What's new

Pedro at si Juan

Khael18

Honorary Poster
Joined
Jun 10, 2016
Posts
358
Reaction
59
Points
156
Age
29
Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.

Pedro: What is more important? Heart or Mind?

Juan: Spanish!!!

---------------------


Teacher: Juan i-english mo eto.

Juan: Wat mam?

Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang nglakad"

Juan: "The wak wak weak weak wok wok.

---------------------

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Pedro: Ganun ba?

Kuha ka na, kahit ilan!

May langka pa doon!

---------------------

Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! "SHA" daw ang palayaw niya!

Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(after eyebol, pedro went home...)

Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Pedro: dioniSHA pare!dioniSHA!

---------------------

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo,

tumalon sa eroplano nang walang parachute!

Juan: Ohh, totoo?

Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

---------------------

Usapan ng dalawang mayabang...

Pedro:Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.

Juan: Alam ko.

Pedro: Ha? Paano mo nalaman?

Juan: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

---------------------

Juan: Kumusta ang assignment?

Pedro: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.

Juan: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

---------------------

Juan: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!

Pedro: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?

Juan: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!

---------------------

Dok: May taning na ang buhay mo.

Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?

Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.

Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?

Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

---------------------

Juan: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?

Pedro: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay water! At ang CO2... cold water.

---------------------

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.

Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin kung may basketbol sa langit.

Naunang namatay si Juan.

Isang gabi, may narinig na boses si Pedro na parang kay Juan.

"Ikaw ba 'yan, Juan?" usisa ni Pedro.

"Oo naman!" tugon ni Juan.

"Parang hindi totoo!" bulalas ni Pedro.

"O, ano, meron bang basketbol sa langit?" Sabi ni Pedro

Sagot ni Juan, "May maganda at masama akong balita sa 'yo.

Ang maganda, may basketbol doon.

Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!" (ngek!)

---------------------

Usapan ng dalawang bata...

Juan: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean , siya ang humukay nun!

Pedro: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea ?

Juan: Oo...

Pedro: Siya ang pumatay nun!

---------------------

Stewardess: Do you want a drink, sir?

Sir Juan: What are my choices?

Stewardess: Yes or No.

---------------------

Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!

Juan: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa 'yo!

---------------------

Sa isang classroom...

Titser: Class, what is ETHICS?

Pedro: Etiks are smaller than ducks.

Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

---------------------

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.

Pedro: Baligtad yata?

Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

---------------------

Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano raw ang propesyon mo.

Juan: Sabihin mo, cardiologist.

Anak: Ano po ba ang c
 

Similar threads

Back
Top