What's new

Posible ang Pag-ibig sa Kapuwa

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
IPINAKITA ni Jesu-Kristo sa ilustrasyon ng Samaritano kung ano talaga ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa kapuwa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagturo rin si Jesus: “ ‘Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong isip.’ Ito ang pinakadakila at unang utos. Ang ikalawa, na nakakatulad, ay ito, ‘Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tulad ng maraming tao, nahihirapan ka ba na ibigin ang iyong kapuwa na hindi mo kalahi? Marahil ay gayon nga dahilan sa natutuhan mo o personal na nakaranas ka ng masamang pakikitungo at pang-aapi. Ikaw o ang iyong mga mahal sa buhay ay baka nakaranas ng pang-aabuso buhat sa mga tao ng ibang lahi.

Yamang binanggit ni Jesus na isa sa mga utos ng Diyos ay ang ibigin natin ang ating kapuwa, tiyak na maaaring madaig natin ang gayong matitinding damdamin. Ang susi sa paggawa ng gayon ay ang malasin ang mga tao na gaya ng pangmalas ng Diyos at ni Kristo. Sa bagay na ito isaalang-alang natin ang halimbawa ni Jesus at ng sinaunang mga Kristiyano.

Ang Mainam na Halimbawa ni Jesus

Ang mga Judio noong unang siglo ay namumuhi sa mga Samaritano, mga taong naninirahan sa isang lugar sa pagitan ng Judea at Galilea. Minsan may pag-alipustang nagtanong kay Jesus ang mga Judiong mananalansang: “Hindi ba tama ang aming pagkasabi na, Ikaw ay isang Samaritano at mayroon kang demonyo?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Napakatindi ng pagkamuhi nila sa mga Samaritano anupat ang ilang Judio ay hayagang nanunungayaw sa mga Samaritano sa mga sinagoga at nananalangin araw-araw na huwag pagkalooban ang mga Samaritano ng buhay na walang-hanggan.

Ang pagkaalam sa ganitong matinding pagkapoot ang tiyak na nag-udyok kay Jesus na ibigay ang ilustrasyon tungkol sa Samaritanong nagpatunay na siya’y isang tunay na kapuwa dahil sa pag-aasikaso sa lalaking Judio na ginulpi ng mga mandarambong. Papaano kaya sinagot ni Jesus ang tanong ng lalaking Judio na may kaalaman sa Kautusang Mosaico: “Sino bang talaga ang aking kapuwa?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Buweno, maaaring tumugon si Jesus nang tuwiran sa pagsasabing: ‘Ang iyong kapuwa ay hindi lamang ang iyong kapuwa Judio kundi pati ang ibang tao, maging siya’y isang Samaritano.’ Gayunman, mahihirapan ang mga Judio na tanggapin iyon. Kaya inilahad niya ang ilustrasyon tungkol sa isang Judio na kinaawaan ng isang Samaritano. Sa gayo’y tinulungan ni Jesus ang mga Judiong tagapakinig na manghinuha na ang tunay na pag-ibig sa kapuwa ay aabot hanggang sa mga di-Judio.

Si Jesus ay walang damdaming laban sa mga Samaritano. Minsan nang naglalakbay sa Samaria, nagpahinga siya sa tabi ng isang balon samantalang ang kaniyang mga alagad ay naparoon sa kalapit na lunsod upang bumili ng pagkain. Nang isang babaing Samaritana ang dumating upang sumalok ng tubig, kaniyang sinabi: “Painumin mo ako.” Yamang hindi nakikitungo ang mga Judio sa mga Samaritano, ang babae ay nagtanong: “Papaano ngang ikaw, na isang Judio, ay humihingi ng maiinom sa akin, gayong ako’y isang babaing Samaritana?” Nang magkagayo’y nagpatotoo sa kaniya si Jesus, hanggang sa sabihin niyang siya na nga ang Mesiyas. Tumugon siya (ang babae) sa pamamagitan ng pagpunta sa lunsod at pagtawag sa iba na pumaroon at makinig sa kaniya (kay Jesus). Ano ang resulta? “Marami sa mga Samaritano sa lunsod na iyon ang sumampalataya sa kaniya.” Anong inam na resulta ng hindi pagtulad ni Jesus sa ipinakitang saloobin ng kaniyang mga kababayang Judio!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi

Layunin ng Diyos na si Jesus ay mangaral unang-una sa mga Judio, “ang mga tupang nangaligaw sa sambahayan ng Israel.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Samakatuwid, ang kaniyang unang mga tagasunod ay mga Judio. Subalit tatlong taon lamang pagkatapos ibuhos ang banal na espiritu noong Pentecostes 33 C.E., nilinaw ni Jehova na nais niyang ang paggawa ng alagad ay palawakin ng mga Judiong mananampalataya hanggang sa mga tao ng mga bansa, ang mga Gentil.

Para sa isang Judio, napakahirap magpakita ng pag-ibig sa isang Samaritano gaya ng pag-ibig sa sarili. Magiging lalong mahirap na magpakita ng pag-ibig sa kapuwa sa di-tuling mga Gentil, mga taong mas malaki ang agwat sa mga Judio kaysa mga Samaritano. Sa komento tungkol sa saloobin ng mga Judio sa mga Gentil, ganito ang sabi ng The International Standard Bible Encyclopaedia: “Ating masusumpungan, sa panahon ng B[agong] T[ipan], ang sukdulang pagkamuhi, paghamak at pagkapoot. Sila [ang mga Gentil] ay itinuring na karumaldumal, na hindi karapat-dapat pakitunguhan na gaya ng mga kaibigan. Sila ay mga kaaway ng Diyos at ng Kaniyang bayan, na pinagkaitan ng kaalaman sa Diyos maliban sa sila’y naging mga proselita at magkagayon man, gaya noong sinaunang panahon, sila ay hindi tinatanggap nang lubusan bilang mga kasamahan. Ang mga Judio ay binabawalan na magpayo sa kanila, at kung sila’y magtatanong ng tungkol sa Diyos, sila ay dapat na sumpain.”

