What's new

Papaano Malalaman Kung May Covid19 Ang Tao Na Di Nagpapa Check Up sa Doctor? Di Pa Naman Kami Vaccinated Uy.

Status
Not open for further replies.
Papaano ba malalaman kung may covid19 ang kapatid ko o wala? E lahat pa naman kami dito ay hindi vaccinated? Ako, gusto ko magvaccinated para maging safe ako pero at the same time, gusto ko ipamulat sa family ko kung ano kahalagahan ng vaccination, kaya lang, less verbal ako at walang kakayahan magsalita dahil talo ako sa majority of family ko na ayaw magpa vaccine.

Ngayon, nilagnat ang kapatid ko. Kahapon lang. Bale 2 days. Nagkataon na vaccinated siya dahil required sa trabaho niya. Sa takot ng parents ko, inutusan siya na huwag lumabas ng room. Meron din siyang ubo.

Ayaw naman din e pa check up sa doctor at I have a feeling din na parang ayaw din e pa check up sa doctor ang kapatid ko. Ang naiisip ko na baka ayaw lang malaman ang truth na meron covid19 ang kapatid ko (isip ko lang naman iyon) dahil kung may covid19 ang kapatid ko sakali, e there is a possibility na mag suggest sa amin lahat na magpaturok kami ng vaccine.

Andoon ang fight at flight coping strategies ko against hate with myself and fight at flight coping strategies ko against blaming my religious family dahil mas pinaniniwalaan nila ang anti vaccine.

Ang ginagawa lang ay ang self remedy katulad ng prutas at lots of vitamin c and hindi ko malaman kung may covid19 o wala ang kapatid ko.

2 days palang kase na sana nawa mawala na ang lagnat niya tomorrow with the use of self-remedy at home pero still, papaano ba malalaman kung may covid19 ang kapatid ko o wala na hindi na kinakailangan mag pa check up sa doctor?

Nilalagnat daw siya at inuubo. Siya ang madalas lumabas ng bahay dahil sa trabaho niya.
 
Last edited:
Lagnat, sakit ng katawan, di matapos tapos na ubo, tapos kawalan ng panlasa. Diyan ka na po magduda kasi baka may covid na po yan

Salamat. Meron ako lagnat ngayon. Nahawaan ako pero lahat ng nagkasakit sa amin ay gumaling. Masakit lang ang binti ko. Kumikirot. Once lang. Pang second day ko na po. Baka flu lang ito, sana.
 
Kinuhanan ng swab test ang kapatid ko. Required daw sa trabaho nila. Ang sama ng balita. Positive ang kapatid ko sa covid. Ang ikinaganda nun is vaccinated po siya. 4 sa amin ang vaccinated. 4 sa amin ang hindi vaccinated so tulong. Mamamatay ba kami na hindi vaccinated? Ayaw ko pa mamatay huh? Sana nagvaccinated na lang kami ng apat para maging safe kami.
 
Eto masabi ko sayo TS, prone talaga sa COVID pg di ka or kayo vaccinated. Dapat ipa check up ✔️ mo kapatid mo if after 3 or more than days still may sakit pa rin xa. Swab test lang naman yan or RT-PCR test. Wag po kayo matakot if u want to extend your life lines. Just for my suggestion ✌️🕊️
Vaccinated nga daw kapatid nya na may lagnat. Silang Hindi vaccinated walang sintomas.
 
Pina quarantine kami at sabay social distancing kaming lahat ng family. Prevention than cure. Positive ang kapatid ko sa covid. Wala ako vaccine but based on my experience ay nilagnat din ako pero naka survive ako sa lagnat. One day lang ang akin. Ang dami-dami ko ipinag-iinum. Nawala ang ubo ko na matigas ang ubo ko talaga pero naramdaman ko na hindi ako naubo nang uminom ako dahil sa tatlong vitamin c. Ang vitamin c ay 500 mg siya pero ayaw ko lumampas sa 2000 mg ng vitamin c. Ayaw ko magkaroon ng diarrhea kase e. Hindi maganda kapag more than 2000 mg ang iinumin na vitamin c pero kapag hindi ako uminom ng vitamin c, halimbawa nag stop ako, bumabalik ang ubo ko. Kumakati ang lalamunan ko.

4 sa amin ang vaccinated. 4 sa amin ang hindi vaccinated din. Tatlong vaccinated ang nilagnat pero gumaling pero ang isa ay hindi nilagnat which is father ko. Vaccinated ang father ko which is inubo lang pero never ever nilagnat. Pagkatapos 4 sa amin ang hindi vaccinated which is kami lahat ay inubo. Tatlo sa amin ang nilagnat kasama ako. Ang isa sa amin na hindi vaccinated ay hindi nilagnat. Panay ubo lang din.

Anyway, gusto ko malaman kung meron ako covid o wala pero pinapipigil ako. Ayaw nila. Mas mabuti daw na huwag alamin. Sabi nga, dapat raw hindi nagpa swab test ang kapatid ko para hindi na malaman na positive sa covid ang kapatid ko para mamuhay daw kami ng normal.

Dami nga nagtext sa amin. Mag pa vaccine na daw kami for protection. Meron word of honor kase, talaga pinanindigan isa sa amin na no vaccine kami lahat.

Ang gusto ko sana ay magpa test kami lahat para malaman kung sino ang meron covid o wala. Ang nagpa swab test lang kase ay ang kapatid ko. Positive siya. Siya lang ang nagpa swab test.
 
Vaccinated ka man o hindi kaya kang tamaan ng covid, may mga symptoms naman ang covid kahit hindi ka mag pa checkup alam mo na sa sarili mo yun and the fact is trangkaso lang naman yan
 
wag mo na po alamin dahil kailangan po ng test dyan.. pahinga nalang kayo kung may nararamdaman. at inom ng gamot if may sakit
 
my nabibiling covid testing kit ngayon ts. try nyo if gusto nyo privacy muna . kami lahat vaccinated na w booster shot pa kaya di kami ganun ka takot sa covid . pero its your choice to decide about that matter .
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top