mga Trinitarians at ang mga Unitarians ay patuloy na nagtalu-talo, itong huli ang nang pasimula ng ika-3 siglo ang pinakamarami pa rin.” (Encyclopædia Britannica, ika-11 edisyon) Sa paglakad ng panahon ang mga ama ng simbahan ay lalong naimpluwensiyahan ng isang bagong anyo ng pilosopya ni Plato (Neoplatonismo), ang mga Trinitarian ay nangibabaw. Ang Neoplatonikong pilosopya noong ikatlong siglo, na may masalimuot na mga teoriya ay tumulong sa kanila na pagkaisahin ang hindi maaaring pagkaisahin—ang tatluhang Diyos ay pagtinginin na iisang Diyos. Sa pamamagitan ng pangangatuwiran ng pilosopo kanilang iginiit na ang tatlong persona ay maaaring maging isa samantalang taglay pa rin ang kani-kaniyang sarili!

Ang Pakikipagtalo ni Arius

Ang pagtatalo sa Trinidad ay umabot sa sukdulan nang pasimula ng ikaapat na siglo C.E. Tatlong pilosopong-teologo buhat sa Alexandria, Ehipto ang nagtalu-talo. Nasa isang panig si Arius, at sina Alexander at Athanasius ang nasa kabilang panig. Ikinaila ni Arius na ang Anak ay kaisang sustansiya ng Ama. Ang Anak daw ay talagang isang anak, kaya’t may pasimula ito. Naniniwala si Arius na ang Espiritu Santo ay isang persona, nguni’t hindi kasustansiya ng Ama o ng Anak at ito’y nakabababa sa dalawa. May binanggit siyang “Triad,” o “Trinidad,” nguni’t binubuo raw iyon ng di-magkakapantay na mga persona, at ang Ama lamang ang walang hanggan.

Ayon naman kina Alexander at Athanasius, ang tatlong persona ng Diyos ay may pare-parehong sustansiya at hindi tatlong Diyos, kung gayon, kundi iisa. Inakusahan ni Athanasius si Arius ng muling pagpapasok ng politeismo sa gayong pagbubukud-bukod sa tatlong persona.

Ang pangulo noon ng Imperyong Romano ay si Constantino, na sabik na gamitin ang apostatang Kristiyanismo bilang “semento” na magsisimento sa nagkakawatak-watak nang imperyo niya para tumibay uli. Para sa kaniya, ang alitang ito ay pumipigil sa pag-unlad. Ang pag-aaway na ito raw sa Trinidad ay “awayan sa walang kabuluhan at hangal na pagtatalu-talo.” Nguni’t nabigo siya na pagkasunduin ang dalawang magkasalungat na panig sa pamamagitan ng isang pantanging liham na ipinadala sa Alexandria noong 324 C.E., kaya tumawag siya ng isang pangkalahatang pulong para sa ikalulutas ng bagay na ito. Sa Unang Ecumenikal na Konsilyong ito na ginanap sa Nicaea, Asia Minor, noong 325 C.E., ang mga obispong dumalo ay kumatig kina Alexander at Athanasius. Kanilang pinagtibay ang Trinitarian Nicene Creed, na lakip na ang mga pagbabagong inaakalang ginawa noong 381 C.E., sinusunod hanggang sa ngayon ng Iglesya Katolika Romana, Eastern Orthodox Church at karamihan ng mga simbahang Protestante. Ganiyan nangyari na ang Sangkakristiyanuhan ay sumamba sa isang mahiwaga, di-malirip, na tatlo-sa-iisang “Diyos na di-kilala.”

Ang mga Ibinunga Hanggang sa Ngayon

Hindi natapos sa Nicaea ang pagtatalo sa Trinidad. Ang Arianismo (na hindi tunay na Kristiyanismo) ay kung makailang beses na pabalik-balik. Ang mga tribong Aleman na lumusob sa palubog nang Imperyong Romano ay nag-aangkin na taglay nila ang “Kristiyanismo” ni Arius at kanilang dinala ito sa Europa at Norte Aprika, kung saan patuloy na umunlad ito hangga noong ikaanim na siglo C.E., at mas matagal kaysa rito sa mga ibang lugar.

Ang doktrina ng Trinidad ang nagdala ng pagkakabaha-bahagi sa Sangkakristiyanuhan sa loob ng daan-daang mga taon. Sa iba’t-ibang ecumenikal na konsilyo, ang mga teologo ay namilosopya tungkol sa kalikasan at sa papel na ginagampanan ng Anak at sa kung ang Banal na Espiritu ay sa Ama lamang o sa Ama at sa Anak nanggagaling. Lahat ng mga walang kabuluhang pagtatalu-talong ito ay nakalito lamang sa isip ng mga tao tungkol sa paniniwala sa Diyos.

Ang aral ng Trinidad ay nakalito lamang sa isip ng maraming miyembro ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan na anupa’t naging mabuway ang kanilang pananampalataya sa Diyos kung hindi man tuluyang nawala. Subali’t komusta ka naman? Iniisip mo ba kung ano ngang talaga ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Ama sa Anak at sa banal na espiritu? Ang mga bagay na ito ay tatalakayin sa ibang labas ng Ang Bantayan.

[Blurb sa pahina 23]

“Ang ebidensiyang makukuha sa Apostolic Fathers ay bahagya, kulang na kulang. . . . Sa doktrina ng Trinidad sa pinakamahigpit na diwa ay walang makikitang patotoo.”—Oxford Professor J. N. D. Kelly
 

Similar threads

Back
Top