What's new

Papaano Malalaman Kung May Covid19 Ang Tao Na Di Nagpapa Check Up sa Doctor? Di Pa Naman Kami Vaccinated Uy.

Status
Not open for further replies.
Papaano ba malalaman kung may covid19 ang kapatid ko o wala? E lahat pa naman kami dito ay hindi vaccinated? Ako, gusto ko magvaccinated para maging safe ako pero at the same time, gusto ko ipamulat sa family ko kung ano kahalagahan ng vaccination, kaya lang, less verbal ako at walang kakayahan magsalita dahil talo ako sa majority of family ko na ayaw magpa vaccine.

Ngayon, nilagnat ang kapatid ko. Kahapon lang. Bale 2 days. Nagkataon na vaccinated siya dahil required sa trabaho niya. Sa takot ng parents ko, inutusan siya na huwag lumabas ng room. Meron din siyang ubo.

Ayaw naman din e pa check up sa doctor at I have a feeling din na parang ayaw din e pa check up sa doctor ang kapatid ko. Ang naiisip ko na baka ayaw lang malaman ang truth na meron covid19 ang kapatid ko (isip ko lang naman iyon) dahil kung may covid19 ang kapatid ko sakali, e there is a possibility na mag suggest sa amin lahat na magpaturok kami ng vaccine.

Andoon ang fight at flight coping strategies ko against hate with myself and fight at flight coping strategies ko against blaming my religious family dahil mas pinaniniwalaan nila ang anti vaccine.

Ang ginagawa lang ay ang self remedy katulad ng prutas at lots of vitamin c and hindi ko malaman kung may covid19 o wala ang kapatid ko.

2 days palang kase na sana nawa mawala na ang lagnat niya tomorrow with the use of self-remedy at home pero still, papaano ba malalaman kung may covid19 ang kapatid ko o wala na hindi na kinakailangan mag pa check up sa doctor?

Nilalagnat daw siya at inuubo. Siya ang madalas lumabas ng bahay dahil sa trabaho niya.
 
Last edited:
sa testing lang pinakareliable kasi e... pag sa sintomas lang kasi mahirap sabihing accurate yun... pupwede kasing flu lang... flu season kasi ngayon... kahit kapatid ko rin may trangkaso ngayon...
 
di yan covid, flu lng yan. makinig ka nlng sa kanila ,huwag maging negative think 👍
di porket di sila vaccinated nagkakaroon kana agad ng idea na infected sila ng covid, masyado kang OA, hayaan mo sila kung anong belief nila, kasi si Lord lng naman talaga ang healer.
Lahat din naman mamamatay, kung mauna sila atlis alam nila kung saan sila pupunta. lumayo ka kung ayaw mahawa 👍
 
Last edited:
Ako covid19 survivor:
ubo na may plema . Tas lagnat na pabalik balik . Nahirapan huminga. Walang pang amoy kahit perfume at walang panlasa kahit sibuyas pa yan. At ang matindi halos hindi makatayo at makalakad kasi ang tuhod walang lakas

Mag ingat kayo ts. Huwag nyo na paabotin sa ganyan sitwasyon ang may sakit sa inyo
 
Last edited:
Uso ang lagnat ngayon halos lahat nga ng tao masama pakiramdam. btw get well soon sa kapatid mo. Healing for everyone
 
Eto masabi ko sayo TS, prone talaga sa COVID pg di ka or kayo vaccinated. Dapat ipa check up ✔️ mo kapatid mo if after 3 or more than days still may sakit pa rin xa. Swab test lang naman yan or RT-PCR test. Wag po kayo matakot if u want to extend your life lines. Just for my suggestion ✌️🕊️
 
Hindi porke vaccinated na eh safe na. Nakasalalay pa rin sa immune system yan kaya kelangan palakasin. Andami nga asymptomatic di ba dahil malalakas immune system nila.

Yun kapatid mo vaccinated pero maysakit? Malamang bagsak immune system niya. Painumin mo siya ng immunpro. Kaya nga advice ngayon ng mga doctor take ng vitamin C with zinc as maintenance para lumakas resistensya.
 
di yan covid, flu lng yan. makinig ka nlng sa kanila ,huwag maging negative think 👍
di porket di sila vaccinated nagkakaroon kana agad ng idea na infected sila ng covid, masyado kang OA, hayaan mo sila kung anong belief nila, kasi si Lord lng naman talaga ang healer.
Lahat din naman mamamatay, kung mauna sila atlis alam nila kung saan sila pupunta. lumayo ka kung ayaw mahawa 👍

Ganun ba? Bakit after ng kapatid ko, nilagnat din ang isa kong kapatid. Anim kase kaming magkakapatid. Inuubo din siya. So nakakahawa ba ang flu?

