What's new

Restrictions VS. Unvaccinated

Status
Not open for further replies.

eerie

Forum Expert
Elite
Joined
Jul 7, 2021
Posts
3,851
Solutions
52
Reaction
21,959
Points
3,956
Bakit ba pinag iinitan ang mga hindi bakunado? May exemption naman na mga ibinigay tulad ng pagbili ng pagkain, pagpunta sa trabaho at iba pang essential activities..

Alam ng Gobyerno kapag hindi sila nagpatupad ng ganyang mga restrictions magiging mabagal ang pag-usad ng mga babakunahan. Alam ko ang kahalagahan ng bakuna pero parang masyado na ang ginagawang restrictions para sa mga ayaw magpabakuna..

Pansin ba ninyo sa balita kapag may nagka covid sasabihin hindi bakunado ang nahawa pero kapag may isang bakunado na nagkasakit ng malala hindi nila ma mention na bakunado sya..

Kumusta ba ang Death Rate kumpara nung wala pang vaccines vs ngayon na meron?

Madalas mga mild symptoms dba? Depende na lang sa magiging reaction ng katawan mo..

2nd dose ko na sa darating na January 10 napilitan nako magpabakuna dahil sa trabaho.
 
ayaw nila maglabas ng data vaccinated vs un vaccinated para walang pagdududa mga tao.
 
ayaw nila maglabas ng data vaccinated vs un vaccinated para walang pagdududa mga tao.
Ginagawa lang nila mga restrictions na ganyan para may maipakita na may ginagawa sila pero mga nahihirapan tlaga mga hindi bakunado..

Tulad halimbawa sa trabaho.. may nakasabayan ako nag apply nung ininterview sya nalaman na hindi pa pala sya bakunado ayun pinauwi na lang.. at isa pa panggigipit na yung every week na pag papatest at ikaw mismo gagastos.. may choices nga na ibinigay pero hindi yun makatarungan.
 
Kaya nga gaya ng di ka pwedeng pumasok sa isanf establishment pag di ka bakunado gaya ng mall, restaurant o kung saan saan pa. Kaartehan na lang nila yan. Haist
 
sa tingin ko simple lang yan. ..
its your right not to be vaccinated if you dont want it.
but its also other people's right to protect themselves if they want to.

in the end its just a of choice..
Oo boss nandun na tayo sa part na yan ang problema hindi nagiging pantay ang trato nila sa ibang salita unfair ika nga.. maganda treatment pag vaccinated, kapag hindi vaccinated daming restrictions. Yung rights nila kailangan muna dumaan sa restrictions? Fair ba yun?

Madalas ang mga nanghahawa ngayon mga vaccinated.
 
Hayahaaay na buhay... simple logic lang pinapadami mga cases para matakot mga tao mag pa bakulaw. Syempre legal na kuratching. 🤣kaya trillion na utang ng pinas kawawang juan dela cruz.
 
sa tingin ko simple lang yan. ..
its your right not to be vaccinated if you dont want it.
but its also other people's right to protect themselves if they want to.

in the end its just a of choice..
agree ako dito. nasa tao yan kung gusto nila magpa-vaccine or hindi. choice nila yun e, pero tulad nila, may choice din yung mga establishment and companies na hindi sila papasukin or lagyan sila ng restrictions kasi mas pinapahalagahan nila yung kalagayan ng mas madaming tao which is in most cases e yung employees nila. kasi once na nainfect sila, malamang magsasara yung establishment for quarantine, malaking losses din yun sa side nila.
 
pano mo nasabi? lahat ng tao ay pwedeng carrier ng virus vaxxed or not..
Why do we need to have restrictions? perfect example dito is the Poblacion incident...
Boss both vaccinated at unvaccinated matic na mag quarantine kapag galing sa isang bansa na maraming cases ng virus. Pabor ang lahat dyan dahil parehong vaccinated at hindi ang mag quarantine. Marapat naman na gawin yun na mag quarantine ang mga OFW..

