What's new

Poems Pangalawang Pahina: Para sa mga nagparaya

Mjik02

Eternal Poster
Established
Joined
Apr 6, 2017
Posts
908
Solutions
119
Reaction
399
Points
485
Age
20

Sana andyan lang
@wwep

Sana kung may pagkakataon
Makalapit muli sayo

Sana mayroong daanan
Na ang direksiyo'y sa pwesto mo

Kung nasaan ka naroon
Sa lugar na di ko alam

Na patuloy hinahanap
At puro "baka lang"

Baka andito
Baka andon
Baka nariyan
Baka nasa malapit

Sa mga huling salita mo nalang ako kumakapit

Noong kumalas tayo sa posas
At tinigil ang pagbibilang sa oras

Yun na ata ang hangganan'
Duon kita huling nahagkan.

 

Similar threads

Back
Top