What's new

Trivia Si Satanas sa Likuran ng Maskara

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
NGAYON, si Satanas ay tumatanggap ng pambuong-daigdig na pansin. Mga resma ng papel ang naisulat sa mga pahayagan, magasin, at relihiyosong mga pulyeto tungkol sa kaniya. Ang mga programa sa radyo at telebisyon ay inilaan sa relihiyon na nagtataglay ng kaniyang pangalan.

Ang “Satan,” na isinusulat nang pasulong at paurong, ay makikita sa mga upuang pampubliko, ipinipinta sa mga tulay at mga pader ng abandonadong mga gusali at sa harapan ng mga tindahan, at ipinipinta sa mga bintanang salamin. Ang pang-akit at ang kasunod na pagkasilo ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, sa relihiyon na nagtataglay ng pangalan ni Satanas ay naging pambihira.

Gayunman, sa kabila ng malaganap na publisidad, may iba’t ibang palagay tungkol sa kung sino, o kung ano, nga ba si Satanas. Sa marami, pati na ang kaniyang pinakadebotadong mga tagasunod, si Satanas ay nagkukubli at hindi nagpapakilala. “Malawak ang sakop nito,” sabi ng isang propesor ng relihiyon, “mula sa mga taong naniniwala sa isang literal na persona na si Satanas hanggang sa kabilang panig niyaong mga naniniwala na ito ay isang makasagisag na bahagi ng pananalita at na basta iwinawaksi ang ideya.”

Nang ilarawan ng isa pang propesor ng relihiyon sa isang Baptist na teolohikal na seminaryo si Satanas bilang ‘lingkod ng Diyos,’ sa halip na pangunahing kaaway ng Diyos, lumikha ito ng relihiyosong kaguluhan. Maraming tawag sa telepono at mga liham sa tagapaglathalang kompaniya ng simbahan ang tumutol sa interpretasyong ito. “Kung si Satanas ay tinatanggap bilang isang lingkod ng Diyos,” sabi ng isang konserbatibong ministrong Baptist, “kung gayon iyan ay gumagawa sa Diyos na ating kaaway.” Gayunman, tinutulan iyon ng isa pang Baptist na ministro at propesor ng relihiyon sa pagsasabi na ang mga miyembro ng lupon ng Baptist “ay hindi nagsagawa ng surbey upang alamin kung ano ang opisyal na katayuan ng Baptist” tungkol kay Satanas.

Sa katunayan, hindi talaga nalalaman ng mga miyembro ng maraming simbahan kung ano ang itinuturo ng kanilang relihiyon tungkol kay Satanas. Isang manunulat sa pahayagan ang nagsabi: “Iilang relihiyon ang may doktrina na nagsasabi sa kung ano ang dapat paniwalaan ng kanilang mga miyembro tungkol kay Satanas, kaya ang paksa ay nagiging lubhang personal.” Ang iba ay nagtuturo pa nga na ang Diyablo ay basta kumakatawan sa masama na nasa atin. Halimbawa, sinasabi ng ministrong Presbeteriano na si A. D. Ellison na si Jesus ay tinukso sa disyerto, hindi ng isang sobrenatural na satanikong persona, kundi ng kaniya mismong pagkamaka-ako.

Hindi kataka-taka na ang mga miyembro ng simbahan ay nag-aalinlangan kung tungkol sa pagkakakilanlan ni Satanas, yamang ang kanilang mga lider ng relihiyon ay nag-aalinlangan din.

Kung Sino Siya

Gayunman, ang Kasulatan ay napakaliwanag at mariin kung tungkol sa kung sino nga si Satanas. Nilikha ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang maraming espiritung nilalang na nakalalapit sa kaniya sa langit at na mga lingkod niya. Isinisiwalat ng Bibliya na nang “itatag [ng Diyos] ang lupa,” nililikha ito para tirahan ng tao sa hinaharap, “lahat ng anak ng Diyos [espiritung mga nilikhang anghel] ay naghihiyawan sa kagalakan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang maglaon, isa sa mga anghel na ito ay tumalikod sa kaniyang Maylikha, naging isang rebelde, isang mananalansang.

Ang orihinal na mananalansang na ito, o Satanas (nangangahulugang “Mananalansang”), ang siyang gumamit sa isang ahas bilang tagapagsalita nang nakikipag-usap kay Eva upang hikayatin siyang sumuway sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Iyan ang dahilan kung bakit siya ay tinatawag din na “ang matandang ahas.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ganito ang sinabi mismo ni Jesus tungkol kay Satanas: “Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa noong una, at hindi nanatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kaniya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa gayon ipinakilala ni Jesus si Satanas na dati’y nagtatamasa ng pagsang-ayon ng Diyos subalit naghimagsik siya laban sa Diyos na Jehova.

