What's new

Trivia Pinangakuan ba ni Jesus ng Buhay sa Langit ang Manggagawa ng Kasamaan?

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Pinangakuan ba ni Jesus ng Buhay sa Langit ang Manggagawa ng Kasamaan?

Ang tanong na iyan ay bumangon dahil sa pangako ni Jesus na mabubuhay sa Paraiso ang katabi niyang kriminal na pinarusahan din ng kamatayan. Sinabi ni Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Makakasama kita sa Paraiso.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pansinin na hindi sinabi ni Jesus kung nasaan ang Paraisong iyon. Ibig bang sabihin ni Jesus, makakasama niya sa langit ang kriminal?

Una, tingnan natin kung kuwalipikadong mabuhay sa langit ang kriminal na iyon. Ang mga taong aakyat sa langit ay dapat bautismuhan sa tubig at sa banal na espiritu. Sila ay dapat na inianak-sa-espiritung mga alagad ni Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa pa, dapat silang makasunod sa pamantayang moral ng Diyos at makapagpakita ng mga katangiang gaya ng katapatan, integridad, at pagkamahabagin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dapat din silang maging tapat sa Diyos at kay Kristo hanggang kamatayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag naabot nila ang mga kahilingang iyan, saka lang sila nagiging karapat-dapat buhaying muli at kuwalipikadong bumalikat ng mabibigat na pananagutang naghihintay sa kanila sa langit—ang maglingkod bilang mga saserdote at haring kasama ni Kristo sa loob ng isang libong taon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa kabaligtaran, ang manggagawa ng kasamaan na katabi ni Jesus ay namuhay na isang kriminal at namatay na isang kriminal. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, naging magalang siya nang sabihin niya kay Jesus: “Alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero hindi siya naging bautisado, inianak-sa-espiritung alagad ni Jesus, at hindi rin niya napatunayang isa siyang matuwid at tapat na tao. Makatuwiran bang isipin na pinangakuan siya ni Jesus na maging hari sa langit kasama ng tapat niyang mga tagasunod?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bilang ilustrasyon: Kapag humingi ng tawad sa iyo ang taong nagnakaw ng pera mo, baka hindi mo na siya idemanda. Pero ipagkakatiwala mo ba sa kaniya ang negosyo mo o ang iyong pamilya? Ang gayong mga pananagutan ay tiyak na ibibigay mo lang sa mga pinagkakatiwalaan mo. Sa katulad na paraan, dapat mapatunayan ng mga binigyan ng pag-asang mabuhay sa langit na mapagkakatiwalaan sila sa pagtataguyod ng matuwid na mga pamantayan ng Diyos kapag namahala na sila sa mga tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bagaman taimtim ang manggagawa ng kasamaan sa kaniyang pakiusap, hindi niya napatunayang mapagkakatiwalaan siya.

Pero hindi ba’t sinabi ni Jesus sa kaniya na isasama niya siya sa langit noong mismong araw na iyon? Imposible iyon, dahil si Jesus mismo ay hindi naman umakyat sa langit nang araw na iyon. Sa halip, siya ay ‘napasapuso ng lupa’—sa libingan—sa loob ng tatlong araw. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At kahit binuhay na siyang muli, nanatili pa rin siya sa lupa nang 40 araw. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya imposibleng nakasama ni Jesus sa langit nang araw na iyon ang kriminal.

Kung gayon, saang Paraiso pupunta ang kriminal? Matapos buhaying muli, siya ay pupunta sa makalupang Paraiso, na pamamahalaan ni Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.)
 
Hindi ko binasa lahat paps, hindi tungkol sa kriminal ang konteksto na sinabi ni Jesus na makakasama niya ang kriminal (hindi sinasabing literal na mga kriminal na tao ang isasama niya) kundi ay ang paniniwala at pananampalataya, nasa bring of death na yung kriminal and mostly sa mga ganyang sitwasyon ay mga nagsisisi na. Espirito ang bumalot sa puso ng kriminal upang maniwala at sumampalataya kay Jesus ng mga panahon na iyon.
 
Pero sino ang kausap ni Jesus ng panahong iyon? sarili niya o yung kriminal na nagpakita ng pananampalataya sa kaniya kahit sa huling pagkakataon?
 
Malalim ang sinabi ng kriminal kay Jesus, medyo deep w/ emotions. yah know what i mean. Buhay na pinagsisisihan niya na. Tsaka paano mo nasabi na hindi makakasama ni Jesus ang kriminal? Imposible ba yon? Ibig sabihin hindi sincere si Jesus sa kanyang sinasabi?
Mas imposible yang sinasabi mo, nagkakaroon ng another path story yang context mo

Pero sino ang kausap ni Jesus ng panahong iyon? sarili niya o yung kriminal na nagpakita ng pananampalataya sa kaniya kahit sa huling pagkakataon?
yung kriminal na katabi niya
 
Malalim ang sinabi ng kriminal kay Jesus, medyo deep w/ emotions. yah know what i mean. Buhay na pinagsisisihan niya na. Tsaka paano mo nasabi na hindi makakasama ni Jesus ang kriminal? Imposible ba yon? Ibig sabihin hindi sincere si Jesus sa kanyang sinasabi?
Mas imposible yang sinasabi mo, nagkakaroon ng another path story yang context mo
Hindi mo po kasi binasa yung buong post eh .. Hindi mo tuloy maunawaan ng tama ..

Si Jesus na nga nagsabi at Bibliya na nagsabi na ang makapapasok sa Kaharian ng langit ay dapat na binautismuhan sa tubig .. Tanong: binaustimuhan ba sa tubig yung kriminal o nagsisi lang siya?
 
sabagay may conflict, pero i think as is iyon kay Jesus. Sorry i have no words to argue nor biblical verses. Yun lang kasi paniniwala ko hehe
 
sabagay may conflict, pero i think as is iyon kay Jesus. Sorry i have no words to argue nor biblical verses. Yun lang kasi paniniwala ko hehe
Ok po .. Pero ayon kasi sa sinabi ni Jesus at ng Bibliya, na dapat na ang isa ay mabautismuhan muna sa tubig at sa espiritu upang makasama niya sa Kaharian ng langit ..

Wala naman akong sinabi na 'hindi sincere' yung sinabi ni Jesus sa kriminal .. Sincere 'yon .. Pero kontra kasi sa sinabi ni Jesus ang pagbibigay niya ng pangako sa kriminal na makasama niya ito sa Paraiso kung may sinabi siyang kuwalipikasyon ng mga taong makakasama niya sa kaharian ng langit na dapat mabautismuhan sa tubig at sa espiritu ..

No need to argue naman .. pinapaliwanag lang naman natin side ng isa't-isa para maituwid kung anuman maling unawa sa teksto ..
 
Back
Top