Sandali Lang
Alam ko hindi kita dapat pinipigilan
Kung nais mong makawala sa pagkakagapos mo
Alam ko ring di mo kayang pigilan
Ang nais mong ipahatid at ipabatid
Dahil ikaw lang ang buhay ko.
Ngunit paano kung sa pagkakawala mo'y
Masaktan ka at di mo kayanin?
Paano kung mali ka sa pagpili sa kanya?
Di lang ikaw ang masasaktan,
Kundi ako rin na syang kumakatawan sayo.
Pero kung ito ang iyong nais,
Wala akong karapatang pagbawalan ka
Wala akong karapatang ipagkait ito sayo
Kung ikaliligaya mo't kaliligaya ko
Ang Puso kong torete Sayo.
-Madpro