Bagaman sinasabi ng iba na ang Diyablo ay basta tumutukoy sa isang simulain ng masama, ang mga katangian at mga kilos na ipinatutungkol kay Satanas sa Bibliya ay maaaring ipatungkol lamang sa isang persona. Oo, ipinakikita ng Bibliya na si Satanas ay isang tunay, di-nakikitang espiritung persona na ang nasabing layunin ay italikod ang sangkatauhan sa paglilingkod sa Maylikha, ang Diyos na Jehova. Nang tuksuhin ni Satanas si Jesus sa ilang, si Jesus ay hindi maaaring tinukso ng isa lamang katangian ng masama o ng ‘kaniya mismong pagkamaka-ako.’ Sapagkat ang masama, o ang kasakiman, ay hindi maaaring manahan sa loob ni Jesus, yamang malinaw na binabanggit ng Bibliya na si Jesus ay “walang sala, walang dungis, hiwalay sa mga makasalanan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Paghahanap ng Kapangyarihan

Si Satanas ay naghimagsik laban sa Diyos sa paghahanap ng kapangyarihan, dahil sa pagnanais na maghari sa iba, upang maging diyos nila, upang sambahin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Inialok niya kina Adan at Eva ang kapangyarihan at kalayaan—“upang maging gaya ng Diyos” sa paggawa ng kanilang sariling mga pasiya sa kung ano ang mabuti at masama, tama at mali. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang kapangyarihan at kalayaan ang siya pa ring iniaalok ni Satanas sa kaniyang mga mananamba.

Kaya, isang tin-edyer na Satanistang nagngangalang Sean, na kapapatay lamang sa kaniyang mga magulang at isang ikatlong biktima, ay sumulat: “Ako’y malaya na. Maaari na akong pumatay nang hindi nagsisisi.” Noong minsan siya’y sumulat na ginagamit ang kaniyang sariling dugo: “Itinatakwil ko ang Diyos, itinatakwil ko si Kristo, ako’y maglilingkod lamang kay Satanas . . . Purihin si Satanas.”

Si Randy Shores, isang tin-edyer at dating miyembro ng isang satanikong kulto ay nagsabi: “Ang galing nito noon, na taglay mo ang lahat ng kapangyarihang iyon.” Idiniin ni Shores na ang ‘kapangyarihang iyon ang pang-akit, ang kapangyarihan na nagmumula sa pangkat na nangsasanggalang sa iyo, mula sa mga ritwal at mga gayuma na isinasagawa upang saktan ang iba, at mula sa pagkasekreto.’

Oo, may paniwala sa gitna ng maraming mananamba ni Satanas na bibigyan niya ng kapangyarihan yaong mga sumusunod sa kaniyang mga turo. At ang pagkaunawa ng ilang mananamba ni Satanas ay na ito’y nangangahulugan ng kapangyarihang pumatay nang walang parusa. Ang nailathalang mga pagpatay ng mga mananamba ni Satanas ay nagsisiwalat na sila ay talagang naniniwala na sa pamamagitan ng pagpatay mailalapit nila ang kanilang sarili sa Diyablo. Kaya may pangangailangang seryosong isaalang-alang ang lumalagong panganib ng pagsamba kay Satanas.

Huwag Kayong Padaya

Tandaan, si Satanas ay tunay. Hindi siya guniguni lamang. Ang kaniyang pinakamalaking kasiyahan ay siraang-puri ang Diyos at ang Kaniyang Salita, ang Bibliya, at siluin ang hangga’t maaari’y marami sa kaniyang habi ng pagkawasak. Subalit sinimulan na ng Diyos ang pagkilos laban kay Satanas, binibigyan-kapangyarihan ang pag-aalis kay Satanas sa langit tungo sa kapaligiran ng lupa. Ang pagkakulong ni Satanas sa lupa ay walang alinlangang isang salik sa pagsasauli kamakailan ng Satanismo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang mga magulang ay kailangang maging atentibo. Sa maraming kaso kapag itinataguyod ng mga bata ang Satanismo, ito’y dahilan sa ang kanilang mga magulang ay hindi nagbibigay sa kanila ng pag-ibig at atensiyon na kailangan nila. Ipinaghihinanakit ng mga bata ang waring pagpapabaya at nagiging madaling biktima ng satanikong mga mangangalap.

Gayunman, nakatutuwang malaman na ang wakas ni Satanas at ng kaniyang impluwensiya ay malapit na. Hindi na magtatagal siya at ang lahat ng kaniyang mga tagasunod ay daranas ng pagkatalo at ganap na pagkapuksa. Gagamitin ng dakilang Diyos, si Jehova, na buong pagmamalaking hinamon ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo, ang kaniyang Mandirigmang-Hari, si Jesu-Kristo, upang alisin ang balakyot na mga personang ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Samantala, harinawang isa ka sa mga lalaban kay Satanas at makasumpong ng proteksiyon sa maibiging kapatiran ng organisadong mga mananamba ng tunay na Diyos, si Jehova.