Kailangan ninyong magpaRT-PCR para malaman kung Covid yan.

Ayaw nga e. Parang walang initiative na gawin. Sabi, gagaling naman daw siya. Sinisi pa nga ang vaccination, sabi, dahil lang sa vaccine ay nilagnat daw siya.

Ako covid19 survivor:
ubo na may plema . Tas lagnat na pabalik balik . Nahirapan huminga. Walang pang amoy kahit perfume at walang panlasa kahit sibuyas pa yan. At ang matindi halos hindi makatayo at makalakad kasi ang tuhod walang lakas

Mag ingat kayo ts. Huwag nyo na paabotin sa ganyan sitwasyon ang may sakit sa inyo

...pero kapag nawala na ang lagnat, ang ibig sabihin ba nun ay wala na rin covid? A! Hindi ko rin alam kase e. Incapable ako mag voice out patungkol sa kapatid ko dahil wala atang gustong makinig sa akin. Parents ko lang ang meron kakayahan mag control katulad sa pagdidisisyon kung ano dapat gawin sa kapatid ko.

Sa part ko ay puros worried lang naman at puros iwas dahil nalaman ko na meron lagnat ang kapatid ko dahil hindi ko sure kung covid ang kanya o hindi.

Hindi porke vaccinated na eh safe na. Nakasalalay pa rin sa immune system yan kaya kelangan palakasin. Andami nga asymptomatic di ba dahil malalakas immune system nila.

Yun kapatid mo vaccinated pero maysakit? Malamang bagsak immune system niya. Painumin mo siya ng immunpro. Kaya nga advice ngayon ng mga doctor take ng vitamin C with zinc as maintenance para lumakas resistensya.

Sabi kase, kapag vaccinated daw, magka covide man ang tao ay hindi ganun kalala unlike sa hindi vaccinated na posibilidad lumala ang sakit. May chance pa daw maka survive ang tao na vaccinated kaysa sa tao na hindi vaccinated pero iyon lang naman ang information na nakuha ko pero sa parents ko, ayaw talaga nila ng vaccination at meron silang rason kung bakit. Naiintindihan ko naman, kaya lang, iniisip ko kase ay protection ba kung sakaling meron nagka covide isa sa amin family.
 
Last edited:
Ganun ba? Bakit after ng kapatid ko, nilagnat din ang isa kong kapatid. Anim kase kaming magkakapatid. Inuubo din siya. So nakakahawa ba ang flu?
Yes, to answer your question. The flu virus is infectious.

Tip po: Kung mataas lagnat ng kapatid mo, basain mo ng suka (eg. silver swan) ang ulo. Bababa yung lagnat. First aid po yan.
 
Last edited:
Kapag pabalik balik ang lagnat ng kapatid mo, mag ingat na kayo at ipa isolate nyo na siya, magsalita karin magtanong ka sa parents mo kung gumaling naba o bumalik yong lagnat nya
 
"e there is a possibility na mag suggest sa amin lahat na magpaturok kami ng vaccine."

Kung merong covid yung kapatid mo ay i-u-undergo din kayo malamang sa RT-PCR test para malaman kung nahawaan kayo. Hindi kaagad kayo tuturukan ng vaccine, merong interval bago puwedeng turukan ng vaccine yung mga nagkaroon ng covid.

Pinakamainam para malaman ninyo kung may covid ay magpatest, huwag ka maniwala sa mga nagsasabi dito na "flu" lang yan, malalaman lang yan sa test.
 
Kapag pabalik balik ang lagnat ng kapatid mo, mag ingat na kayo at ipa isolate nyo na siya, magsalita karin magtanong ka sa parents mo kung gumaling naba o bumalik yong lagnat nya
Yung una ko kapatid ay nawala na ang lagnat pero kinabukasan nun, pangalawang kapatid ko ang nilagnat at ito ngayon gabi, ang nilagnat naman ay ang pangatlo kong kapatid at nang nag suggest ako sa parents ko na e RT-PCR test sila, ayaw naman. Medio nainis pa nga sa akin at sabay sabi na lahat kami magkakacovid kapag nagpa RT-PCR Test daw. Tumahimik na lang ako.

Sana malaman ko kung meron bang covid o wala kahit nasa house lang since ayaw naman nila ang suggestion ko.
 
