Hindi ko alam kung saan nya hinugot ang sinabi nya pero nirerespeto ko parin ang tingin nya sa mga taong neutral sa pulitika. Tinatanong ko sya pero hindi nagrereply. Interesado ako malaman bakit ganun iniisip nya pero dahil hindi nya masabi sasabihin ko na lang kung bakit ako neutral sa pulitika..
Bago yun may itatanong lang ako sa inyo sa mga makakabasa nitong thread, anong unang pumapasok sa isip nyo kapag may nakilala kayo na neutral sa pulitika?
Simple lang kung bakit neutral ako sa pulitika dahil napaka gulo lang ayoko makisangkot. Iniisip ko na baka iniisip nyo na ang mga taong neutral sa pulitika ay kontra kami sa gobyerno. Hindi po ganun nirerespeto ko parin ang gobyerno sumusunod ako sa batas at nagbabayad ng buwis. Hindi ko na pahahabahin pa paliwanag ko. Yun lamang.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.