What's new

Closed Rice Cooker na Bumabalik sa Warm Mode

Status
Not open for further replies.

Sirjon2019

Addict
Joined
Aug 22, 2019
Posts
14
Reaction
7
Points
66
Na experience nyo ba na magluto at mahilaw yung sinaing nyo sa rice cooker na gamit nyo?
Kanina umaga lang me pumuntang kapitbahay at sinabing sira daw rice cooker nila sa bahay. isang taon pa lang daw eto.
Problema: Pag binaba yung button(mas tama, lever dapat tawag dito), sa 'cook' mag pupula yung ilaw pero after less a minute eh mag-wa-warm indication (yellow light)
Analysis: Ang rice cooker ay may dalawang switch, yung isa eh manual switch, pag binaba mo yung lever (mechanical) eh mag-la-lock eto dahil sa bilog na makikita sa ilalim ng kalderong nakapatong dito. Me isa pa itong switch na heat sensitive. Eto eh me dalawang metal plates na kapag umabot sa certain temperature, eh mag -ii- snap eto magiging open mode sya. Initially, close (or in contact) eto kapag mainit pa yung rice cooker, automatic yung gagana na lang yung manual switch.
Sa case ng rice cooker na eto, leaf switch ang ginamit. Eto eh dalawang copper plates na nag-ko-contact once you push down the lever.
Nadiskubre ko na marumi na ang contact ng manual switch, puno na ng carbon. Nilinis ko lang eto ng kapirasong liha (pino, panbakal) at wallah, naayos na.
Dati daw, kinakalsuhan daw ng me ari ng tinidor yung lever para di umangat di umangat at mag stay sa 'cook' mode yung rice cooker. Ngayon, nag oo-automatic warm na sya at di na kelangan bantayan kung inin na kanin.
Hanggang dito na lang, salamat sa pagtanggap sa akin dito.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top