Hindi ko alam boss kung nanonood ka palagi ng balita pero kung mapapansin mo kapag may bagong cases hindi nila sinasabi kung bakunado o hindi yung tinamaan. Sinasabi lang nila kapag yung tinamaan ay hindi bakunado.

agree ako dito. nasa tao yan kung gusto nila magpa-vaccine or hindi. choice nila yun e, pero tulad nila, may choice din yung mga establishment and companies na hindi sila papasukin or lagyan sila ng restrictions kasi mas pinapahalagahan nila yung kalagayan ng mas madaming tao which is in most cases e yung employees nila. kasi once na nainfect sila, malamang magsasara yung establishment for quarantine, malaking losses din yun sa side nila.
Restrictions na pabor lang sa gobyerno hindi sa mga hindi bakunado. Parang ang nagiging mindset ninyo mas madaling makapanghawa at tamaan ang hindi vaccinated keysa sa mga vaccinated eh pareho lang pwedeng makapanghawa.
 
Last edited:

Mas madali naman po talaga mahawaan or makahawa yung mga unvaccinated. Oo pareho lang na mahahawaan or makakapanghawa, pero compared sa vaccinated, mas maliit yung chance ng mga vaccinated na mahawaan or makapanghawa kasi meron na silang added protection sa virus. Hindi porke vaccinated e immune na sa virus, added protection lang yun. Hindi immunity sa virus.
So kung ilalagay ko sarili ko sa isang establishment or company owner, mas pipiliin ko na yung scenario na maliit yung chance na magka-outbreak sa establishment ko
 
Sa pagkakaalam ko naman hindi basehan kung madali o mabilis kang makapanghawa. Ang pinagbabasehan dyan ay yung death rate o bilang ng namamatay kapag nakapag pavaccine kana. Mas maliit lang yung chance na mas lumala pero hindi kung gaano ka kabilis makapanghawa o mahawaan.
 
dito sa company kong pinapasukan ngayon, may mga empleyado na ayaw mag pa vaccine, so ang result, wala silang nakuhang christmas bonus and other incentive packages from our company last december. matibay ang paniniwala nila hanggang ngayon. although, goods parin naman sila mag report sa work, every 2weeks nga lang dapat may negative RTPCR test result sila na pinapakita sa medical. hehe. sakit sa ulo..
 
ay grabe naman yung ganito, walang bonus and other incentives dahil hindi vaccinated? yan yung clear discrimination talaga sa tingin ko. hehe.

maintidihan ko pa yung sa last part na need ng negative result sa rtpcr, just to make sure lang na clear pa.

samin naman, nagpapatest lang kami kapag magseservice sa customer companies.
 
dito sa company kong pinapasukan ngayon, may mga empleyado na ayaw mag pa vaccine, so ang result, wala silang nakuhang christmas bonus and other incentive packages from our company last december. matibay ang paniniwala nila hanggang ngayon. although, goods parin naman sila mag report sa work, every 2weeks nga lang dapat may negative RTPCR test result sila na pinapakita sa medical. hehe. sakit sa ulo..
Oh diba ang unfair ng ganyan. Gumawa ng restrictions ang gobyerno at ng company na sa kanila din naman papabor. Kawawa lang tlaga mga ayaw magpabakuna.. naiipit sila sa hindi tamang pagtrato ng gobyerno.
 
Choice mo naman yon. You have the right to protect yourself from being vaxxed kung ayaw mo.
Others naman have the right to protect themselves from the virus as they see it.
So natural lang na iiwas sila sayo kse natatakot sila. Just like ikaw din umiiwas sa vacc for your own reasons.
Kaya ka feeling restricted is because mas madami ang nagpabakuna at umiiwas sayo kesa yung ayaw magpabakuna.
 
Bakit sila matatakot? Di ko gets.. kasi vaccinated ka man o hindi pwede ka parin naman makapanghawa..🤨 Paano kaya kung subukan mong ikaw ang nasa katayuan ng mga hindi vaccinated? Isang araw lang magpanggap kang hindi vaccinated magpunta ka sa mga food establishment o malls, mag apply ng trabaho at mag travel sa ibang lugar dito lang sa bansa. Sa bawat pupuntahan mo unahin mong itanong at sabihin kung pwede ba ang hindi bakunado. Para maramdaman mo yung salitang restrictions..

Pantay ang tingin ko sa mga vaccinated at hindi.. ikaw ba?
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top