Last edited:
Uso lagnat at sipon ngayon dahil sa biglang lamig ng panahon. Tamang pahinga at kumain ng masustansyang pagkain. Wala akong sipon at ubo pero parang lalagnatin lng nawawala din naman kinabukasan.
 
Bili ka lang ng paracetamol tapos ipainom mo every 6hrs then vitamin C twice a day un 500mg. Kung with zinc once a day lang.

Nakakatulong ang Vitamin C. Anim nga ipinainom. Diyan nawala ang lagnat ng kapatid ko na isa. Dati, nakalagnat siya sa apartment niya. Same sila ng kasama niya. Nagpa check up ang dalawa. Ang kapatid ko ay walang covid pero ang kasama niya ay meron covid. Nawala naman ang lagnat ang dalawa ng painumin ng vitamin C pero ang roommate niya ay meron covid pa rin. Pinaquarantine nga ng doctor e.

Nang natapos na mag quarantine ang kapatid ko, lumipas ng ilan buwan, umuwi dito. Then ang isang kapatid ko ay saka nilagnat, then, pangalawa kong kapatid, pangatlo kong kapatid ko at ngayon ay ang mama ko.

Ang kapatid ko na una, sabi, nawala na ang lagnat niya. Ang pangalwa kong kapatid, hindi sinasabi na may lagnat siya- nalaman nang namin ng tanungin siya ng parents namin pagkatapos ang pangatlo kapatid ko, nilagnat din and since mother ko tagabigay ng kung ano-ano remedy sa kapatid ko, nilagnat din ang mother ko.... alam na ng parents ko ang patungkol sa vitamin C. Mother ko nga na nag suggest na vitamin C at paracetamol daw ang inumin e.

Ayaw ko na ma worried. Bahala na sila sa buhay nila. Wala na ako magagawa.

Ayaw ko maghabol sa isang sitwasyon na gusto ko mangyari kung alam ko naman sa huli ay walang mangyayari.

Ayaw ko magkaroon ng guilt sa sarili ko kung ano ang mangyayari sa kanila.

Hindi naman ako parents. Taga sunod lang ako sa ipinag uutos nila sa amin dahil parents nga sila.
 
alam niyo din pala ang vitamin C. Effective talaga ang large dose ng vitamin C pero hindi ko madalas isuggest dahil inaaway lang ako hahaha
Pag kasi may lagnat eh at least 2000mg ng vitamin C dapat itake. Hindi ito basta basta makukuha sa food dahil kung sa food mo kukunin ito eh kelangan kumain ng maraming fruits at veggies. As in marami, in kilograms haha.
 
"e there is a possibility na mag suggest sa amin lahat na magpaturok kami ng vaccine."

Kung merong covid yung kapatid mo ay i-u-undergo din kayo malamang sa RT-PCR test para malaman kung nahawaan kayo. Hindi kaagad kayo tuturukan ng vaccine, merong interval bago puwedeng turukan ng vaccine yung mga nagkaroon ng covid.

Pinakamainam para malaman ninyo kung may covid ay magpatest, huwag ka maniwala sa mga nagsasabi dito na "flu" lang yan, malalaman lang yan sa test.

Gusto ko sana malaman kung meron covid o wala. E. Ayaw naman makinig sa akin. Prevention ba is better than cure para malaman kung meron covid o wala- iba kase beliefs nila.

Ganun nangyari sa buong family on YøùTùbé. Documentary about misinformation na kumakalat na patungkol sa covid. Hindi naniniwala ang buong family sa covid. Isip lang daw iyon.

Pagkatapos isa-isa sila nagkasakit. Buong family nagkasakit sabay meron pala covid. Ang dalawang grandparents nila ay namatay.

Ayaw ko na magparticipate ng mga ganyan. It seems wala na ako control sa mga ganyan e. Wala ako control.

alam niyo din pala ang vitamin C. Effective talaga ang large dose ng vitamin C pero hindi ko madalas isuggest dahil inaaway lang ako hahaha
Pag kasi may lagnat eh at least 2000mg ng vitamin C dapat itake. Hindi ito basta basta makukuha sa food dahil kung sa food mo kukunin ito eh kelangan kumain ng maraming fruits at veggies. As in marami, in kilograms haha.

Effective siya. 6 vitamin C pa nga pero prevention lang siya para hindi lumala pero kapag gagawin gamot- iyon ang hindi ko alam dahil meron side effects kapag more than 2000 grams ata iinumin. Though okay lang na maraming vitamin C, meron siya side effect. Diaarhea lang naman. Tae lang ng tae.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top