Pa help naman po
Itagalog mo po muna yung explanation mo saka mo po i-convert sa english. Mas madadalian ka po dun. Then add example po, yung makakarelate yung mga kaklase mo.
For example po, ang korapsyon ay maling pag-gamit ng isang tao sa kanyang awtoridad. In other words, maaring ito ay pag-gamit ng isang tao sa kanyang posisyon para lamang sa kanyang pansariling interes o kapakanan. Iba iba po ito pero yung sayo kasi is Political, ibig sabihin inside politics lang.
Bribery - Panunuhol. Dito po parehong party ang nag-agree based sa kanilang napagkasunduan.
Example of Bribery - Isang politiko ang nanuhol kapalit ng boto. Yung sinuhulan niya, hindi niya pinilit. Pareho silang nag-agree sa terms.
Politiko: oh 500, basta iboto mo ako. Sinuhulan: Cool, taasan mo pa gusto ko isang libo.
Politiko: Deal.
Extortion - Pananakot po yata ito.
Example - Isang politiko ang nanuhol kapalit ng boto. Pero di pumayag yung sinuhulan. So tinakot nung politiko (eg. ipapakulong) yung sinuhulan para iboto siya.
Politiko: oh 500, basta iboto mo ako.
Sinuhulan: Ayoko, hindi ko ipinagbibili ang boto ko
Politiko: Ah ayaw mo ha, ipapakulong kita at papatayin ang pamilya mo.
Embezzlement - Paggamit po ng isang bagay (e.g pera) na hindi sayo na gagamitin sa sariling kapakanan po.
Halimbawa - Isang politiko, ginamit niya ang pera ng bayan para ipang-bili niya ng mansyon.
Kindly correct me if mali pagkakaintindi ko.