Pinagmumulan ng Tunay na Proteksiyon

Sa isang liham sa The Times Herald Record ng Middletown, New York, inilarawan ng isang lalaki kung paano siya nasangkot sa paghahanap ng okultong kapangyarihan. Siya’y nahikayat ng mga isinulat ng dalawang saykoterapis na nagtipon ng isang resipe upang makuha ang mga kapangyarihang ito. “Masugid kong sinunod ang resipe,” sabi niya, “subalit pinagbayaran ko ito ng anim na linggong malaking takot gabi-gabi.

“Mabuti na lamang,” patuloy niya, “dalawa [sa] mga Saksi ni Jehova ang nagpayo sa akin, kabilang sa ibang mga bagay, na manalangin kay Jehova at ginawa ko ito gabi-gabi nang magsimula akong makaranas ng kakatuwang mga pakiramdam.” Ano ang mga resulta?

“Noong huling gabi ng malaking takot,” sabi niya, “anuman ang umaalipin sa akin ay iniwan ako . . . Pagkatapos noon, wala na akong masamang karanasan.” Natutuhan ng taong ito, gaya ng isinulat niya sa pahayagan, na “hinahatulan ng Diyos ang mga nakikibahagi sa okultong mga gawain (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.).”—Pebrero 27, 1988.

Ang nabanggit na kasulatan ay You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. nagsasabi sa bahagi: “Huwag makakasumpong sa iyo . . . ng sinuman na gumagamit ng huwad na panghuhula, ng isang mahiko o sinuman na tumitingin sa mga palatandaan o isang manggagaway, o isang engkantador o sinuman na sumasangguni sa isang espiritistang medium o isang propesyonal na manghuhula ng mga mangyayari o sinuman na sumasangguni sa mga patay. Sapagkat sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumal-dumal kay Jehova.”


Mga Magulang, Bantayan ang mga Tanda

Dahil sa pang-akit ng pagsamba sa Diyablo sa mga kabataan, ang mga magulang ay dapat na maging alisto sa mga tanda na baka ang kanilang mga anak ay nasasangkot. Isang autoridad sa satanikong mga okulto, si Evon Peterson, ay nagpapayo:

“Kailangan nila (mga kabataan) ang isa na maniniwala sa kanila. . . . Nakikiusap sila na may magbigay pansin sa kanila . . . makinig sa kanila. Ang mga kulto ay napakahusay sa pakikinig. Kung wala roon ang mga magulang, naroon ang mga kultista.”

Si Angelo Pierri, isang tagapayo sa New Jersey, ay nagbababala: “Alam kong malamang na sinasabi ninyo, ‘isa lamang itong kausuhan,’ at iyan nga ang nais ng mga satanista na isipin ninyo. Ayaw nilang malantad. Ayaw nilang mahayag ang kanilang mga gawain.”

Lalo nang mahalagang obserbahan ang musika na pinakikinggan ng mga kabataan. Karamihan ng maiingay na musikang rock sa ngayon ay punô ng satanikong mga mensahe at simbolismo. “Ito’y ubod ng sama,” sabi ni Peterson, “na may mga mensaheng pumatay at manakit. Pinupuno nito ang mga pangangailangan ng bata na kumilos nang marahas.”

Noong nakaraang taon pinatay sa saksak ng isang 14-anyos na kabataan sa New Jersey ang kaniyang ina at saka pinatay ang kaniyang sarili. Mga poster ng mga musikerong tumutugtog ng maiingay na musikang rock ang tumatakip sa dingding ng kaniyang silid. Ang ama ng bata ay saka nagsumamo: “Sabihin ninyo sa mga magulang na bantayan ang musikang pinakikinggan ng kanilang mga anak.” Sinabi niya na noong buong linggo bago maganap ang mga pagpatay, inawit pa ng kaniyang anak ang isang awiting rock “tungkol sa dugo at pagpatay sa iyong ina.”

Tunay, ang Satanismo ay nakamamatay, lumalagong panganib. Ang unang hakbang upang malabanan ito ay magkaroon ng kabatiran dito. Pagkatapos ay harapin ito. Oo, ang Bibliya ay wasto kapag sinasabi nito na tayo ay may pakikipagbaka “laban sa hukbo ng balakyot na mga espiritu.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay talagang umiiral, at sila ang nasa likuran ng lahat ng makadiyablong mga gawaing ito.
 
Back
Top