- Joined
- Jun 26, 2021
- Posts
- 3,136
- Solutions
- 12
- Reaction
- 5,686
- Points
- 1,480
PLEASE RESPECT MY POST
Naitanong ko lang, kasi ilang taon na akong palipat-lipat ng trabaho since 2015 at hanggang sa bumalik na ako sa sariling probinsya dahil sa pandemic. Lumaking pinapabayaan ng magulang at nagsumikap mag-isa. Lahat ng napapasukang trabaho/ negosyo nagsasara o kaya'y nalulugi. Failed din lahat ng relasyon ko. To be honest, for so many years na dumaan, I feel so small kahit college graduate ako, may itsura din naman, physically fit, maabilidad at may talino. At present, walang wala na talaga at nakikitira sa kakilala. Few nga lang din pala natitirang kaibigan ko. Ilang buwan na rin, may naririnig na nga ako sa mga kasambahay kahit masipag naman ako rito. Over staying na kasi ako. Ayokong maging pabigat at kahit ano pinapasukan ko na lang. Nalubog pa ako ng utang. Lahat ng tinulungan ko at may utang sa akin kung pagsasamahin ko 100k na rin yun, nawala nang parang bula. Nawala na ata sa akin ang lahat. Matatapos na ang Year 2021. Kung pagbabasehan sa Chinese Horoscope, ipinanganak nga pala akong White Earth Dragon. Bakit wala akong swerte? Malas ba ako?
P.S. Nandito nga pala ako sa PHCorner para sumubok ng kung anu-ano at makalimot kahit papaano sa hirap ng buhay. Nagpapasalamat talaga ako ng malaki na may PHCorner
P.S. Nandito nga pala ako sa PHCorner para sumubok ng kung anu-ano at makalimot kahit papaano sa hirap ng buhay. Nagpapasalamat talaga ako ng malaki na may PHCorner
Last edited: