What's new

Help Sa mga bumili ng phone sa lazada or shopee may tanong ako.

Pwede niyo ring option Abenson, Anson, etc. basta yung mga Appliance Store na may delivery din
Kasi diyan may physical branch kayong hahabulin, mas mahal lang ng konti

Naka at least 10++ times na kami naka try sa parehong Lazada at Shopee, marami kasi nagpapabili
Legit at safe naman pareho

Try niyo sundin lahat ng tips dito

Best to Worst:
1. Flagship Store
2. Official Store (basahing mabuti kasi madaming naglalagay ng FAKE na "Official" sa mga pics)
3. LazMall / ShopeeMall
4. Preferred or Authorized
5. Well known stores: LuckyHR, MemoExpress, etc. (yung mga may stall sa SM/Rob/Ayala malls)
Pag wala diyan sa 1 to 5 iwasan na lang muna yung store

Store:

Dapat ang rating 90+ / 90+ / 90+ (chat response / volume / ratings)
Tignan din kailan nag join sa Laz/Shopee, mas matagal usually mas OK, yung ilang taon na sana
Basahin muna ang mga 1-star review (wag 5-star) kung may valid na issues sa shop
Check din mabuti na may nakalagay na list ng service centers at phone numbers (ex: Citylight sa Xiaomi)
1 year Warranty dapat or more

Payment:
Mag Credit Card kung available, kasi pwede mag chargeback kung may dispute (depende sa Bangko)
Cash-On-Delivery dapat kung walang card

Delivery:
Mas maganda yung "Fulfilled by Lazada/LEX" or "Fulfilled by Shopee"
Mas maganda kung local/provincial warehouse, kasi 1-3 days lang delivery
Pag China/overseas, 2 weeks to 1 month inaabot
Check packaging, check dents
I-video ang pag unbox sa harap mismo ng delivery man, para may proof nga kung may issue
I power-on yung phone (may 60% charge kadalasan), check for dents, dead pixels
Bigyan lagi ng tip / pameryendahin si Kuya/Ate courier
 
Last edited:

adema

Forum Veteran
kapag gadget sa mall na lang ako. mas sigurado pa. on the spot mache check mo agad kung may sira para palit agad..
 
kapag gadget sa mall na lang ako. mas sigurado pa. on the spot mache check mo agad kung may sira para palit agad..
Ginagawa namin diyan lods, pagka deliver, i-video, unbox, power on, at test sa harap mismo ng courier
Walang bayaran pag may issue

Physical Mall - Pros
-mahahawakan mga sample, ma-te-test, pati iba ibang model
-kita mo agad kung legit (sa marunong mag check syempre)
-palit agad pag may issue sa shop pa lang
-may hahabulin, babalikang branch pag may issue

Online - Pros
-walang byahe, pagod, ubos oras
-mas mura ng konti pag regular, ng malaki pag sale (10/10, 11/11)
 
Goods naman po ts. Sa lazada ako bumili ng poco f3 secured naman ang package. Sa official store ka bumili kung online ang payment mo. Pero kung hindi official store at good ratings naman ang seller at item, mas preferred kung COD.
COD na ?
 
Top