Bagaman marami ang may ganitong paniwala, pinangyari ni Jehova na magkaroon si apostol Pedro ng pangitain na doon siya ay sinabihan na ‘huwag na niyang tawaging karumaldumal ang mga bagay na nilinis ng Diyos.’ Pagkatapos ay inakay siya ng Diyos sa tahanan ng Gentil na si Cornelio. Si Pedro ay nagpatotoo tungkol sa Kristo kay Cornelio, sa kaniyang pamilya, at sa iba pang mga Gentil. “Tunay ngang talastas ko,” sabi ni Pedro, “na ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang taong may takot sa kaniya at gumagawa ng matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya.” Samantalang nangangaral pa si Pedro, ang banal na espiritu ay nabuhos sa bagong mga mananampalataya na pagkatapos ay nangabautismuhan at naging ang mga unang Gentil na tagasunod ni Kristo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang ganitong pangyayari ay tinanggap ng mga tagasunod na Judio, sa pagkatanto na ang utos ni Jesus na “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng bansa” ay hindi para sa mga Judio lamang sa lahat ng bansa kundi kasali ang mga Gentil. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pagkatapos madaig ang anumang damdaming laban sa mga Gentil na maaaring taglay pa nila, sila’y masigasig na nag-organisa ng isang kampanya sa pangangaral upang gumawa ng mga alagad sa mga bansa. Wala pang 30 taon ang nakalipas, masasabi na ang mabuting balita ay naipangaral na “sa lahat ng nilalang sa silong ng langit.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang nanguna sa pangangaral na ito ay si apostol Pablo, na isang Kristiyanong buhat sa lahing Judio. Bago naging isang tagasunod ni Kristo, siya’y isang masigasig na miyembro ng relihiyosong sekta ng mga Pariseo. Hamak ang tingin nila hindi lamang sa mga Gentil kundi pati sa karaniwang mga mamamayan na kanilang kababayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit hindi pinahintulutan ni Pablo na ang mga paniniwalang iyon ay pumigil sa kaniya sa pagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa. Sa halip, siya’y naging “isang apostol sa mga bansa [mga Gentil],” na itinalaga ang kaniyang buhay sa paggawa ng mga alagad sa buong lupain sa Mediteraneo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa pagganap ng kaniyang ministeryo, si Pablo ay pinagbabato, binugbog, at ibinilanggo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang gayon bang kabagsikan ay nagdulot sa kaniya ng kapaitan at naisip niya na kaniyang inaaksaya ang kaniyang panahon sa ilang bansa at mga lahi? Hindi. Batid niya na may tapat-pusong mga tao na matatagpuang nakakalat sa maraming lahi noong kaniyang kaarawan.

Habang nakakasumpong si Pablo ng mga Gentil na handang turuan tungkol sa mga daan ng Diyos, sila’y napamahal sa kaniya. Halimbawa, siya’y sumulat sa mga taga-Tesalonica: “Naging malumanay kami sa inyo, tulad ng isang nagpapasusong ina na nagmamahal sa kaniyang sariling mga anak. Kaya, dahil sa aming magiliw na pagmamahal sa inyo, ganiyan na lamang ang aming kagalakan na ibahagi sa inyo, hindi lamang ang mabuting balita ng Diyos, kundi pati ang aming sariling mga kaluluwa, sapagkat kayo ay napamahal na sa amin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinapakita ng ng taos-pusong mga salitang ito na talagang inibig ni Pablo ang mga Gentil sa Tesalonica at hindi pinayagang ang anuman ay makasira sa kagalakan ng isang mabuting kaugnayan sa kanila.

Ang Pag-ibig sa Kapuwa ay May Kalakip na Gawa

Sa ngayon, tulad noong unang siglo, nililinang niyaong mga umuugnay sa kongregasyong Kristiyano ang pag-ibig sa kapuwa para sa mga tao ng lahat ng lahi. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng isang maka-Diyos na pagkakilala sa iba at pagdadala sa kanila ng mabuting balita ng Kaharian, nagkaroon ang tunay na mga Kristiyano ng malawak na pagkaunawa sa mga tao na marahil ay hindi nila makikilala kundi sa ganoong paraan. Sila’y mayroon pang pagmamahal sa kapatid ukol sa kanila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ito’y maaaring maging karanasan mo rin.

Ang gayong pag-ibig ay umiiral sa gitna ng mga Saksi ni Jehova, bagaman sila’y matatagpuan sa 229 na lupain at kumakatawan “sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang isang pangglobong kapatiran, sila’y nagkakaisa sa pagsamba kay Jehova, sa pagtanggi nila na sumali sa mga alitan at labanan ng mga lahi, at sa pagtanggi nila sa pagtatangi na pumapawi ng masiglang kaugnayan ng mga tao sa kanilang kapuwa.

Makisama sa mga Saksi, at masasaksihan mo kung papaanong ang mga tao sa lahat ng lahi ay gumagawa ng kalooban ng Diyos. Makikita mo ang pag-ibig sa kapuwa na may kalakip na gawa samantalang kanilang inihahayag ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Oo, at sa kanilang mga kongregasyon, makikilala mo ang mababait, tapat-pusong mga tao na sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay ay nagpapakita na tunay ngang natutuhan nila na umibig sa kanilang kapuwa.
 

Similar threads

Back
Top